Sobrang sama talaga ng loob ko at piniling magkulong sa kuwarto. Bumababa lang ako para kumain at hindi pa rin kami nagpapansinan ni Deus.

Kinabukasan ay dumating si Taylor sa bahay para tulungan ako na mag-ayos ng bahay.

"Did something happen?"

Tumigil ako sa pag-aayos ng closet ko nang bigla akong tanungin ni Taylor.

"Why did you asked?" Tanong ko at pekeng ngumiti sa kaniya.

She shrugged.

"Stop faking your smile in front of me because I won't buy it."

Bumuntong-hininga naman ako bago nilagay ang huling pares ng damet sa loob ng closet ko. Tapos na kaming mag-ayos ng mga display sa sala at nakapag-ayos na rin kami ng pagkain sa kusina kanina. Ginawan pa ako ng meryenda at tanghalian ni Taylor na pwede na rin na umabit sa gabihan kung gusto kong ipainit na lamang.

Tumabi ako sa kaniya sa kama at humilig sa balikat niya.

"Leche kasing, Leana."

Mahinang natawa si Taylor sa sinabi ko.

"Matagal-tagal na rin na nawala sa topic natin iyang babaeng iyan. Ano na naman ba ang ginawa sa'yo?"

"Nakita ko silang naglulunch kahapon ni Deus."

Namilog ang mata ni Taylor. "That was so stupid of them. Sana kung magche-cheat si Deus, huwag siyang magpapahuli sa'yo."

"Taylor." Irap na suway ko sa kaniya.

"Just kidding. Kung makikita ko man si Dylan na may kasamang ibang babae lalo na at ex niya, kukulo rin talaga ang dugo ko."

Bumuntong-hininga ako. Dylan is a nice man who can handle Taylor's mess kaya hindi ko ma-imagine ang scenario kung saan magche-cheat siya rito.

"Hindi pa naman daw sila naghihiwalay so basically Deus is just a jerk who wants two women in his life."

Natawa si Taylor kahit hindi na ako natutuwa sa nangyayari ngayon.

"Mahal mo pa rin talaga si Deus kahit ganiyan na ginagawa niya sa'yo. Teka nga, kung may sasagip sa'yo, magpapasagip ka ba?"

Natigilan ako sa tanong niya. Kung may sasagip sa akin, magpapasagip nga ba ako?

Sandali akong napaisip sa tanong niya. Maya-maya ay napakunot ang noo ko.

"Natali na ako sa kaniya at magkakaanak na kami so may sasagip pa ba sa babaeng katulad ko?"

"Damn, you are Savi Labrusca. I doubt na tatanda kang walang lalakeng nagkakaroon ng interes sa'yo kahit pamilyado ka pa. You have Rion anyway."

"I don't want to drag him in this mess, Taylor. He deserves better than this."

Napangiti naman si Taylor.

"You're a good friend to my cousin. Kahit gusto ko kayong dalawa, iniisip ko na lang na baka nga mahirap talaga na pagsamahin ang dalawang tao na hindi para sa isa't isa. Mahirap ipilit kung hindi pwede."

Napatango ako at mapait na ngumiti.

"Ipinilit ko eh."

"Magtiis ka diyan. Kung bibitaw ka naman, choice mo rin iyon."

Bandang hapon nang bumalik na si Deus galing opisina. Ibinagsak niya ang gamit niya sa sofa samantalang naka-krus naman ang mga braso ko sa harap ng dibdib ko habang nanonood.

"I'll be out for seven days."

Nabaling ang atensiyon ko sa kaniya at mabilis na kinabahan. Seven days?

"Saan ka pupunta?"

"It's a business trip. I have to go in US to close a deal."

"Sinong kasama mo?"

I throw a malicious glance on him.

"I want to go with you." I firmly said.

Napabuntong-hininga naman siya at bahagyang niluwagan ang neck tie niya.

"And why is that?"

Naningkit ang mga mata ko. "Sinisigurado ko lang na business niyo talaga ang aasikasuhin mo at hindi ang isa pang babae mo."

"Savi!"

Napahawak ako ng sintido ko at umiling.

"Makipaghiwalay ka na kay Leana, Deus. Hindi mo na siya kailangan. I'm here! I'm your wife."

Napakuyom ang kamao niya dahil doon. Nag-iwas naman ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko na kayang salubungin ang malamig na mata nitong nakatingin sa akin.

"And who are you to tell me what should I do? You're just nothing to me, Savi. Stop being demanding, you're just a nuisance in my life." Walang emosyon na sabi niya bago ako iniwang nakatulala habang nakasunod sa papalayong bulto niya.

Hurts so Good [✓]Where stories live. Discover now