Season 1: Episode 13

9.3K 835 505
                                    

"Wait, what the the fuck is that?" Sambit ni Kuya Nero. His tone is flashing a dangerous manner. A thing that I am never ready to face right now.

Agad akong tumayo. Hindi sumunod si Venice sa akin hanggang sa makarating na ako doon sa unahan ng bus.

Noong biglang huminto ang bus, alam ko nang hindi ko magugustuhan ang mga susunod na mangyayari.

Kasabay iyon ng pananahimik namin dito sa loob.

Noong ibaling ko ang tingin sa harap ng bus ay halos mawalan ako ng hininga sa aking mga baga. This shit is really something! Hindi pa nga ako nakaka-move on sa nangyari kanina tapos may ganito na naman?!

Ano 'to?

Quotang quota na 'ko?

Taeng tae ka, Kamatayan?!

There, I saw countless of zombies. Hinaharangan nila ang daanan namin. Sa itsura nila, sila iyong mga nakita namin sa gas station. Naalala ko pa iyong lalaking nakaluwa ang bituka.

"What do we do now?" Kuya Nero, asked. Completely hopeless for the possible solutions.

"No choice. Banggain na lang iyang mga pesteng yawa na 'yan." Si Tito Theo. Ngayon ay nakatitig siya doon sa mga zombies. Hindi talaga ako sanay na seryoso siya.

Kuya Nero faced him, "I think, that was a bad idea."

"Bakit naman?"

"Paano kung sumabit ang parte ng katawan nila sa gulong? Lalo tayong magkaka-aberya niyan."

Napangiwi si Tito Theo. "Sabagay."

That was the moment when Kuya Finn entered the picture. "So, what are you suggesting, Nero? We go there and risk our lives again?" Suminghal siya. "No thanks, pass na ako diyan."

"May point din siya." Kuya Nero came again. May pag-turo pa siya kay Kuya Finn na para bang malakas ang pananalig niya sa kanyang opinyon.

Kanino ba talaga siya kampi?

Balimbing lang?!

"Tama naman siya, hijo." Lahat kami ay napalingon kay Manong Driver. "Sa dami ng mga nilalang na iyan, mukhang hindi niyo sila kakayanin."

"Pero, Manong . . ." Kuya Nero is about to contradict him.

But Kuya Finn cut him off. "Maybe, we should really go with Kuya Theo's solution. Banggain na lang natin sila. That way, ligtas tayong lahat."

"At saka tignan mo, hijo. Paabante ang galaw nila. Wala naman sigurong masama kung susubukan natin silang banggain. At kung sakali mang magbara ang gulong dahil sa kanila, hintayin na lang natin na makalagpas sila dito sa bus bago tayo lumabas at tanggalin ang bara."

"Ang talino mo talaga, Tatang!" Halos mapatalon kami ni Manong Driver sa gulat nang biglang sumigaw si Tito Theo. Siraulo. Balak pa yatang patayin si Manong Driver sa atake sa puso!

"Okay . . ." Kuya Nero seems so conflicted. But he still nod, "let's do that."

Tumango ang driver. "Kumapit kayo, mga hijo."

And we followed him. Umupo ako sa tabi ni Tito Theo. Si Kuya Nero naman ay pinaalalahanan muna ang ibang tao sa bus. Matapos ay umupo na siya sa tabi ni Kuya Finn.

Noong nakasigurado na ang driver na ayos na ang lahat, pinihit na niya ang manibela. Napapikit na lang ako habang nararamdam ko ang pagbwelo ng bus. Hudyat na mabilis ang gagawing pag-andar nito.

"Pogi, ready ka na ba?" Bulong sa akin ni Tito Theo.

I answered him while still closing my eyes. "Opo, Tito. Alam ko pong magiging mabilis ang pag-andar ng bus na 'to."

"Hindi." Muli niyang bulong. "Ang sabi ko, ready ka na bang ma-meet and greet si San Pedro?"

Sa sinabi niya ay gusto ko na lang maging bus tapos siya iyong babanggain ko!

Punyemas na 'yan!

May crush ba siya kay San Pedro?!

Pinili ko na lang na hindi sumagot. Nanahimik ako. Sasakit lang kasi ang ulo ko kapag patuloy akong nakipag-usap sa kanya. Ayoko rin naman kasing maging kriminal. Baka mapatay ko talaga siya nang wala sa oras.

Napakapit ako nang mahigpit sa handle na nasa harap ko nang unti-unti, naging mabilis ang pag-andar ng bus. Sa bilis nito ay para bang naka-sakay ako sa roller coaster. Sa nangyayari ay parang mahihimatay na ako sa kaba!

Ilang salit ang nakalipas ay naramdaman kong may bumangga sa harap ng bus. Sinundan iyon ng mga tunog na nakapag-pangiwi sa akin. Ang mga tunog na iyon ay para bang mga butong nababali at mga bungong nababasag. Gusto ko na lang talagang masuka sa mga naiimagine ko!

"Bata, ready ka na ba?" Muling sambit ni Tito Theo.

Oo, Tito! Ready na aking patayin ka!

Noong magmulat ako ng mga mata ay sinamaan ko siya ng tingin. Siya naman ay parang baliw na pinagtatawanan ang reaksyon ko.

"Oh, bakit? Ang ibig kong sabihin ay kung ready ka na kakong maging shota iyong batang babae na nasa dulo ng bus?"

Sa sinabi niya ay napakisap mata ako. Then another moment came, I glare at him again. "May boyfriend po siya, Tito. 'Wag mo nang tangkaing i-ship kami dahil walang kami na mangyayari."

Kinutusan niya ako at gusto ko na talagang gumanti. "Asawa nga, naaagaw pa? Girlfriend pa kaya?"

Sa sinabi niya ay napaubo si Kuya Nero kaya lumingon kaming dalawa sa kanya. Kuya Finn is giving him a pokerface when he told us, "What? Kasalanan ko bang iyong babae ang lumapit sa akin?"

I also give him a poker face.

Akala ko pa naman, matino ang isang 'to.

When I turned my face at Tito Theo, nakangisi siya na para bang waging wagi. "See? Sabi sa 'yo, eh. Kayang-kaya mo pang agawin 'yon." Itinuro niya si Venice gamit ang kanyang nguso.

Sasagot na sana ako sa kanya nang biglang tumigil ang bus. Matapos ay sinundan ito ng tunog ng isang pwersadong gulong. It was a short moment after when the engine stops.

Takang-taka akong ibinaling ang tingin kay Manong Driver.

Ano nang nangyayari?

I was about to ask that question noong maunahan ako ni Kuya Nero. Agad siyang tumayo at pumunta doon sa driver. "Bakit po ganito? Ano pong nangyari?"

Tumaltak pa muna ang matanda. "Nagbara na iyong gulong, hijo."

Napahawak si Kuya Nero sa kanyang sentido. Napapailing, dismayado siyang nag-salita. "Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh." Matapos ay idinako niya ang tingin sa harap ng bus. Napakarami pa ring zombies ang nasa paligid. Lahat sila ay naglalakad sa dako namin.

"So, we are really going to wait. The question is," Kuya Nero turned his face to us, "until when? Hindi tayo pwedeng abutan ng araw dito. Mahirap gumalaw nang umaga. Mahirap umabante kapag naaaninag nila tayo."

"Let's just be positive for now. Mauubos din ang mga iyan." Kuya Finn said. Conviction is escapading his system. "Tiwala lang . . ."

Halatang nag-pipigil ng pagkairita si Kuya Nero noong muli siyang bumalik sa kanyang upuan. Pero matapos ang ilang saglit ay lumipat naman siya sa tabi ni Ate Athena na ngayon ay niyayakap siya.

Napapangiwi akong ibinaling ang tingin sa ibang dako. Matapos ay humugot ako ng malalim na hininga. Sumandal ako. Tumingin sa itaas ng bus nang walang plano kung hindi ang maghintay lang.

Pero halos mapatalon na lang talaga ako sa gulat nang sumulpot si Venice sa gilid ko. She is holding Orion on her arms. "Gustom na yata siya."

I blink as I cough.

Then I nod at him, "Right. His food is on my backpack. Let me get it for you."

Noong tumayo na ako ay nagsimula na siyang maglakad pabalik doon sa upuan niya. At muntik ko na talagang masapak si Tito Theo noong sinabi niyang, "May pag-asa pa, bata. Maaagaw mo pa 'yan."

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon