"Ha? W-wala naman.. N-nag-iisip isip lang. Hehe", sabi ko at napakamot sa batok.

Napacross arms naman sya at inilapit ang mukha sa akin.

"May tinatago ka sakin", sabi nya.

Napaatras naman ako at napalunok.

"H-ha? A-ano ka ba".

"Hindi ka pa din ganun kagaling umarte. Halatang halatang nagsisinungaling ka", ngisi nya. "Ano ba kasi yung tinatago mo? Sige na, ilabas mo na".

"Wala nga kasi sabi".

Pilit nyang sinisilip kung ano ang tinatago ko sa likod pero nagpupumilit akong hindi ipakita.

"Oh sige na nga", sabi nya.

Akala ko ay hindi na talaga nya ko pipilitin pero nagulat ako nang bigla nyang hablutin ang picture.

"Khalil!", sabi ko.

"Eto pala ang tinatago mo..", sabi nya. "Isang picture?".

"Akin na yan", sabi ko at pilit binabawi ang picture.

"Sabihin mo nga, bakit tinatago mo sakin toh?", tanong nya.

Tinignan ko lang sya pero ginilaw nya ang picture na para bang sinasabing magsalita ako. Napalunok at napayuko ako.

"Yang picture.. Napulot ko kanina nung nakabangga ko yung isang lalaki. Ibibigay ko na sana pero pag tingin ko, nakaalis na sya. Balak ko sanang hanapin yung may-ari kaya lang..".

Nakatingin lang sya sakin kaya kinuha ko na ulit yung picture.

"Chuchay.. Kaya lang ano?", tanong nya.

Napakagat ako sa labi sa inis. Di nya dapat toh malaman eh.

"Iniisip ko kasing magkared string yung mga tao sa larawan kaya gusto ko silang pagtagpuin. Kaya lang alam ko namang mahirap yun dahil hindi ko naman sila kilala kaya hindi ko alam kung pano ko isasauli toh", nakayuko kong sabi.

"Eh tutulungan naman kita eh", sabi nya.

"Yun nga eh. Kaya ayokong sabihin sayo kasi ayaw kitang maabala. Busy ka na dito sa shop at isa pa ayoko na ring makadagdag pa toh sa mga iniisip mo", sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon.

Napangisi sya. "Ano ka ba? Diba sabi ko sayo, kahit anong mangyari, tutulungan kita? At isa pa, hindi yun abala para sakin. Masaya ko sa ginagawa ko. At masaya kong nakikita kang masaya pag napapagtagpo natin ang mga magkared string. Hindi ko man nakikita yung sinulid na nakakonekta sa mga daliri nila, nakikita ko naman yung ningning sa mga mata mo pag pinagmamasdan mo ang mga yun. Kaya naman, hayaan mo na kong tulungan kita".

Napatingin ako sa kanya. "Totoo ba?".

Ngumiti sya at pinisil ang ilong ko. "Oo, kaya patingin na ko ng picture".

Napangiti na lang ako sa ginawa nya at iniabot sa kanya yung picture.

"Di ko alam kung pano sila hahanapin. Walang names or address man lang sa likod ng picture. Hindi ko din gaanong namukhaan yung guy. Hays", sabi ko.

Green StringWhere stories live. Discover now