Chapter 18: Jonathan

65 11 0
                                    

Limang buwan na kaming magkakilala ni James. Limang buwan na rin kaming magkaibigan. Una naming nakita ang isa’t-isa nung kinatok ko ‘yung kuwarto niya dahil ang lakas niyang magpatugtog. Nung makita ko siya, aaminin ko, nahulog agad ang loob ko sa kaniya.

Hindi naman ako galit nung mga panahong iyon sa kaniya, sadyang naistorbo lang talaga ang tulog ko. Muli akong humanga kay James, dahil kahit naiinis ako sa kaniya, kahit iniinis ko siya, nandiyan pa rin siya para iligtas ako mula sa mga taong mapagsamantala.

Nakita ako ni James, na binubugbog ng apat na kalalakihan. Hindi ko alam kung paano siya napunta roon. Pero mas nahulog ang loob ko sa kaniya, nung panahong siya ang kasama kong magpagaling. Hindi siya umalis sa tabi ko. Lagi siyang nandiyan.

James is a really good person since then. Ngayon ko lamang napagtanto na hindi basehan ang kasarian upang magmahal. Ika nga nila, ‘love knows no gender’. Recently, I realized that I started to fall in love with him. Nagising ako nang isang umaga na mahal ko na si James.

Ngayon, I used to escape on him. Iniiwasan ko siya. Ayokong mahulog pa ang loob ko ng husto sa kaniya. Oo, mahal ko siya. Pero hindi ko alam kung may nararamdam rin ba siya para saakin? Alam ko naman na he’s a quite bisexual man. Alam ko ang bagay na ‘yon.

Now that I’ll using a girl kung magbaabago ba ang nararamdaman ko para kay James. This is the only way I know just to escape and avoid him. Ayoko lang masaktaan si James. Ayoko lang na masira ‘yung pagkakaibigan namin na binuo namin ng limang buwan.

I’d rather choose to be friend of him than to choose as we lovers. I valued our friendship. I valued him not a lover but a best of friend. I don’t want to ruin our friendship just because of I have feelings for him. And that’s a problem, hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito makakayanan.

“There you are!” A familiar voice came out all of the sudden. Her voice is so beautiful as she is. Well, Alyn is also of one of our classmates. Hindi kami masyadong close nito. Bihira rin kaming magkausap.

Pero one thinf is for sure, walang lalaki ang hindi mahuhulog sa taglay niyang kagandahan at kabaitan. I think she’s rare to find. Bukod kasi sa maganda at mabait ito, maalalahanin rin. Muli kong naalala sa kaniya si James. Parehas silang caring and thoughtful na tao.

“Kanina ka pa ba nandito? Baka naghintay ka ng matagal ha?” Nag-aalalang tanong nito.

Agad naman akong umusod ng pagkakaupo upang bigyan siya ng espasyo para makaupo.

“Hindi, kararating ko lang rin naman.”

“Sorry ha? To keep you waiting. May inasikaso pa kasi ako, e.”

“No. It’s okay. It’’s not that big deal. Okay lang.” Saad ko rito.

I just got her number through of one of her bestfriends. Then, I texted her if we could meet up here at the library. I reason it out na magpapatulong sana ako sa mga assignments namin dahil hindi ko iyon medyo naunawaan.

Honestly, alam ko naman ang lahat nang iyon. Because James taught me everything that I need to learn. Ginawa ko lamang ito para mapalapit ang loob ko kay Alyn. Alam kong masasaktan ko si James sa gagawin kong ito.

Sorry James. Ito lang ang alam kong paraan. Naguguluhan ako sa aking nararamdaman para sa ‘yo. Ayokong pagsisihan ang mga bagay kapag nalaman ko na mali ang naging o magiging desisyon ko sa bagay na ‘to.

Ayokong masaktan si James dahil lamang sa pagkalitong mayroon ako, sa aking katauhan, sa aking nararamdaman para sa kaniya. I want to be honest with myself first. Before I come up with the big decision. Gusto kong maging sure ang lahat saakin.

Alam kong masasaktan ko si James sa gagawin kong ito. Ganun rin si Alyn. Alam ko na para na akong isang taong namamangka sa dalawang magkaibang ilog. Ngayon pa lamang, humihingi na ako ng kapatawaran kay James at Alyn. Parehas ko silang masasaktan sa gagawin ko. Pero, isa sa kanila ang mas masasaktan ng sobra.

“Jonathan, are you okay? Mukhang kanina ka pa wala sa sarili?” Alyn asked.

Ngumiti na lamang ako sa kaniya. Senyales iyon na ipagpatuloy na namin ang aming ginagawa. Habang nakikinig ako kay Alyn sa mga ipinaliliwanag niya saakin. Lahat naman nang iyon ay naabsurb ko. Lahat nang mga explanations niya regarding sa mga assignments, lahat iyon ay mas natutunan ko pa.

Matapos ang halos isang oras mahigit na pananatili namin rito sa library. Ay napagdesisyunan na naming bumalik sa aming classroom. Dahil magsisimula na ang aming klase.

Habang naglalakad kaming dalawa, napuno ang aming mga labi ng saya. Mas nakilala ko pa ng husto si Alyn sa maigsing oras na magkasama kami. Hindi ko rin maiwasan ang mas hangaan ito dahil sa kalog rin pala ang babeng ito.

“Salamat sa pagtuturo saakin. Sana hindi ka nahirapan.” Pasasalamat ko sa kaniya. Napakamot na lamang ako sa aking ulo dahil pakiramdam ko, naistorbo ko si Alyn sa kaniyang ginagawa kanina.

“Don’t mention it, Jonathan. Basta ikaw at kayo kong gawin? Tutulungan kita.” Sagot naman niya.

May kakaiba akong naramdaman habang sinasabi niya ang mga bagay na iyon. Kilig ba itonf aking nararamdaman? Kinikilig ako sa mga simpleng salita niya lamang? Napangiti na lamang ako sa aking mga naiisip.

Papalapit na kaming dalawa ni Alym sa room nang may isang boses akong narining ‘di kalayuan sa aming kinatatayuan. Ang boses na iyon, ay sobrang pamilyar saakin. Nang marinig ko iyon, biglang tumibok nang mabilis ang pintig nang aking puso. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Parang biglang napako ang aking mga paa sa aming kinatatayuan ni Alyn.

“Jonathan…” Nang magtama ang aming mga paningin. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko. Magiging masaya ba ako? Dahil iba ang nakikita ko sa mga mata ngayon ni James.

O, magiging malungkot? Dahil bilang isang kaibigan lamang ang tono sa kaniyang boses? Siguro nga. Siguro nga, ang tonong niyang iyon ay senyales na nag-aalala siya saakin. I know that James is a thoughful person. Maaalalahanin siya. Hindi ko dapat bigyan kulay o kahit na anong kahulugan ang ginagawa o ipinapakita saakin ni James.

Isang tango lamang ang aking ibinigay kay James at nagderetso na kami ni Alyn sa aming paglalakad. Nang malampasan na namin si James. Parang isang libong karayom ang tumusok sa aking puso.

Parang hinati nito ang puso ko sa sakit na aking ginawa kay James. Alam kong wala lamang iyon. Pero bakit ako nasasaktan? Bakit nasaktan ako nung hindi ko siya pinansin sa ginawa niyang pagtwaga saakin?

Hindi kaya? Mahal ko talaga si James? O, sadyang nalilito lang ako sa aking nararamdaman? O, baka nagbibigau malisya lamang ako sa naging tagpo namin kanina?

Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon