🍃🍃🍃
Nandito kami ngayon ni Khalil sa puntod nina Mommy't Daddy. Galing din dito sina Tita kanina pero di na kaya ni Alexis ang antok nya kaya nauna na silang umuwi.
"Uh, hi Mommy, Daddy! Kamusta po? Nagdala po ako ng sisig! Favorite nyo po ito diba? Meron din po akong dalang roses para sa inyo. Pasensya na po hindi ko kasama si Jenna. Pero may kasama naman po ako", sabi ko at siniko si Khalil.
"H-hi po, Tito, Tita. M-masaya po akong makilala kayo", nahihiya naman nyang sabi.
Naupo na kami sa tabi ng puntod nina Mommy. Masaya kong nagkkwento sa kanila habang tahimik lang sa tabi si Khalil.
"Bakit di ka nagsasalita?", tanong ko.
Umiling sya. "Nakikinig lang ako sa kwento mo. Madalas kasi, ako ang nagkkwento sayo ng buhay ko kaya ngayon, gusto ko namang makinig sa kwento mo".
Oo nga, tama sya. Kilala ko na halos lahat ng family members nya pero sya, hindi nya pa kilala sina Mommy.
"Ten years old ako nang magsimula akong makakita ng mga red strings. Nung una nga akala ko panaginip lang. Sabi pa nina Mommy, paggising ko daw, wala na daw yung mga strings na yun. Kaso hindi eh, nandun parin. Tapos, natakot ako kasi pagpasok ko sa school, napakaraming mga strings. Hindi ko alam kung pano lulusot o iiwas sa mga yun. Pinagkamalan pa nga nila kong baliw eh. Dahil don, kinailangan naming lumipat dito sa Caloocan at magstart ng panibagong business", panimula ko.
"Nung lumipat kami dito, natakot akong mabully ulet kaya pinili kong manahimik. Akala ko mas ok ang ganon, pero imbes pagkamalang baliw, pipi't bingi naman ang tinawag nila sakin. Gusto ko nang sumuko non pero may isang batang babae ang tumulong sakin. Sya si Jenna", nakangiti kong sabi sa kanya.
"Sya yung nag iisang nagtanggol sakin. Siya lang ang sumasama sakin at sumasabay mag lunch. Si Jenna lang ang naging matalik kong kaibigan", patuloy ko pa. "Nang maka graduate kami ng Elementary, namatay ang tita ni Jenna na syang kumopkop sa kanya. Dahil dun, sinabi ko kina Mommy na alagaan namin si Jenna. Magkasundong magkasundo kaming dalawa. Pati sa hilig at ayaw, pareho kami. Pero ayun, bumukod din siya samin kasi sabi niya gusto niyang tumayo sa sarili niyang paa. Nung una ayaw ko talaga syang paalisin pero ayun, nung tumagal, nagets ko rin kung bakit nya gustong bumukod".
"Tapos ayun, ok naman ang lahat. May communication pa rin kami, lagi. Tas nag exam kami. Masaya pa ko non hanggang sa nalaman kong nasusunog na pala ang bahay namin. Naiwan si Mommy sa loob. Gusto ko syang iligtas! Pero binuhat ako ni Daddy. At sa huli, pareho silang natrap sa loob ng bahay at nasama sa pagkasunog nito. Simula non, kami na lang ni Jenna ang naiwan para sa isa't isa. Napagtapos namin ng High School ang mga sarili namin sa pagtutulungan naming dalawa. Dun din nag umpisa ang business naming flower shop", dagdag ko.
"Kaya pala Jenna and Chuchay's Garden...", sabi nya. "Eh nasan sya ngayon? Bat parang hindi ko pa sya nakikita?".
"Ah, nakakuha kasi sya ng trabaho sa ibang bansa. Pero may picture nya ko rito. Gusto mong makita?", tanong ko. Tumango naman sya.
"Teka, asan na ba yun?", sabi ko sa sarili habang hinahanap ang picture.
"Ah, eto--".
"Khalil?", galing mula sa isang tinig ng babae kaya naman agad kong napatay ang phone ko sa pagkabigla.
"A-ate Hannah?", sabi ni Khalil at napatayo.
Napangisi at napailing ang papa ni Khalil.
"May mga tao talagang walang utang na loob. Mas uunahin ang makipaglampungan sa pampublikong lugar kesa ang bisitahin ang puntod ng mahal nila sa buhay", sabi nito.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Green String
Fantastik"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
7th String
En başından başla
