"Teka sandali", sabi nya. "Chandria?".

"Ha?".

🍃🍃🍃

Tinatahak namin ngayon ang daan papunta sa bahay ng Tita ni Khalil. Nakilala nya ang babae sa picture bilang si Chandria, ang pinsan nya.

"Naalala mo yung Tita ko na kinukwento ko sayong nagbigay sakin ng trabaho sa China?", tanong nya. Tumango naman ako. "Si Tita Alexandria yun. Sa kanya tayo pupunta ngayon".

"Second cousin ni Papa si Tita Alexandria. Siya ang tumulong sakin sa China. Dun na sila nakatira ng pamilya nya. Nabalitaan kong umuwi sila dito para bisitahin ang puntod ng asawa nyang si Tito Chris. Ang alam ko dito na rin sila magpapasko", kwento nya.

"Aba, mukhang excited ka ah", nakangiti kong sabi.

Tumingin sya sakin at ngumiti. "Nang mawala sina Mama at Kuya, sila na ang naging kakampi ko. Malapit talaga ang loob ko sa kanila kaya naman, masaya ko kung mapagtatagpo natin si Chandria at ang lalaki sa picture".

Tumango naman ako sa kanya. "Tama! Pagtatagpuin natin sila!", sabi ko sabay thumbs up. Napabungisngis naman sya. Ganon na rin ako.

Maya maya pa ay narating na namin ang bahay nila. Nakababa na si Khalil habang ako, naninigas na ewan sa loob ng kotse.

Sinundan ko lang sya ng tingin at nagulat ako nang ipagbukas nya ko ng pinto.

"Bat hindi ka pa bumababa? Kinakabahan ka ba?", tanong nya.

Napalunok ako. Sa totoo lang, kinakabahan nga ako. Siguro natakot lang ako sa first meet ko sa pamilya ni Khalil. Nakakanerbyos. Pero base naman sa kwento nya, mas mababait at mahinanon ang pamilya ng Tita nya. Whaaaa! Bahala na nga!

Ngumiti sya sakin at inaya na akong pumasok kaya kahit nagmamatigas ang mga tuhod ko, bumaba na ko ng kotse.

"Tita!", bati nito sa tita nya.

Mukhang nakakaangat talaga sa buhay ang tita nya. Nangingintab ang damit, alahas at bahay nito.

"Khalil! Nako, bata ka!", sabi nito at masayang lumapit sa pamangkin.

"Antagal mo na kaming hindi binibisita ah? Kamusta ka na ba? Tumangkad ka lalo ah", sunod sunod na sabi ng Tita nito habang sinusuring mabuti ang pamangkin.

Napapakamot na lang si Khalil dahil kinukurot kurot ng Tita nya ang pisngi at braso nito. Napangiti tuloy ako.

"Huh? May babaeng kasama si Kuya Khalil?", sabi ng batang lalaki nang mapansin ako. Mukhang 5 years old na ito.

"Ah eh, sya nga pala Tita, si Chuchay po.. K-kaibigan ko", pagpapakilala nya sakin.

"Good afternoon po", bati ko.

"Ah good afternoon din, Hija. Ako nga pala ang Tita ni Khalil. Sya naman ang bunso ko, si Alexis. Anak mag hello ka", utos ni Tita Alexandria sa bata.

"Hello po", sabi naman nito at kumaway.

Nagbend ako at kumaway rin sa kanya.

Green StringWhere stories live. Discover now