Isa itong plastic na singsing. Yung parang tinitinda sa tapat ng elementary school.

Napangiti si Chandria at napatingin din sa singsing.

"Naaalala mo yung araw na nangako tayo sa isa't isa sa ilalim ng puno na toh? Na paglaki na, ikakasal tayo", sabi nya at tumingin sa mga mata ni Echarri.

Napansin kong napalunok ito at may namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Valid pa rin ba hanggang ngayon yung pangako mo?", tanong nya kasabay ng pagpatak ng luhang iyon.

Ngumiti si Echarri at pinunasan ang tumulong luha ni Chandria saka ito binigyan ng isang magiliw na halik.

Napangiti naman ako. Halos maiyak pa ko sa kanila huhu. Napatingin naman ako kay Khalil na nakangiti na rin ngayon.

"Mission accomplished", sabay naming bulong.

🍃🍃🍃

December 15 na at umpisa na naman ng Simbang gabi. Alas otso pa lang ay naisara na namin ang shop. Ang ibang mga kasamahan namin na Catholic ay nauna nang magtungo sa simbahan habang umuwi muna ako para makapag palit ng damit at tawagan si Jenna.

Kulay pulang bestida na hanggang siko ang manggas ang suot ko dahil yun rin ang nakasaad sa color coding sa simbahan. Hindi na ko nag make up pa. Nagdala ako ng pera para sa kakainin ko mamaya at sa Sampaguita na bibilhin ko.

Kahit marami kaming magagandang tanim ng Sampaguita, iba pa rin ang pakiramdam kapag sa simbahan mo ito binili.

Naaalala ko nung buhay pa sina Mommy't Daddy, lagi kaming kumakain ng bibingka sa upuan sa labas ng simbahan pagkatapos ng misa. Naglalaro rin kami roon ni Jenna at madali kaming makakatulog pag-uwi.

Noon, Misa de Gallo ang inaattendan namin pero hindi namin nakukumpleto ang siyam na misa dahil minsan late kaming nagigising. Gustong gusto pa naman namin ni Jenna makumpleto yun dahil may kanya kanya kaming kahilingan na nais matupad. Sabi kasi ni Mommy, kapag daw nakumpleto namin ang 9 masses, magkakatotoo ang greatest wish namin.

Naupo ako sa aking kama at kinuha ang picture frame na nakapatong sa mesa sa tabi ng kama ko. Ito ang larawan naming apat nina Mommy, Daddy at Jenna sa labas ng simbahan pagkatapos ng simbang gabi.

Napangiti ako at kinuha ang cellphone para tawagan si Jenna.

"Oh kamusta? Magsisimba na ba kayo?", tanong nya.

"Oum! Excited na ko!", nakangiti kong sabi. "Sayang lang dahil wala ka dito".

"Ayos lang yan. Kasama mo naman ako sa prayers mo diba? Tsaka wag kang mag-alala, manonood ako ng mass dito sa phone ko para kahit papano, nakakapag simbang gabi pa rin ako, diba?".

"Oo!", sabi ko at bumungisngis. "Sya nga pala...".

Hindi ko nasundan ang sinasabi ko kaya nagtanong sya.

"Ahh, wala... Mag-iingat ka lagi dyan, Jenna. Miss na kita", sabi ko.

"I miss you too, Chuchay. Ingat ka din lagi. Oh sige na, baka malate ka pa. Bye, Chuchay! I love you!".

"I love you too, Jenna".

Ngumiti ako sa salamin at tumango. Bumaba na ako at laking gulat ko nang makita sa tapat ng bahay ko si Khalil at ang kotse nya.

"A-anong ginagawa mo dito?", tanong ko.

"Ano pa? Edi sinusundo ka", he said and gave me a smirk and a wink.

Green StringDonde viven las historias. Descúbrelo ahora