Ngumiti lang ako at tinapat ang circle sa daliri kong naka three sa aking kanang mata habang nakawink naman ang kaliwa.

🍃🍃🍃

Isang linggo na makalipas ang pagkikita namin ni Echarri pero hanggang ngayon ay hindi parin sya bumibisita sa shop. Ni tumawag hindi nya ginawa.

"Sabi ko kasi sayo, ako na ang kakausap eh", pangongonsensya pa netong si Khalil.

Sinamaan ko sya ng tingin as in magkasalubong yung kilay ko pero natawa lang sya kaya napasubsob na lang ako sa desk.

"Ayos lang yan.. Sabi naman ni Chandria, masaya na syang malaman na ayos lang si Echarri", pagpapagaan nya sa loob ko.

Napahalumbaba naman ako. "Eh kahit na.. Dapat magkita sila".

Napanguso ako. Nakakainis. Gusto kong umiyak pero mukha naman akong tanga. Napatingin na lang ako kay Khalil nang guluhin nya ang buhok ko habang nakangisi.

"Ang kulit mo", sabi nya at pinindot ang ilong ko.

Baliw toh ah? Gawin ba namang doorbell ang ilong ko? Sakto pa naman ang pag tunog ng chime sa pag pindot nya sa ilong ko huhu.

Napalingon na lang ako sa pagbukas ng pinto ng shop at nanlaki ang mga mata nang makita kung sino ang dumating-- si Echarri.

"Bilis! Tawagan mo si Chandria, sabihin mo sa kanyang nandito na si Echarri!", bulong ko kay Khalil. Tumango naman sya at lumabas.

"Sir!", pagkaway ko sa kanya. Napangiti naman sya nang makita ako. "Natutuwa akong makita kayo. Akala ko hindi na kayo bibisita".

Napailing naman sya. "Tama ka nga, ang gaganda ng mga flowers nyo".

"Ah, sir.. Daisy?".

Tumango naman sya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakangiti nyang sinusuri ang mga white daisies sa shop. Yung ngiting parang may halong sakit.

Napalingon ako kay Khalil. Sinenyasan nya kong lumapit sa kanya kaya nagpaalam muna ko kay Echarri sandali.

"Nastuck daw sa traffic jam si Chandria", he uttered.

"Pano yan?", I responded.

"Mm.. Siguro dapat mapanatili natin sya dito hanggang sa makarating si Chandria", sabi nya. Tumango naman ako at nag thumbs up.

Binalikan ko si Echarri na nakapili na ng set ng daisy na bibilhin nya.

"Ah sir, baka gusto nyo pa pong mag tingin tingin. Marami pa po kami ditong bulaklak lalo dun sa may garden", sabi ko.

Maybe he found me kinda weird pero buti na lang kasi nagpauto sya sakin. Mga 5 minutes din syang nag-ikot ikot. Nagsesenyasan naman kami ni Khalil. Mukhang matatagalan pa si Chandria. Pano na?!

"A- S-sir! B-baka napagod po kayo sa pag-iikot? Gusto nyo po ba ng coffee? Tea? Juice? Anything?", tanong ko. Nak ng daisy, anong pinaggagagawa ko?

Napailing naman sya. "Ah hindi na. Salamat na lang".

Ngumiti sya at maglalakad na sana but I blocked him.

"Ah! B-baka gusto nyo pong itry mag water ng plants? O kaya magbungkal ng lupa? O kaya mag picture?", sabi ko at pilit ngumiti.

At ngayon hindi ko na maintindihan ang mukha nya sa tingin nya sakin.

Green StringWhere stories live. Discover now