Hinigit ni Tita si Khalil.

"Sya ba yung babaeng binabalik balikan mo sa China?", tanong nito. Kahit nagbubulungan sila ay naririnig ko sila.

"Ah hindi po.. Dito ko po sya nakikilala sa Pilipinas. Sa katunayan nga, sya ang nagbigay sakin ng trabaho", sagot naman ni Khalil kaya napangiti ako.

"Ganon ba? Eh, ano namang relasyon mo sa kanya? Girlfriend mo ba? Nililigawan?", tanong ng Tita nya.

"Diba po sabi ko, kaibigan ko sya?", sagot nya naman. Hindi ko alam pero bakit parang nadisappoint ako sa sagot nya.

"Pero gusto mo sya?", tanong ng Tita nya. Nagulat ako at mukhang ganon din si Khalil kaya siguro sinubukan nyang ibahin ang usapan.

"Ah, Tita... S-si Chandria po ba, a-asan po?", tanong ni Khalil.

"Ah pinabili ko lang ng miryenda. Late ka na kasi nagsabing pupunta ka eh. Sana napaghandaan ko", sabi ng Tita nito.

"Ay nako Tita. Ayos lang naman po kahit wag na", sabi naman ni Khalil.

"Ikaw talagang bata ka. Oh halina kayo sa loob. Dun na natin hintayin si Chandria", sabi ng Tita nito kaya pumasok na kami.

Nahihiya pa kong pumasok at umupo sa sofa nila pero sabi ng Tita nito na wag na daw akong mahiya.

"Napakaganda mong bata. Napakagalang din at mukhang masipag pa. Nakakatuwa naman", papuri sakin ng Tita nya.

Omay! Nakakakilig naman. Feeling ko tuloy namumula ko.

"S-salamat po. Mas maganda po kayo. Ang akala ko nga po, kayo ang pinsan ni Khalil eh", sabi ko naman.

"Nako, ano ka ba? Sya nga pala, salamat sa pagbigay ng trabaho sa pamangkin ko ha", sabi nito.

"Ah hindi po. Ako nga po ang dapat magpasalamat sa kanya. Kung wala po sya, hindi ko po alam kung paano ihahandle ang mga ginagawa ko sa shop", sabi ko naman.

"Nako, masipag talaga yang bata na yan. Nakasama ko na sya dati sa bahay namin sa China. Sya ang naging katulong ko sa pag-aalaga kay Alexis. Halos lahat ng gawaing bahay alam nya", sabi nito.

"Talaga po?", nakangiti kong sabi. Napakamot naman sa ulo si Khalil. Mukhang nahihiya sya.

"Oo! Sayang nga dahil sinugod sa ospital ang papa nya kaya kinailangan naming humanap ng kapalit nya. Pero noon, tatlong beses sa isang taon kung bisitahin nya kami. Akala ko ay namimiss nya lang kami pero yun pala dahil sa isang babae yun".

"Tita", suway ni Khalil.

"Akala ko nga ay hindi na sya titigil kakahanap sa babae na yun eh. Pero ngayon, masaya ko dahil nandito ka. Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang babaeng dinala nya rito?", sabi ng Tita nya.

Napatingin ako kay Khalil. Umiwas naman ito ng tingin.

"Kahit ngayon pa lang kita nakita, magaan na ang loob ko sayo. Yang bata kasi na yan, hindi yan close sa family nya at minsan lang naman sya mag open sa amin. Kaya naman, sana lagi mo syang pasayahin at samahan", bilin nito sakin.

Green StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon