"Oh sya, balik na tayo sa trabaho", sabi ko pa.
"Yes, Maam".
🍃🍃🍃
Nandito kami ngayon sa isang clubhouse. May cumontact kasi samin para magpaarrange ng mga bulaklak dito para sa debut na magaganap mamaya.
Gabi magaganap ang debut pero alas tres pa lang ng hapon ay nandito na kami para pagandahin ang clubhouse.
White Casablanca Lilies ang napili ng debutante na bulaklak. Sinang-ayunan naman nya ang suggestion kong icombine ito sa mga roses kaya naging maganda ang result. Mas lalo pa itong gumanda dahil sa pagdedesign nina Jea.
Ang ganda ng ambiance ng paligid. Match na match ang mga designs at ilaw na nakakabit sa paligid. At syempre, mawawala ba ang red carpet?
Mas gumanda ang hagdan dahil sa petals na nakakalat dito. Meron pang swimming pool sa labas at napakalawak ng paligid. Hays, nakakatuwa. Hindi ko kasi na experience magkaron ng ganitong debut.
"Ang lawak ng ngiti mo ah? Parang ikaw pa ata yung magdedebut eh", sabi ni Khalil.
Napatingin ako sa kanya at napailing.
Nang lumingon ako muli, isang pamilyar na lalaki ang nakita ko.
"Teka sandali... S-si Echarri ba yun?", tanong ko sa kanya at tinuro ang lalaking naglalakad papasok sa clubhouse.
Nanlaki ang mga mata nya kasabay ng pagtango nya. He suggested na lalapitan nya si Echarri at magpapakilala bilang pinsan ni Chandria but I blocked him. Sabi ko baka maweirduhan lang sya kay Khalil kaya ako na lang ang gagawa ng move. Expert naman ako dito eh mwhahaha.
Bago ko maglakad papalapit kay Echarri, I flipped my hair like saying "watch me, boy". HAHAHAHA! Jusko, Chuchay.
"Uhm, hi sir. Napaaga po ata kayo? Hindi pa po kasi kami tapos sa pag-aayos ng mga bulaklak dito eh".
"Ah, pamangkin ko kasi yung debutante and she just asked me to look for the design of the clubhouse. By the way, sabi mo kayo ang nag-aayos ng mga bulaklak dito. Maganda ha, pati ang klase ng mga bulaklak", papuri nya.
Napangiti naman ako. "Salamat po kung ganon... Mukhang marami po kayong alam tungkol sa mga bulaklak ah?".
Napailing sya at ngiti. "Ah hindi naman. May naalala lang akong isang tao. Mahilig din sya sa bulaklak.. Daisies, to be exact".
Nanlaki ang mga mata ko. Si Chandria ba ang tinutukoy nya.
"Anyway, mauuna na ko. Pumunta lang talaga ko para makita tong place--".
"Ah, sir teka lang". Napabitaw ako nang marealize na napakapit pala ko sa kanya. Kinuha ko ang calling card ko at binigay sa kanya. "Uhmm.. B-baka po gusto nyong umorder ng bulaklak. Marami po kaming iba't iba klase. At magaganda din po ang bunga ng mga daisies namin".
Tinignan nya muna ang card ko. Nginitian ko sya para mas convincing at buti naman kinuha nya na rin.
"Thanks", sabi nya at tinaas ang card ko bago umalis.
Napa oh yes pa ko ng pabulong bago tumakbo papunta kay Khalil.
"Oh, anong nangyare?", tanong nya.
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
7th String
Start from the beginning
