Chapter 7: Run For Death

1.3K 80 1
                                    

Chapter 7:
Run For Dead

-Aztare Khrys Avellar-

-:-

Nagtataka talaga ako kanina kung saan talaga pumunta ang dalawang ito, patuloy lang ako sa pakikinig ng plano pero nakalutang ang pag-iisip ko dahil sa isang masamang panaginip kanina. Lots of zombies attacked us then Jez sacrificed his life just to save us.

I see how he transformed into a zombie na sobrang nagpawasak sa puso ko, I am falling for him every time and I want to spend my time with him more, natatakot lang talaga akong sabihin sa kaniya ang katotohanan kasi alam ko naman na hindi ako ang tipo niyang babae. Siguro?

"So prepare the things we needed, the urban place has lots of population and the contagious virus are spreading rapidly. We are expecting for a huge horde of zombies, they are waiting for us." hindi ko alam kung excited ba si Master Yoshi sa kaniyang tono ng boses pero this time, this is our last resort.

"Take this Khrys, mahirap na at baka makagat ka pa." Ibinigay ni Jez sa akin ang kaniyang purple jacket at pares ng guwantes na gawa sa balat.

My outfit for now is very cool, ang palda kong hindi aabot sa tuhod tapos ang kulay lila na dyaket at ang sobrang tatag ko na doll shoes na pinaparesan ng itim na medyas. I feel like an anime antagonist on a zombie movie and the only one that is missing for me is a deadly weapon.

Nakasando lang na itim si Jez habang pinapaikot ang masking tape sa nilalagay niyang makapal na magazine sa makisig niyang mga braso. The same varsity jogging pants and running shoes. An opposite of my coolness, he looks so hot in that kind of suit.

The food is ready in the backpack of Master Yoshi, A red and white martial artist dress we saw in every movies and paired with his serious looks, slightly scary and mysterious isn't it?

"We need weapon, iyan na lang ang kulang natin, right?" Napatigil silang dalawa at ngumisi sa akin.

Kinuha nila ang tatlong tabla ng kahoy na may isang metro ang haba. Makapal ito batay sa kaniyang hulma pero dapat ay dekalidad na armas ang gamitin o kaya ay nanakawin na lang namin ang baril ng mga sundalo sa camp site nila. Why should we risk our lives with these wooden planks.

Isang literal na lapis at papel papunta sa malaking gyera, hindi ako handa na magpakabayani sa bansang ito dahil sa panahon ngayon, konti na lang ang mga naaalala na nagbuwis ng kanilang buhay para sa bansa, ako pa kaya na hindi sigurado kung may patutunguhan?

"So shall we start?" Patuloy pa rin sa pagngisi ang dalawa na parang baliw, hindi ko na talaga alam kung ako lang ba ang natatakot. May itatanong pa sana ako nang may narinig akong nagsisigawan sa labas ng tent house namin.

"Damn, tara bilis! It feels something's bad happening right now!" Mabilis na akong hinila ni Jez at  sabay kaming lumabas.

May mga putukan na rin kaming naririnig, mga hiyawan at sigawan. Mga nagmamakaawang inosente na sumisigaw ng tulong at sundalong handang makipagbakbakan. Saan kami pupunta? Tutulong ba kami o ito na ang tamang oras para isagawa ang plano na pagtakas para makaligtas.

Napatayo kami sa labas, maraming pangkat ng zombies ang nakapasok sa loob na dumaan sa nasirang barikada. Mayroong mga sundalo na infected at iyong iba ay nakikipagpatayan sa kapwa nila sundalo. Mga inosenteng hindi alam kung saan pupunta habang hinahabol ng mga uhaw na pesteng zombies.

"Tumakbo na kayooo!" Pumunta sa amin ang isang sundalo at handa kaming protektahan sa mga banta

Tanaw ko ang grupo ng zombies na kumakaripas sa pagtakbo papunta sa kinalalagyan namin, wala na kaming magagawa kundi ay tumakbo rin at lumabas sa lugar na ito. Hindi pala rito ang ligtas na lugar na aming inaakala, hindi ito ang lugar kung saan kami mabubuhay ng mapayapa. Hindi ito matatapos habang may mga zombies pa na gumagala, hindi ito matatapos kung walang lunas na maisasagawa.

The Last Survival EscapeWhere stories live. Discover now