Chapter 28: The Guns

778 45 0
                                    

Chapter 28:
The Guns

-Aztare Khrys Avellar-

-:-

Kakatapos ko lang maligo, salamat na lang sa malaking maleta na pinag-aagawan namin kanina dahil nakapalit na rin ako sa wakas ng bonggang-bongga. Nakasuot ako ngayon ng mamahaling undies at bra, original na Nike rubber shoes and jogging pants at ang panghuli ay Guess na T-shirt. Pero ang mas importante ay komportable ako sa sinusuot ko ngayon para kung may zombies man ay hindi na masyadong mahihirapan na gumalaw.

For now, an idea pops-up on my mind, parang gusto kong gumala sa barkong ito dahil matagal pa namang magsisimula ang meeting namin at iyong iba ay mahimbing pa ang mga tulog. Lumabas na ako sa aming silid na walang may nakakahalata, naging tahimik na ang paligid at ang space kanina kung saan napupuno ng mga buwaya. I mean mga tao na may matataas na posisyon sa bansa at mga negosyante na nagpa-party kanina.

Umikot-ikot muna ako sa malapad na space kung saan nakalagay ang maraming pagkain, dinampot ko kaagad ang piraso ng burger at fried chicken. Lumingon muna ako sa paligid kung may tao ba na nakatingin sa akin ngunit wala naman kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon at dumapo lahat ng hawak kong pagkain sa aking bunganga na kanina pa naglalaway.

Sumandal ako sa isang poste para makapagtago, minamasdan ko ngayon ang madilim na karagatan at ang walang hinto na paghampas ng alon. Ramdam ko rin ang paggalaw ng sinasakyan naming barko na handa na sa pag-alis.

"Sigurado ka ba sa binabalak mo?" nabigla ako nang may nagsalita sa kabilang poste na aking sinasandalan.

Pigil hininga akong nagmasid at nakiramdam, gusto kong pakinggan ang kanilang pinag-uusapan dahil mukhang may kakaiba sa kanilang boses na para bang may tinatago.

"Ito na lang ang natatangi nating paraan, kapag napatay na natin ang presidente ay wala ng balakid sa mga binabalak natin." sagot ng isa pang lalaki at kung ibabatay sa boses nito ay halatang malaki itong tao.

"Oh siya, ikaw na ang bahala sa presidente. Kapag pumalpak ka rito ay wala akong sabit! Tandaan mo 'yan!" may awtoridad ang pagkakasabi ng isang ito, rinig ko na lang ang mga hakbang hanggang sa umalis na silang dalawa.

Halos pinagpawisan ang noo ko sa aking narinig. Presidente? Papatayin? Kailangan ay may gawin kaming hakbang para mailigtas ang presidente dahil kung hindi ay baka mas lumala pa ang mangyayari sa bansang ito.

Kumuha na muna ako ng plastic, bago iyon ay may uunahin muna ako. Inilagay ko ang mga natirang pagkain sa lalagyan at nang mapuno na ay dali-dali akong bumaba sa kung saan nakadestino ang mga ibang survivors na nahihirapan sa kanilang mga lagay sa ngayon.

Pagkababa ko ng hagdan ay naroon silang lahat sa malapad na sahig at tanging sa karton lamang sila natutulog. May mga nakaidlip at mayroon ding nakasandal habang malalim ang mga iniisip.

"Ate, pahingi po ng pagkain." bumungad sa akin ang isang batang babae na halos magmukha ng isang batang lansangan dahil sa mga dumi sa kaniyang mukha.

Napatulala ako sa kaniya ng ilang segundo at nahimasmasan nang dumami sila bigla. Halos sampung kabataan ang nasa harapan ko ngayon at nagmamakaawa dahil sa sobrang pagkagutom, mga mukhang hindi ko kayang titigan ng matagal dahil parang dinudurog ang puso ko.

"H-heto, maghati-hati kayong lahat at bigyan niyo na rin ang iba." Ibinigay ko na lang sa kanila ang bitbit kong pagkain.

Unti-unti na ring nagsi-gising ang iba at hindi ko na hinintay na makita nila ako, mabilis akong umalis sa lugar na iyon na maluha-luha sa aking nakita. Sa ngayon ay dapat i-focus ko ang aking atensiyon sa aking mga kasamahan at lalong-lalo na sa presidente dahil nasa panganib ang mga buhay nila.

The Last Survival EscapeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant