Season 3: Episode 6

5.1K 459 215
                                    

I wince and then I fake a cough.

"Hey . . ." I mumbled while trying to pull away from Briela's unwelcomed embrace.

Sa reaksyon ko ay narinig ko ang impit na pag-tawa ni Manuel. I only darted him a neutral expression for which he responded with a shrug.

"Hey, Briela." Ulit ko dahil para bang wala siyang balak putulin ang pagkakayakap sa akin. Mukhang napapasarap na yata.

"Hoy, Briela. Chansing na 'yan." Rinig kong tumawa nang malakas si Manuel. "Para-paraan ka rin, ano?"

Dahil doon, mabilis at iritadong bumitaw sa akin si Briela. Matapos ay humarap siya kay Manuel. Pabulong man ay rinig ko pa rin noong nagsalita siya.

"Panira ka talaga ng moment kahit kailan." And she concluded it with an exasperated sigh before she did her dramatic walk out.

Manuel turned his gaze at me while still laughing. "Sir, patay na patay talaga sa 'yo 'yon." He pointed his lips towards Briela who turned her gaze at us only to roll her eyes. "Walangya, mag-ingat ka at baka gahasain ka niyan."

"Gago," I chuckle and chose to follow Briela. Hanggang sa narinig kong sumusunod na rin sa akin si Manuel.

Ang daan na tinatahak namin ngayon ay may kadiliman. Pero dahil sa tulong ng flashlight sa cell phone nina Manuel at Briela, nagawa kong maaninag ang buong daan. Hindi ito sementado, lupa lang ang tanging makikita dito. Bagay na ikinabahala ko. Isang maling pagyanig lang kasi ng lupa ay paniguradong matatabunan kami ng buhay dito.

Tumagaktak ang pawis ko noong ilang minuto na ang makalipas. Napasipol ako dahil sa init. Matapos ay pinili kong paypayan ang sarili gamit ang kamay.

"Mainit, Sir?" Briela asked me as if the answer is not obvious.

I only responded with a bored nod.

"Kasalanan mo 'yan, Sir." She gave me a sweet smile, I only throw her a quizzical gaze. "Ang hot mo kasi."

Sa narinig ay otomatiko akong napasimangot. Kasabay iyon ng kung papaano lumakas ang pagtawa ni Manuel. Bagay na ikinainis ni Briela. Halata iyon sa kung papaano halos mamuti ang kanyang mga mata dahil sa pag-irap.

Nagpakawala muna ng iritadong hangin si Briela bago siya dumako sa likod ko. Hindi na ako nag-abala pang awatin siya sa kanyang gagawin dahil mas prayoridad ko ang anak ko ngayon.

"Aray! Hoy!" Tumawa nang tumawa si Manuel.

"Napaka-home wrecker mo!"

"Home wrecker? Luh? Kabit ako?"

"Sinisira mo ang moment ko para makabuo ng home sa puso ni Sir! Thus, making you a home wrecker!" Gigil na anas ni Briela. Napailing na lang ako habang napapakunot-noo.

Ilang minuto ang nakalipas ay unti-unti na akong nakarinig ng mga pag-sigaw. May mga yabag na rin akong nararamdaman dahil sa bahagyang pag-alog ng lupa.

"Heto na tayo, Sir." Manuel told me with a tone on his voice that screams vigilance. "Ang labas natin ay doon sa loob ng office mo. Ipagdasal na lang talaga natin na walang panganib ang nag-aabang sa atin doon."

I nod at him. And to be honest, I am a bit scared. Hindi ko alam kung ano ang nag-aabang sa amin doon. Hindi ako handa kung panganib lang ang mayroon doon.

"Here we go." Briela mumbled as soon as we reached the hole that looks similar from where we entered. "Iyan na 'yon, Sir."

I nod at her.

I was about to climb to the metal ladder when Manuel stopped me. He grabbed ahold of my arms. "Let me take the lead, Sir. Mas pinagaralan namin ito keysa sa iyo."

May point naman siya. At ito ang itinuro ko sa kanila. Ang kunin ang responsibilidad kung alam mong mas alam mo ito. Kung sigurado kang mas napag-aralan mo ito.

I ended up nodding at him. Sinabayan ko iyon ng pagbigay sa kanya ng daan. And just like a well trained cop, he moved to the fastest extent that he could do. One thing that a superior like me would be proud to watch at.

Pero natigilan kaming tatlo nang . . .

"Basthy . . ."

Multiple voices are coming from the hole we went through. It all have a sweet yet creepy tone.

"Manuel . . ."

"Briela . . ."

Nanlaki ang mga mata ni Briela. "Shit!" Mariin ngunit pabulong na sambit niya.  "Sir, we need to move! Nasundan nila tayo!"

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon