Napalunok na lang ako at umalis sa pagkakaharang sa daan.
"Salamat sa pagiging hospitable, but I should go. May gagawin pa din kasi ako", sabi nya and gave a vapid smile. Ngumiti na lang din ako pabalik.
Umalis na sya ng shop at agad namang lumapit sakin si Khalil.
"Anong sabi nya?", he asked.
"Tara, sundan natin sya", sabi ko. Tumango naman sya at nagpaalam na kami kina Sammie tsaka sumunod kay Echarri.
"Sabihin mo kay Chandria, sinusundan natin si Echarri ngayon. Dun na lang sya pumunta sa place na sasabihin natin", bulong ko kay Khalil. Ginawa naman nya ang sinabi ko.
Patuloy lang ang pagsunod namin kay Echarri hanggang sa huminto kami sa isang pamilyar na lugar. Parang nakita ko na toh kung saan. May isang puno at duyan na gulong na nakasabit.
Ahh! Tama! Ito yung nasa picture!
Agad naming sinabi kay Chandria kung nasan ngayon si Echarri.
Umupo si Echarri sa duyan na gulong. Kahit malawak ang kanyang ngiti, nababakas sa mukha nya ang matinding kalungkutan at pangungulila.
Napansin ko rin ang pagpunas nya ng kanyang luha na unti unti na palang dumadaloy sa kanyang pisngi. Sinubukan nyang bumaba sa duyan pero nagulat ako nang madapa sya.
Natawa sya bigla at napaupo sa damo.
"Hanggang ngayon, nahuhulog pa rin ako sayo", ngisi nya.
Tumayo na sya at pinagpagan ang sarili. Nako, mukhang aalis na ata sya! Pano na?
Napakapit ako sa kamay ni Khalil. Nagtatago kami ngayon sa likod ng makapal na bush na toh.
Napahinga ng malalim si Echarri at inilagay ang white daisies na binili nya kanina sa shop sa sanga ng puno kung saan nakaupo si Chandria sa picture.
He stood there for a while pero tumalikod na din sya and left a smile. Napahigpit pa lalo ang kapit ko kay Khalil nang maglakad na sya papalayo.
"Echarri! Sandali", sigaw ng babaeng tila hingal na hingal pa.
Parang nagningning ang mga mata ko nang makita kung sino iyon-- Si Chandria.
Napaangil naman si Khalil sa sakit. Hindi ko namalayang masyado akong nadadala sa eksena kaya sobrang higpit na pala ng hawak ko sa kanya. Nag peace sign na lang ako at sumenyas na manood na kami ulit.
Gulat na napalingon si Echarri kay Chandria kasabay ng pagtulo ng luha nito. Magkatinginan lang silang dalawa habang parehong dumadaloy ang mga luha mula sa kanilang mga mata.
Nagulat ako nang tumalikod si Echarri at naglakad pero napahinto rin sya nang tumakbo si Chandria papalapit sa kanya.
"Echarri", sabi ni Chandria at agad niyakap si Echarri pagkahigit.
Hindi naman gumalaw si Echarri. Hinayaan nya lang si Chandria na umiyak habang nakayapos sa kanya.
"Echarri, I'm sorry.. Patawarin mo ko kung umalis ako ng walang pasabi. I didn't mean it. Hindi ko gustong iwan ka. But my father needed me. Kinailangan kong umalis. Hindi ko alam kung pano ka haharapin matapos ang nangyari. Pero ngayon... Ngayon nakita na kita ulit. Ayoko nang malayo sayo ulit. Please wag mo kong iwan. I've been waiting for a long time para mayakap ka. Echarri... I love you", sabi ni Chandria at kumalas sa pagkakayakap kay Echarri.
Nakita nya ang mga luhang nag uunahan na rin sa pagbagsak mula sa mga mata ni Echarri. Hinawakan nito ang kamay ni Echarri at napatingin si Echarri sa singsing na suot suot ni Chandria.
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
7th String
Start from the beginning
