Gusto ko sanang interviewhin ang lalaking yun tungkol sa picture kaso nagulat na lang ako pagtingin ko ay wala na sya. Hindi ko na rin nabalik ang picture.
Napatayo na ko pero hindi parin mawala sa isip ko ang picture. Nasan na kaya ang babae?
"Huy".
"Ay picture!", gulat kong sabi at napatago ang kamay sa likod.
"Anong ginagawa mo dyan? Sabi mo kukunin mo yung wallet mo sa kotse pero nakaupo dyan? Balak mo pa atang indyanin ako ha?", biro nya.
"Hindi ano kase--", hindi ko natuloy ang sasabihin ko.
Gusto kong hanapin ang babae sa picture. Gusto ko syang makilala at malaman kung itinadhana nga ba talaga sila nung lalaki sa isa't isa. Pero masyado ata yung malaking abala. Ah hindi, malaki talagang abala yun.
Nagttrabaho na ngayon si Khalil sa shop at ayoko na syang abalahin pa sa mga ganitong bagay. At busy rin kami dahil malapit na ang November. Tama, hindi ko na lang toh sasabihin sa kanya.
"Ano.. Nagpapaaraw ako", yan na lang ang naidugtong ko.
"Ha? Paaraw?".
"Oo. Halika na nga. Nasunog na ko sa pagbibilad".
🍃🍃🍃
"Ano ba yan, kahit kelan ang kalat mo kumain", reklamo ni Paolo kay Sammie.
"Ha?", sabi ni Sammie at pinunasan ang mukha.
"Ayan oh", sabi ni Paolo at kinuha ang kanin sa pisngi ni Sammie.
"Ano ba yan... Nakakahiya", sabi ni Sammie at napatakip ng bibig.
"Nakakahiya talaga", ngisi naman ni Paolo kaya nainis si Sammie.
"Ewan ko sayo", sabi ni Sammie at yamot na sumubo.
Napangiti si Paolo at pinisil ang pisngi nito. Bigla syang napatayo nang makita akong nakangiti.
"A-ah, Maam... A-andito na po pala kayo", bati nya.
Nabilaukan pa si Sammie nang makita ako pero agad din syang tinulungan ni Paolo.
"Ah, Maam, kain po", sabi ni Sammie. Siniko naman sya ni Paolo.
"Pasensya na po naabutan nyo po kaming kumakain", sabi naman ni Paolo.
"Ano ba kayo? Kumain lang kayo dyan. Kakatapos lang din namin ni Khalil. Dahan dahan lang sa pagkain ah? O sige na, eat well", sabi ko naman at nginitian sila.
Masaya ko dahil bumalik na ang dating sigla ni Sammie. Nagiging malapit na talaga sila ni Paolo sa isa't isa.
Hindi naman ngayon maalis sa isip ko ang lalaki kanina at ang picture. Nilabas ko ito at tinignan.
Nasan na kaya ang babaeng toh? Anong relasyon nila? Naging sila kaya? Anong kayang--
"Chuchay!".
Napalingon ako at nabalik sa tamang pag-iisip. Si Khalil pala. Agad kong tinago ang picture.
"Kanina pa kita tinatawag. Bakit ka ba tulala dyan?", tanong nya at papalapit ngayon sa desk kung saan ako nakahalumbaba kanina.
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
7th String
Start from the beginning
