[3] May Gusto Na Yata Ako

6.5K 325 99
                                    

E  L  L  A

          “Kayo na ba?” inirapan ko na lang si Troy. Kanina pa siya tanong ng tanong, sinasagot ko naman pero di naniniwala. Timang yata etong kaibigan ko eh.

            “Kulit mo naman pala, sabing hindi eh!” sabi ko, nakakapagod siya.

            “Eh kelan?” tanong naman nitong si Elmo.

            Ay bwisit! Ang gugulo! “Aba malay ko! Di naman nanliligaw eh!” sabi ko na ikinagulat ko naman. Medyo tanga lang.

            Agad namang ngumisi yung dalawa. “Eh di kapag nanligaw eh ayos lang?” tanong ni Troy.

            “Hay nako, maghanap nga kayo ng kausap!” hindi ko na lang sila pinansin.

            May gusto na YATA ako kay Liam pero hindi pa ako aamin. Huwag muna dahil sigurado naman akong may tamang panahon para doon.

            Apat na buwan na yung lumipas simula nung umamin sa akin si Liam, ganun pa rin kami hanggang ngayon. For some reason, hindi ko kayang sabihin sa kanya kung ano yung nararamdaman ko. Hindi ko alam, talagang naiilang lang ako sa kanya.

        Kasalukuyan kaming nasa bahay ng isa naming kaklase. Mayroon kasi kaming group practice para sa isang contest sa school.

        Kasali kasi kami sa dance competition para sa isang fair sa school. Hindi lang halata pero hilig namin nila Liam, Elmo at Troy ang sumali sa mga competitions.

        “Okay guys, break muna kayo. Balik kayo after ten minutes” sabi ni Hazel, yung leader namin.

        “Labas tayo” niyaya ako ni elmo at Troy. Tumango naman ako saka ko hinanap si Liam.

        “Liam, lalabas lang kaming sandali, sama ka?” pagtanong ko sa kanya kaso umiling lang siya.

        Agad naman akong lumabas na. Ang gara, ni hindi man lang ako tiningnan ni Liam. Ano kaya ang problema nun?

        Tahimik lang akong naglalakad kasama yung dalawa. “Bad trip ka yata ah” sabi ni Troy. Halata naman kasi, nainis lang ako ng konti kay Liam. Simula kaninang umaga ay di na niya ako kinakausap eh.

        “Si Liam na naman yan, hula lang” sabi naman ni Troy saka siya tumawa ng mahina.

        Wala namang bago eh, kapag naba-bad trip ako, usually si Liam lagi ang may kasalanan noon. Hindi na ako umimik pa, alam rin lang nila eh. Ang nakakainis lang, di ko maipaliwanag kung bakit ang dali kong mainis kay Liam ngayon.

        “Hay nako, in denial pa kasi. Obvious naman na may gusto ka na kay Liam eh” sabi ni Elmo.

        Patuloy lang kaming naglalakad hanggang sa makakita kami ng isang bench. Naupo kami doon,malakas ang hangin dito kaya masarap magpahinga at isa pa, pagod kaming lahat dahil sa practice.

        “Di namamansin si Liam” panimula ko. Nakaderecho man ako ng tingin ay alam kong napangisi etong dalawang katabi ko.

BitterELLA : Move on na ba Talaga? (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon