Nagulat kami sa sinabi ng papa nya.
"Kagagaling lang--", hindi na natuloy ni Khalil ang sasabihin nya nang magsalita ang Ate Gigi nya.
"Tara na pa. Tayo na lang ang bumisita kina Mama at Kuya", sabi nito at umalis na.
Naestatwa na lang kaming dalawa ni Khalil.
🍃🍃🍃
Matapos ang ilang linggo ay bumalik na din ang normal na araw sa amin kaya hindi na gaanong busy at nasimulan na din naming hanapin ang lalaki sa picture, si Echarri.
Sinubukan namin syang hanapin sa social media sa tulong ni Chandria pero wala. Bumalik din kami sa kalsada kung san ko sya nakabangga at nagbabakasakaling babalik sya don pero hindi.
Nagtanong tanong din kami sa mga office na malapit don pero walang makaintindi sa description ko. Kahit ako di ko din maintindihan ang pinagsasasabi ko. Isa pa, marami ding nasesante nung araw na yun.
Hays, nasan na kaya ang lalaking toh?
🍃🍃🍃
"So guys, ngayong December na, kabi-kabila na naman ang mga Christmas Parties. At hindi lang yun, meron pang mga cumontact sa atin na gustong magpa floral arrangement para sa mga debut at wedding anniversaries kaya magiging busy talaga tayo this month. At dahil dun, meron tayong good at bad news. Anong gusto nyong mauna?", tanong ko.
"Baaaaaad", sabay sabay nilang sabi.
"Hindi tayo magkakaron ng Christmas Party ngayong December", sabi ko naman.
Kaniya-kaniya naman silang buntong-hininga at pagngunguso.
"Eh ano yung good news?", tanong naman ni Khalil.
Ngumiti ako sa kanila. "Marami tayong kita!".
Ngumiti naman sila. Mukhang di naman sila ganun kasaya kaya natawa ko.
"Pero meron pang isang news. Hindi ko alam kung good ba toh or bad", bungisngis ko.
"Ano po ba yun, Maam?", tanong ni Paolo.
"Hindi kayo makakatanggap ng cash para sa bonus nyo..", sabi ko. Ngumiti ako bago dugtungan ang sasabihin ko. "Dahil magkakaron tayo ng 5-day Beach Vacation sa January!!".
Nagbago ang mga itsura nila. Parang nakakita sila ng nagkikinangang ginto. Natawa ko sa mga reaksyon nila.
"Dahil masyadong tight ang schedule naten this December, naisip naming sa January na lang tayo magkaron ng Party at New Year celebration na rin. Actually, si Jenna ang nakaisip nito. Sabi nya, gusto nyang makapag relax tayo kaya naghanap sya ng magandang beach na mapag-iistayan natin for 5 days kaya maghanda na kayo ng mga dadalhin nyo. Don't worry sa food and hotel, kami na ang bahala don. Basta ang kailangan nyo lang gawin sa vacation natin ay ang mag enjoy!", masaya kong balita.
"Hala!".
"Totoo ba yan, Maam?".
"Grabe!".
Natutuwa akong makita ang ngiti sa mga labi nila. Napatingin ako kay Khalil na malawak din ang ngiti.
"Oh, kaya pag igihan nyong mabuti ang trabaho nyo ha? Iseset na namin ni Jenna ang dates", sabi ko.
"Maam Chuchay, gusto rin po naming magpasalamat kay Maam Jenna", sabi ni Sammie.
"Don't worry, bilin nya saken, tawagan natin sya pag nasa Beach na tayo. Pero for now, gawin muna natin yung mga kailangan nating gawin. Busy rin kasi sya sa work nya kaya paputol putol yung usapan namin", sabi ko naman.
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
7th String
Start from the beginning
