Chapter 27: Farewell Boat

Start from the beginning
                                    

Pagkatapos nila kaming tulungan ay pinatakbo kaagad nila ng mabilis ang sinasakyan na motor at naunang bumaba. Halos kasing bilis ng kidlat ang takbo ng motor dahil nawala sila kaagad na parang bula. We are thankful that those men help us in the very unexpected moment.

Ilang oras na pagpapahinga namin sa van at pagbabalik ng aming lakas. Kasama ko ngayon si Jez habang natutulog, binabantayan ko ang sugat niya sa kamay na unti-unting nawawala bawat segundo. Napapahanga talaga ako sa angkin niyang kakaiba. Jez is our one and only hope, this is the outcome of his dad's intelligence in the field of science.

"Iyan na ba ang Marina Port?" Turo ni Samantha.

Lahat kami ay napatitig sa daungan ng tatlong napakalaking ferry boat sa hindi kalayuan. Napapalibutan ito ng tanke militar, armored vehicles at mga sundalo.

"May mga survivors!" Tinitigan ko ito ng mabuti para siguraduhing tama nga ang sinabi ko at tama nga naman dahil halata ang kanilang mga kinikilos, tahimik silang lahat na pumapasok sa malaking ferry boat.

"Salamat naman at isinagawa talaga ng Heneral ang plano namin, to save others life." bumaling ang mga titig namin sa Presidente.

"Bago kami hulihin ng mga dayuhang iyon ay nakaligtas si Heneral kasama ang ibang mga sundalo na matatapat sa Presidente. Iyong ibang sundalo naman ay kumampi sa dayuhan dahil sa takot at sa pera." pagpapaliwanag ng isa sa apat na body guards ng presidente.

"And the Isla Payapa, the safest place in the Philippines where the PHSRA (Philippine Scientist and Researchers Association) is located. Doon din sila patungo right?" Delvon confidently asked them.

"Yes, tama ka. We have the same destination." sagot ng Presidente.

"But different goals." dagdag ni Jez na seryosong seryoso talaga at malalim pa rin ang iniisip.

Napa-alerto kami ulit pagkahinto namin sa tapat ng Marina Port. Naka-abang ang mga armas sa amin, we are unknown for them as of now, ngunit may kasama kaming alas at walang iba kundi ang presidente ng bansa.

Lumabas na kami sa van isa-isa, habang nakataas ang mga kamay. Huling lumabas ang Presidente, doon sila nagulat kaya mabilis na kumilos ang mga militar at tinulungan kami na makapasok sa Marina Port.

VIP kaming lahat dahil hindi na kami pumila habang papasok sa malaking ferry boat na kulay pula, may kulay asul at dilaw rin na magkasing laki sa kabilang banda at mas maluwag pa nga siguro. Itong ferry boat lamang na pinasukan namin ang halos napupuno na, baka siguro ito ang unang lalayag sa karagatan. Hindi ko talaga inaakala na ganito karami ang natitirang survivors.

Paano kaya sila nakaligtas? Nadaanan din kaya nila ang mga paghihirap na dinanas namin habang pinipilit ang sarili na iligtas ang kapwa tao at buong bansa?

"Presidente! Salamat at ligtas ka po!" Sigaw ng ibang mga survivors na nagagalak na makita ang pinakamakapangyarihang tao sa bansa ng Pilipinas.

Halos mga teenager na kasing edad namin ang makikitang nasa loob, may mga bata at matanda rin naman pero kaunti lang ang bilang. Makikita ang iba't ibang emosyon sa kanilang mga mata dahil sa natamong mga paghihirap at sugat habang nasa gitna ng epidemya. May nagkakasakit at nagugutom na rin dahil sa trahedya. Sana nga ay masolusyunan na at matapos ito para naman bumalik na sa dati ang pamumuhay naming lahat.

Habang lumalakad ay patuloy pa rin akong nakatingin sa kanila, nakakaawang pagmasdan ang mga paghihirap na ito. Halatang naulila ang iba sa kanila katulad ko na nawalan ng ina pero kaya nga ginagawa ko ang aking makakaya para sa ikapapayapa ng bawat lugar o bansa na ating tinatayuan, at sa pagbabalik buhay ng aking ina at sa mga nagbuwis ng kanilang mga buhay.

The Last Survival EscapeWhere stories live. Discover now