[52] Magtiwala

3K 160 47
                                    

E L L A

"Hazel, ano ba ginawa mo? Hindi mo kailangang mag-send ng ganun naessage" sabi ko habang imagaw ko 'yung cellphone ko. At isa pa, ang ganda gandang babae pero sanay mag-jejemon sa text?

"Magpasuyo ka sa kanya" sabi ni Hazel. "Ilang araw ka na ba kasing hindi niya ginagawang priority? Kapag hindi ka gumawa ng move, masasanay siya ng ganun"

"Hindi naman ako magagalit talaga kay Xander, e. Nagtatampo lang ako. Isa pa, nung nakita ko siyang kasama si Tess na nakangiti ng ganun, hindi ko nagustuhan. Hindi ko gusto na maging komportable sila sa isa't-isa, ang selfish ko hindi ba?"

"Hindi 'yun selfish Ella, territorial ka lang" sabi niya. "Sa'yo na si Xander dapat pero dumating pa si Tess. Hindi pwedeng hayaan mo na lang 'yan!"

Napasimangot naman ako. "Territorial talaga? Hazel, ayoko namang palakihin pa 'yung problema, e. Okay na siguro 'yung huwag ko na muna siyang pansinin" sabi ko.

"Iyan ang problema" tinuro niya ako bigla. "Huwag kang masyadong mabait. Kailangan maipakita mo kay Tess na sa'yo talaga si Xander, off limits na dapat 'yun. Walang magagawa ang pagiging understanding mo"

"Alam mo bad influence ka" sabi ko sa kanya. "Dapat si Abi at Pau na lang ang sinabihan ko, e"

Kinurot naman niya ako sa tagiliran. "Bastos nito, ako na nga etong nagmadaling nagpunta sa'yo mula sa building namin pero hindi mo ako ma-appreciate"

Natawa naman ako nang mahina. "Eto naman hindi mabiro. Ayoko naman kasing maging OA. Paano kapag lalo lang malayo si Xander dahil dito sa ginagawa ko?" Tanong ko.

Umiling lang si Hazel. 'Yung totoo, bakit ba kasi kay Hazel ko pa sinabi? Alam ko naman na galing sa breakup 'yung tao kaya medyo bitter pa.

"Ella" napatuwid ako sa pagkakatayo ko nung marinig ko bigla si Xander.

Hindi ako lumingon pero nakita kong napasimangot kaagad si Hazel.

"Ang epal talaga kahit kailan" sabi ni Hazel. Nagtaka ako kaya tumingin na rin ako. Nakita ko na kasama niya si Liam.

"Ella, huwag kang makikinig kay Hazel" sabi kaagad ni Liam.

"Ano karapatan mong sabihan siya ng ganyan?" Masungit naman na tanong ni Hazel.

"Ano rin ba karapatan mo na sabihan rin si Ella kung ano ang gagawin niya?" Tanong pabalik ni Liam.

"Excuse me ha, ako mismo ang tinawagan ni Ella" sabi ni Hazel. "I'm just saving her from this situation"

"Pinapalaki mo lang 'yung problema, e" sabi naman ni Liam.

"Bakit? Alam mo ba kung ano 'yung problema?" Tanong ni Hazel.

Nagkatinginan naman sila ni Xander. "'Yun na nga, e. Wala namang dapat problemahin pero nilalagyan niyo ng problema"

"Ang manhid niyo kasi!"

"Ang komplikado niyo kasi!"

"Pwede ba manahimik kayong dalawa?!" Napatigil sila nang si Xander naman ang sumigaw.

Tiningnan lang sila ni Xander nang masama. "Ang akala ko, kaming dalawa ni Ella ang may problema. Bakit mukhang kayo talaga ang may problema?"

Tumingin naman ako kay Hazel tapos kay Liam. Tama si Xander, kanina ko pa ramdam 'yung tensyon sa kanila.

"Sino nagsabing may problema kami?!" Tanong ni Hazel.

"Alam niyo, pag-usapan niyo 'yan ha. Habang nag-uusap kayo, kakausapin ko lang rin itong babaeng ito" sabi ni Xander habang lumapit siya sa akin.

BitterELLA : Move on na ba Talaga? (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon