Matapos namin silang alayan ng dasal ay pumunta naman kami sa puntod ni Tito Chris.

Nag-alay din kami ng kandila, bulaklak at dasal sa puntod ni Tito Chris. Kinausap din sya ng mga anak at asawa nya. Matapos iyon ay nilabas ko na ang mga lunch boxes na inihanda ko kanina.

"Nako, nakakabilib ka talaga Chuchay! Pwede ka ng mag-asawa! Napakasarap ng luto mo", sabi ni Tita.

"T-talaga po? Salamat po", bungisngis ko.

"Kung mag-aasawa ka man po, Ate Chuchay. Sana si Kuya Khalil na lang. Para lagi mo kaming dalhan ng mga luto mo. Ang sarap po kasi talaga eh. Dabes!", sabi naman ni Alexis at naka thumbs up pa ang dalawang kamay. Natawa tuloy kami sa kanya.

Nagligpit na rin kami pagtapos kumain. Gustong kumain ni Alexis ng ice cream kaya sinamahan sya ni Khalil na bumili. Umihi naman si Chandria at naiwan kami ni Tita Alexandria sa tabi ng puntod ni Tito.

"Last year lang namatay ang asawa ko. May sakit kasi sya sa puso. Ang sabi nya, dito nya raw gustong mailibing para madadalaw namin sya kasabay ng pagdalaw ni Khalil sa mama at kuya nya. Palagi kasing nag-iisa si Khalil pag dumadalaw sa puntod nina Era eh. Gustuhin man nyang sumama sa papa at mga ate nya, lagi naman syang pinagtatabuyan ng mga ito kaya kami na lang ang nagpunan sa mga pagkukulang nila kay Khalil bilang isang ama at kapatid", paliwanag sakin ni Tita.

Hinawakan ni Tita ang kamay ko. "Pero ngayon, kampante na ko na kahit hindi kami laging nakasubaybay kay Khalil, may isang taong laging nandyan para sa kanya. Bilang pangalawang ina ni Khalil, nagpapasalamat ako kasi nanumbalik na ang pagiging masigla ni Khalil. Alam kong hindi ko dapat panghimasukan ang relasyon nyo pero para sakin, bagay na bagay talaga kayong dalawa. Minsan lang umibig si Khalil kaya alam kong ibibigay nya ang buong puso nya sa taong mamahalin nya".

Ngumiti naman ako at tinanguan si Tita. Dumating na si Chandria at sakto namang nagring ang phone ko. Tumatawag pala si Jenna. Nagpaalam akong sasagutin ko muna ang tawag.

"Jenna! Kamusta?", bati ko sa kanya.

"Ayos naman! Ikaw? Nasa sementeryo ka na ba ngayon?", tanong nya.

"Oum. Wag kang mag-alala, maiintindihan nina Mommy't Daddy kung bakit hindi kita kasama ngayon", pagpapagaan ko sa loob nya.

"Hays. Kung pwede lang talaga kong umuwi para may kasama ka dyan".

"Ano ka ba? Ayos lang ako. Ang totoo nga, kasama ko ngayon si Khalil at ang pamilya ng Tita nya. Dinalaw namin ang mga yumao nilang kamag-anak. Maya-maya pupunta na rin kami sa puntod nina Mommy".

"Nako, ikaw ha. Mukhang seryoso ka talaga sa lalaking yan. Aba't ipapakilala mo na kila Mommy", biro nya.

"Sira! Parehas lang naman kasi sila ng pinaglibingan ng mama nya kaya sabay na kami", sabi ko naman.

"Oh basta ha, ikaw na ang bahalang magsabi kina Mommy't Daddy. Inalayan ko naman sila ng dasal at kandila dito kanina. Nagluto rin ako ng sisig", sabi nya.

"Siguradong matutuwa sila nyan! Kanina rin, pinatikim ko sa Tita ni Khalil ang special sisig natin. Mukhang nagustuhan naman nila", sabi ko pa.

"Magugustuhan talaga nila yan. Recipe natin yan eh".

"Hahaha! Tama! Salamat Jenna ah?".

"Sus! Basta ha, ipakilala mo ako dyan sa Khalil na yan. Gusto kong kilatisin ang soon to be bebe ng best friend ko".

"Ewan ko sayo! Sige na nga. Mag iingat ka palagi. I miss you, Jenna".

"I miss you, too! Wag kang mag-alala, malapit na tayong magkita".

Green StringWhere stories live. Discover now