"Ah ganon ba? Sige! Magandang ideya nga yun. Ayos lang ba sayo?", tanong nya.

"Opo naman po", sabi ko naman.

"Oh sige po, Tita. Mauuna na po kami. Maraming salamat po ulet", sabi ni Khalil.

"Wala yun. Mag iingat kayo ha", bilin nito na syang tinanguan namin. Aalis na sana ko kaso biglang hinawakan ni Chandria ang kamay ko.

"Salamat Chuchay", sabi nito.

Ipinatong ko naman ang isa kong kamay sa kanyang kamay. "Wag kang mag-alala, hahanapin namin sya. Kailangan nyong magkaron ng happy ever after".

🍃🍃🍃

November na nga at gaya ng inaasahan, punong puno ang shop ng mga costumers na pupunta sa puntod ng mga mahal nila sa buhay.

Napaghandaan naman namin ito at maaga din kaming nagsara. Gusto ko kasing mapuntahan din nila ang puntod ng mga mahal nila sa buhay. Isa pa, gusto ko ding makapaghanda ng mga bulaklak na dadalhin kina Tita Alexandria para kila Tito Chris at syempre para kina Mommy't Daddy.

Inayos ko na ang mga palumpon ng puti at pulang rosas. Nagluto rin ako kanina ng sisig na paboritong paborito nina Mommy at Daddy.

"Oh, ang dami naman nyan", sabi ni Khalil pagpasok sa shop. Kami na lang ang tao rito.

"Oum. Ito para kay Tito Chris, kina Mommy't Daddy, at kay Tita Era at Kuya JB", sabi ko habang tinuturo ang mga bulaklak.

Napangiti naman sya. "Di kaya malugi ka nyan? Magkano ba yan? Babayaran ko na lang".

Umiling naman ako. "Gusto ko din silang bigyan ng mga bulaklak".

Napatango tango naman sya.

"Teka, ano toh?", tanong nya nang makita ang lunch boxes na nasa mesa.

"Ah, sisig yan. Favorite yan nina Mommy't Daddy. Gumawa na ko ng marami para may makain din tayo", sabi ko naman.

Lalong napangiti si Khalil. Lumapit sya sakin at nagulat ako nang yakapin nya ako.

"Salamat, Chuchay", sabi nya at huminga ng malalim. Ramdam na ramdam ko ang paghinga sya malapit sa leeg ko. Pati na ang tibok ng puso nya.

Teka! Malamang nararamdaman nya rin ang tibok ng puso ko. Masyado tong mabilis. Oh noes!

"W-wala yun, nokaba!", sabi ko at tinapik tapik ang likod nya dahilan para bumitaw sya pagkakayakap sa akin.

"Halika na, baka kanina pa naghihintay sina Tita", sabi ko naman.

Pinasok na namin sa kotse ang mga dala namin at sinundo na sina Tita Alexandria sa bahay nila. Nagtungo naman kami agad sa sementeryo at unang pinuntahan ang puntod nina Tita Era.

"Era! Kamusta na? Tignan mo tong anak mo oh. Binatang binata na. Sino na kaya ang mas matangkad sa kanila ni JB ngayon?", tanong ni Tita Alexandria sa puntod ni Tita Era.

"Ma, Kuya, bulaklak po. Si Chuchay po ang naghanda ng mga yan. Sana magustuhan nyo", sabi ni Khalil at inilagay ang mga bulaklak sa puntod nila.

Tumingin naman sya sakin. Napalunok ako at lumapit sa puntod ng mama at kuya nya.

"Uh... H-hi po! Nagkita po ulit tayo, Tita, Kuya JB. Ah.. S-sana po masaya kayo ngayon habang pinagmamasdan sina Khalil dito. Alam ko pong miss na nila kayo. Gabayan nyo po sila lagi", sabi ko naman. Nginitian naman ako ni Khalil.

Green StringWhere stories live. Discover now