TLSE: Prologue

5.6K 198 31
                                    

Prologue

As the years passing by, what could probably happen to the humanity?

There are three kinds of zombies that will destroy the humanity, they are called the Herbianz (normal zombies but multiple in numbers), Cureanz (Intelligent zombies but few in numbers), and lastly the Z-tech (A highly technology-based zombies)

All of them has their own historical causes. Starting with this order. Herbianz, Cureanz and Z-tech.

-:-

(HERBIANZ)

Mayroong ama na may anim na anak, nakatira lamang sila sa pinagtagpi-tagping yero na idinagdag sa hindi kalakihang kuweba sa gitna ng masukal na kagubatan na rito lang makikita sa bansang Pilipinas.

Tanghaling tapat at humahanap ang amahin ng kanilang makakain pero nahihirapan ito dahil kahit isang ligaw na hayop ay walang nagpakita sa oras na iyon. Napaluhod na lamang ito sa malapot na putikan habang lumuluha ang kaniyang mga mata. Habang pinupunasan niya ang kaniyang mga luha ay may nakita siya na isang halaman at may mga bungang kasing liit ng ubas na kulay pula sa kaniyang harapan, inakala niya ay biyaya ito na binigay ng kalangitan.

Ang ama ay naakit talaga na kunin ito subalit ay nagdadalawang-isip pa rin siya kung ano ba talaga ang dapat gawin. Pero sa sobrang pag-aalala nito sa kalagayan ng kaniyang mga anak na sobrang nagugutom ay wala na siyang mapagpipilian pa. Mabilis niyang inalis ang kaniyang damit na suot at ginawa niya itong lalagyan, halos maubos na ang lahat ng bunga sa kaniyang pagmamadali at walang ganang tumira ni kahit isa. Pagkatapos ay tumakbo agad ito papauwi para ipakain sa kaniyang mga anak, wala na siyang pakialam basta mabusog lamang ang mga ito.

Saglit na tinikman muna ng ama ang hinihinala niyang prutas, hindi naman masama ang lasa at matamis-tamis pa nga ang katas pero sa isang saglit lang ay bumula ang kaniyang bibig, unti-unting nagiging berde ang mga mata habang nanginginig na sobra pa si kinukuryenteng hayop!

Mabilis itong tumayo habang nanginginig pa rin at ang kaniyang anak naman ay umiiyak habang sinisigaw ang pangalan ng kanilang amahin, lumalapit na ang ama sa kaniyang mga anak na nakatulo ang laway at parang nauuhaw na tigre.

Biglang tumalon ang ama patungo sa kaniyang bunsong anak na babae at mabilis na kinagat ang kamay nito, ilang segundo lang ang nakalilipas ay nanginginig na rin ang anak na babae at nawawala na sa tamang huwisyo. Tumalon naman ang bunsong babae sa iba pa niyang kapatid at kinagat din ito isa-isa, ganoon din ang ginawa ng ama hanggang sa lahat na sila ay nawala na sa tamang pag-iisip, dilat na dilat ang kanilang berdeng mata, maraming ugat na rin ang tumutubo sa kanilang mukha at katawan.

-:-

(CUREANZ)

Isang ina ang naghihinagpis, humahagulgol ito sa iyak dahil sa kaniyang anak na babaeng may kanser at ngayon ay nasa pribadong silid kasama ang doktor at mga narses.

Wala na talagang pag-asa ang anak na babae at alam na ito ng doktor pero dahil sa malaking bayad ng ina ay ginagawa pa rin nito ang lahat, isa na lang ang kaya niyang gawin at iyon ay iturok ang nag-iisang gamot na sariling gawa ng kanilang kompanya para pumatay ng mga cancer cells. Wala pang lakas ng loob ang doktor na gamitin ang gamot na iyon dahil sa walang kasiguraduhang epekto nito at ipinagbabawal dahil wala itong pahintulot sa itaas ngunit sa isip ng doktor ay wala namang makakaalam at mawawala kapag susubukan niya dahil mamamatay na rin lang naman ito. Dalawa lang ang magiging kahihinatnan, kamatayan o kaligtasan! At kung gumana man ang kaniyang binabalak ay siya na siguro ang kauna-unahang doktor na makagagamot sa cancer at magiging sikat ang kanilang kompanya.

Nang itinurok na niya ang gamot sa bandang balikat ng pasyente ay mabilis nilang inabangan ang monitor, mabilis din ang takbo nito hanggang umabot sa punto na naging mahabang linya na lang ang natira. Iniisip ng doktor kung ang gamot ba ang pumatay nang tuluyan sa kaniyang pasyente?

Napatulala naman ang isang narse, nakita niya na nanginginig ang kamay ng kanilang pasyente kaya agad nitong inabisuhan ang doktor at nagulat bigla sa kaniyang nasaksihan.

Akala ng doktor na may himalang naganap at halos mapasigaw na sana ito sa sobrang saya ngunit mabilis namang nag-iba ang kaniyang mga ngiti dahil ang pasyente ay nanginig kasabay sa pag-iba ng kulay ng kaniyang mga mata papunta sa pagiging asul at may mga malalaking ugat din ang namuo sa kaniyang katawan. Tumayo ang pasyente habang nakatulo ang malalapot na laway nito sa sahig na dahilan upang mapaatras ang lahat sa takot.

Mas lalo pang natakot ang lahat nang inilabas nito ang kaniyang ngipin at kumalat sa sahig ang napakalapot na laway ng babaeng pasyente. Sumigaw na lamang silang lahat at agad na tumakbo sa labas ng operating room.

Laking gulat ng ina ng pasyente nang nagsilabasan ang lahat na para bang may mali, magtatanong pa sana ang ina kung kumusta ang operasyon pero wala talagang huminto kahit ang doktor na kaniyang inaasahan.

Pumasok ang ina sa loob at nakita ang anak na palakad-lakad, mabilis itong niyakap ng ina habang bumubuhos ang napakaraming luha. Malaki ang pasasalamat nito dahil buhay na buhay na sa ngayon ang kaniyang pinakamamahal na anak.

Isang malaking kagat ang mabilis na dumapo sa kaniyang leeg, kumawala ang ina habang hawak-hawak ang dumurugo nitong leeg at napatingin sa asul na mata at maugat na mukha ng kaniyang anak habang naglalaway na parang ligaw na oso.

Nalaglag na lamang ang ina sa sahig habang hindi makapaniwala sa nangyari sa kaniya at pati na rin sa nangyari sa kaniyang anak. Nag-umpisang manginig ang ina at naging katulad na rin siya ng kaniyang pinakamamahal na anak.

-:-

(Z-tech)

Isang bansa na gustong pabagsakin ang isa ring bansa na kung tawagin ay Pilipinas ng tuluyan gamit ang isang eksperimentong zombie na may kakaibang abilidad na tinatawag na z-tech. Ginawa nila ang zombie na ito para mapabagsak ang mga militar dahil alam nilang makakaya ng Pilipinas ang mga simpleng zombies na pagala-gala sa lansangan habang humahanap ng pinupunterya.

Kinuha na nila ang pagkakataon na ito para pabagsakin at burahin sa mundo ang tinaguriang Perlas ng Silanganan, magiging matagumpay ba ang bansang ito sa kanilang masamang binabalak?

Isang zombie na may pulang mata, mabilis tumakbo, tatlong beses ang laki at lakas sa tao, marunong magbukas ng pintuan o kaya ay umaakyat ng mga bahay. Pero ilan nga ba ang ipinadala ng bansang ito? Ayon sa pagsiyasat ng (PHSRA) Philippine Scientists and Researchers Association ay aabot sa dalawang daan na z-tech zombies ang ipinadala gamit ang kanilang apat na malalaking barkong pandigma.

-:-

~LordsNnelo~

The Last Survival EscapeWhere stories live. Discover now