01 the beginning

1.3K 30 0
                                    

"shiella!!! gising na! ano ba malelate na tayo eh"

"Wryziel naman anong oras palang oh . Bakit ba ang ingay mo na?"

"Gago ka kasi , sabi ko bumili kana ng cellphone mo , nagtext si boss ipapakilala niya raw yung may ari ng coffee shop kaya dapat mas maaga raw tayong dumating" paliwanag ni wryziel saakin

"Leche naman ano bang pakielam kosa may ari na yon ah" masungit na tugon ko sakaniya

"Hambog ka talagang gaga ka eh noh , tumayo ka nalang diyan" utos nito saakin

"Oh sige ikaw na magluto ng pagkain para kila mama at rianne tapos hintayin mo nalang ako sa sala"

Tumayo ako sa higaan at nagumpisa ng maligo at mag tooth brush pagkatapos ko ay pumunta na ako sa cabinet at kumuha ng maluwag na puting tshirt at kulay itim na pantalon . Pagbaba ko sa dining area nakita kong kumakain si rianne at sinusubuan naman ni wryziel si mama .


"Ate pahingi naman ng baon may babayaran kami para sa darating naming outing at bibili ako ng mga bagong gamit para doon" ani rianne

"Jusko naman rianne gastos nanaman? Hindi ba puwedeng hindi ka nalang sumama riyan ? Alam mo namang wala tayong pera 'diba , ilang beses ko bang sasabihin na wala tayong pera?"

"Ate wala akong pakelam sa sinasabi mo basta gumawa ka ng paraan!"

"Okay naba ang isang libo? Walang wala ako rianne sana alam mo."

"Ate naman yang isang libo nayan pambayad palamang yan sa outing namin ! Eh paano naman yung mga gamit na bibilhin ko para doon?"

"Kailangan ba bago lahat puwede naman ang mga gamit na narito ah"

"Gusto ko bago ayokong isipin ng friends ko na poor lang tayo duh!"

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni wryziel at dali daling lumapit saamin ng aking kapatid

"O rianne 5k , ibalik mo sa ate mo iyang isang libo niya at ito nalamang ang gamitin mo , bumili ka ng kailangan mo at bayaran mo na rin yong kailangan mong bayaran" ani wryziel

"Wryziel naman hayaan mo nalamang ako gumawa ng paraan para rito pamilya ko naman ito eh"

"ngayon lang naman shiella , bayaran mo nalang ako sa susunod kapag naibigan na ang ating sahod" nakangiting sabi sa'kin ni wryzielle

"Salamat wryziel babayaran kita" i gave her small smile

lumabas kami ng bahay at sumakay na sa aking motor at pumasok na sa trabaho . Nag ayos na kami upang ma paghandaan ang pagdating ng may ari ng cafe.

habang naghahanda napatigil kaming lahat sa pagdating ng isang napaka gandang babae naka champagne colored dress siya at naka ponytail ang buhok , halatang napaka yaman nito sakanyang mga suot.

"Siya nga pala ang may ari ng cafe na ito" pagturo ng manager namin sa magandang babae


"Hello everyone i am sheineia villafuerte and i am the cafe owner , i hope we all get along because i will be staying here in the Philippines for good. This is my friend" pagturo niya sa lalakeng katabi. "He is Jeff ainzley vergara he is also my business adviser"

pagkatapos makipag kamayan at makipag kilala nag umpisa na kami sa dating gawi , nagtrabaho na kami. Sa umaga ako ay ang bartender at sa hapon naman ay waitress.

"Shiella , ambait ni ma'am sheineia grabe maganda nanga mabait pa siya" ani wryziel

"Hindi na masama" tipid kong sagot

Way back into love  (Trilogy 1)Where stories live. Discover now