[56] May Iba

3.6K 178 157
                                    

L I A M

Inip na inip ako rito sa klase ko. Pakiramdam ko talaga ay may mali. Naalala ko na naman 'yung mga bad omen na pinagsasabi ni Hazel kanina.

Kalokohan lang naman 'yun, hindi ba?

Bigla akong nakarinig ng katok sa pintuan at nagbukas iyon. Agad kong nakita si Hazel sa may pinto at kasama niya sina Troy at Elmo.

"Ano ang kailangan nila?" Tanong nung prof ko.

'Yung ilan naman sa mga kaklase ko ay napatingin sa akin. Palibhasa alam halos ng lahat na ex ko siya.

"Excuse lang po kay Liam" sabi ni Hazel. "Emergency lang po" dagdag niya.

"Bro, nagkabalikan kayo?" Agad kong siniko 'yung katabi ko.

"What kind of emergency?" Tanong pa ulit ng prof ko.

"May kailangan lang po kasi kaming puntahan" paliwanag ni Hazel.

"Ohh, baka sa SOGO na 'yan ha" bulong ulit nung katabi ko at tinadyakan ko na lang siya.

"Gago manahimik ka nga" mahina kong sinabi na may halong inis.

"Is it more important than my class?" Masungit talaga si sir, e. Major subject din ito kaya hindi pwedeng basta-basta na lang akong i-excuse.

Nag-aalinlangan na tumango si Hazel. "Medyo personal po kasi, tungkol po sa friend namin" nakita ko bigla na parang kinakabahan na siya.

Ano ba ang meron?

Tumingin na lang sa akin 'yung prof ko. "Gonzales, you're excused. Sige na, bago pa magbago isip ko"

Tumayo naman ako saka ko kinuha 'yung gamit ko. "'Wag ka na ngang mabagal!" Sigaw bigla ni Hazel kaya binilisan ko na lang. Narinig kong nagtatawanan 'yung ilan sa mga kaklase ko.

"Bakit niyo ba ako pinuntahan?" Tanong ko.

"Wala ka bang na-receive na text kay kuya Logan?!" Tanong ni Elmo at umiling naman ako. Bakit naman ako ite-text noon?

"Takte naman pre, naaksidente si Ella! Nasa ospital siya ngayon. Nandoon na sila Xander at Abi" sabi ni Troy.

Nanlaki naman 'yung mata ko sa narinig ko. Kaya ba hindi ako mapakali?! Kasi may ganitong nangyari?

"Tara na nga. Hindi ako matatahimik hangga't 'di ko nakikita si Ella na okay" nag-aalalang sinabi ni Hazel.

Dumerecho na kami sa ospital na sinabi sa akin ni Elmo. Magkasama sila ni Troy tapos kami naman ni Hazel ang magkasama sa kotse ko.

Maiilang sana ako kaso mas may inaalala ako at si Ella 'yun.

Pansin ko naman na hindi mapakali si Hazel. Para ring nahihirapan siyang huminga.

"Zel, okay ka lang? Baka ikaw naman ang mapano diyan" tanong ko sa kanya.

Lumunok lang siya saka siya huminga nang malalim. "Okay lang ako. Medyo nag-aalala lang. Sa tingin mo okay lang si Ella?"

Napatingin ako sa kanya nang sandali. Hindi siya nagalit na tinawag ko siyang Zel.

"Ella will be okay, tiwala lang" sabi ko sa kanya.

"Natatakot ako" sabi ni Hazel. "Naalala mo noong inatake si lola noon?" Tanong niya bigla.

High school pa kami noon, e. Nasa kalagitnaan din kami ng klase tapos biglang tumawag 'yung parents ni Hazel kasi inatake raw 'yung lola niya. Sinamahan ko siya papunta sa ospital kaso hindi na namin inabutan 'yung lola niya. Iyak lang siya ng iyak noon.

BitterELLA : Move on na ba Talaga? (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon