Epilogue: The Final Chapter

162 12 0
                                    

Author' s note: Mature content is advise.

Isang taon na rin pala ang nakalipas simula nung maganap ang isa sa pinakamadilim na pangyayari sa aming mga buhay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat nang nangyari noon. Hanggang ngayon, nakatatak pa rin ang mga nangyari sa amin nina Pau, Jonathan at ni France.

Ngunit, sa kabila ng masalimuot at madilim na nakaraan, unti-unti namang sumilay ang liwanag at pag-asa sa aming lahat. Unti-unting naging makulay ang bawat buhay namin. ‘Yung mga ngiti na hindi namin magawa noon – ngayon, damang-dama na namin ang totoo at tunay na saya dala ng isang matagumpay na pakikipaglaban sa pagsubok.

Sa loob ng isang taon, sobrang bilis ng bawat araw na nagdaraan. Natapos namin ang unang taon sa College nang sabay-sabay at walang naiwan ni isa sa amin. Masaya ako sa naging takbo ng relasyon ng bawat isa sa amin. Unang-una na rito ang aking kaibigan na si Jess at Christian.

Hindi ko akalain na silang dalawa pala ang sa huli na magkakatuluyan. Ang buo kong akala ay hindi na magkakaroon ng isang matinong boyfriend ang kaibigan ko. Ang akala ko noon, ay lagi na lamang makikipagkita si Jess sa kung sino-sinong lalaki diyan sa tabi.

Hindi na rin masama na naging sila ni Christian. Kilala ko siya – isang responsableng tao, mapagmahal at maalaga. Alam kong hindi niya magagawang saktan ang aking kaibigan. Hindi niya rin magagawang paluhain at lokohin si Jess. Dahil kitang-kita ko sa mga mata ni Christian – kung gaano siya kaseryoso kay Jess, at kung gaano nito kamahal ang aking kaibigan.

Dahil ngayon ay bakasyon nga, umalis silang dalawa. Pinilit ni Christian na isama si Jess sa kanilang bahay sa Probinsya. Balak nitong ipakilala sa kaniyang pamilya ang relasyon nito kay Jess. Ramdam ko ang tuwa sa mga mata ni Jess nung araw na umalis silang dalawa at nagpaalam sa akin. Ngayon, masasabi kong nasa mabuti nang kamay ang aking kaibigan.

Nitong nakaraan, tinawagan ako ni France. Patuloy pa rin ito sa paghingi niya ng tawad sa akin. Kasabay sa paglipas ng panahon ay paglimot ko sa aming nakaraan. Matagal nang nangyari iyon, wala nang rason upang balikan pa iyon.

Sa nakikita ko kay France sa relasyon niya sa kaniyang magulang. Masasabi kong unti-unti nilang binabago ang kanilang nakasanayan. Unti-unti nilang tinatanggap at minamahal ang bawat isa na walang hinihinging kapalit. Masaya rin ako, dahil maluwag na tinaggap ng mga magulang ni France ang kaibigan ni Jonathan – na si Xian. Bilang isang miyembro ng kanilang pamilya.

Sa naging takbo ng kanilang buhay, masasabi kong, hindi iyon kailanman naging madali. Matinding pagsubok ang kanilang hinarap upang patunayan ang lubos na pagmamahal nila para sa isa’t-isa. At ngayon nga’y nagtagumpay silang dalawa, ilang buwan mula ngayon. Sina France at Xian ay magiging isang ganap nang mag-asawa.

Ang buong akala ko, si Pau na ang lalaking magpapasaya at makakasama ko habang buhay. Nagkamali pala ako. Naging rason ang business matters ng pamilya niya upang paghiwalayin kaming dalawa. Sinubok ng panahon ang aming relasyon at lakas ng isa’t-isa. Hindi ko nagawang lumaban para sa kaniya. Naging mahina rin si Pau para sa akin. Dahil doon, napagdesisyunan ni tadhana na tuluyan na kaming magkahiwalay.

May mga tao palang nakalaan talaga para sa amin. Hindi ko inaasahan na magkakakilala at magkakapalagayan ng loob sina Avin at Pau. Kalaunan, at hindi ako nagkamali, naging sila nga. Napaka galing talaga ng tadhana kung sinong tao talaga ang para sa atin.

‘Yung inaakala nating tao na kasama natin ngayon, ay akala natin ay sila na talaga. Ngunit, nagkamali ako. Sila ‘yung taong magbibigau leksyon sa atin upang matuto at bumnagon mula sa hirap ng kahapon. Sobrang saya ko – dahil nakita na ni Pau ang taong para talaga sa kaniya.

Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz