Chapter Five

78 3 4
                                    

A/N: Thank you for reading! Maikli lang'to pero sana magustuhan niyo :)

-Art

Maeve's P.O.V.

"Group yourselves into two, gusto kong makita kung anong mga kaya niyong gawin at para narin makilala niyo ang isa't isa." Nakangiting sabi niya sa aming lahat.

Argh! Pwede namang mag-isa nalang ako diba? Pero imposible dahil muhkang binilang na ni Ma'am kung ilan kami sa klase na 'to. Hays.

Tumayo ako at naghanap ng malalapitan. Balak ko sanang lapitan yung katabi ko na si... Aya? Base sa notebook na nakapatong sa desk niya.

"Sorry, may partner na kasi ako eh... Si Bryce nalang! Ayon oh! Muhkang mag-isa siya." Turo niya kay kabute.

Tsk! As if namang lalapitan ko 'yan 'no! Hmp.

"A-ah gano'n ba? Thank you nalang hehe" Binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti at bumalik sa upuan ko.

Inilibot ko ulit ang tingin ko at nagbakasaling makahanap ng partner. Pati si black-e- este Zane yata may partner na rin. So ibig sabihin...

Napalingon ako sa pwesto ni kabute at hindi ko inaasahang makasalubong ang mata niya. Nakatingin siya sa 'kin na parang sinasabi niya na 'Wag mo 'kong lapitan'. Napaiwas ako ng tingin.

"Ms. Ventura? Mr. De Dios? Kayo nalang ang walang partner." Napalingon ako kay Ma'am na nakataas ang kilay sa'kin at kay Bryce.

"A-ah... E-eh k-kasi Ma'am kaya ko naman pong mag-is-" Pinutol niya ang sasabihin ko.

"No excuses, you have no choice since kayo nalang ang natitira." Bumagsak ang balikat ko sa sinabi ni Ma'am.

Pa'no na 'to?! Baka mamaya bigla niya 'kong ilibing ng buhay?! Hays. 'Wag kang OA Eve... Kaya mo 'to... You just have to ask him to be your partner, kahit automatic na 'yon... Pero... 'Di ko talaga kaya huhuhu.

"I'll leave now, pagplanuhan niyo na yung mga gagawin niyo at ipapasa niyo sa 'kin next week." I took this opportunity para makalapit kay Bryce pero bago pa 'man ako magsalita ay sumagot na agad siya.

"NO." Sinuot niya ang earphones niya at natulog.

Muhkang mahihirapan ako dito.

TO BE CONTINUED...

First Day, First Love (On-going)Where stories live. Discover now