Aangal pa sana si Khalil pero nakapagsalita na ko.
"Wag po kayong mag-alala, makakaasa po kayo sakin", bungisngis ko.
"Nandito na ko", bati ng isang babaeng papasok.
"Oh Chandria, nandito ka na pala. Antagal mo", sabi ni Tita nang salubungin ang anak nito.
Oo nga, kamukhang kamukha nya ang babae sa picture. Walang duda.
"Khalil? Oh, may kasama ka? Hello, ako si Chandria", nakangiti nitong bati sa akin.
🍃🍃🍃
"Ikaw talaga ang pinunta namin dito. May nakabunggo kasi si Chuchay na isang lalaki kahapon at naiwan nya ang picture na toh. Gutso nya sanang ibalik ang picture na toh. Napansin ko namang kahawig mo ang babaeng nasa picture kaya nagbakasakali akong kilala mo tong lalaki sa picture", paliwanag ni Khalil.
Kinuha ni Chandria ang larawan. Pinagmasdan nya ito. Napansin kong parang may namumuong luha sa kanyang mga mata.
"Si Echarri... Sya ang lalaki sa picture na ito", aniya.
Nagkatinginan kami ni Khalil.
"Noong bata ako, nahilig akong tumambay sa lugar na ito. Masaya ko pag pinagmamasdan ang mga nagliliparang ibon malapit sa sanga ng puno na kinauupuan ko", kwento nya.
"Isang araw, habang naaaliw ako sa pagmamasid sa mga ibon, nakita ko ang isang lalaking papalapit sa puno. Mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha nya. Nakayuko syang umupo sa duyan na gulong na nakasabit sa sanga ng punong inuupuan ko. Napansin kong naiiyak sya at nagulat na lang ako nang malaglag sya at madapa mula sa duyan. Bumaba ako sa puno at tinulungan ko sya. Nagulat naman sya nang malamang sa taas ako nanggaling. At dahil sa pagkamangha, lumobo ang sipon nya", sabi ni Chandria at bahagyang natawa.
"Simula nung araw na yun, naging magkaibigan kami. Naging tagpuan rin namin ang lugar na iyon at nangako kaming balang araw ay pakakasalan namin ang isa't isa", patuloy nya. "Kaya lang, kinailangan naming sundan si papa sa sa China dahil sa banta ng kalusugan nya kaya naman, hindi na ko nakapagpaalam sa kanya. Hanggang ngayon, hindi ko parin nakikita si Echarri. Natatakot ako sa magiging reaksyon nya".
Napalingon ako kay Khalil na sya namang nakatingin sa akin. Sinenyasan ko sya at mukhang nakuha naman nya.
"A-ah, Chandria, gusto mo bang tulungan ka naming makita si Echarri? Para naman makapagpaliwanag ka sa kanya. Hindi pa naman siguro huli ang lahat?", sabi ni Khalil.
Napatingin sya sa amin. Bahagya naman akong tumango para kumbinsihin sya.
🍃🍃🍃
Kakatapos lang namin mag miryenda at nag-aya na rin kami ni Khalil na umalis dahil kailangan na naming bumalik sa shop.
"Salamat sa pagbisita nyo samin ha? Magkita na lang tayo bukas sa sementeryo. Ay hindi, dadaan pala ko sa shop nyo para bumili ng bulaklak para kina Chris", sabi ni Tita Alexandria.
"Kung gusto nyo po Tita, kami na lang po ni Khalil ang magdadala dito para sabay sabay na po tayong pumunta doon. Doon din po kasi nakalibing ang mga magulang ko", sabi ko naman.
ESTÁS LEYENDO
Green String
Fantasía"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
7th String
Comenzar desde el principio
