Chapter Three

112 3 0
                                    

A/N: What's up! Try checking out SB19, they're really talended!

-Art

Maeve's POV

"Hoy! Sandali!" Hinabol ko siya. Wala siyang karapatan na mag-walk out 'no!

Nang maabutan ko siya ay hinablot ko ang braso niya para 'di siya makaalis. Pagkatapos ko siyang tulungan, lalayasan niya 'ko?! Aba!

"Pssst! Bakit ka ba kasi nakipag-away?" Curious na tanong ko. Alam kong 'di dapat ako nagtatanong pero nac-curious talaga ako eh. At tsaka tinulungan ko naman siya eh!

"Tsk mind your own business, 'wag ka nang maki-alam." Sabi ni Kuyang kabute at tinabig ako.

Aray ko naman shuta! Child abuse siya ah! Sakit no'n eh.

Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami ng 2nd Floor para malaman kung nasa'n yung classroom niya pero nagulat ako ng bigla siyang huminto kaya naman tumama ako sa likod niya.

"Ano ba kasing kailangan mo?! Ba't ba sunod ka ng sunod?!" Iritadong tanong niya sa 'kin.

Sasabihin ko ba? Hmm... Uhm... Ano idadahilan ko?!

"Peke yung binigay mong 100 pesos, bayaran mo 'ko." Sabi ko at inilahad ang palad ko sa kanya.

"Napakaliit lang ng sugat mo, isang daan hinihingi mo?!" Naiinis na sagot niya sa 'kin.

Haler?! Ako kaya yung bumili ng ginamot ko sa sugat mo bwisit!

"Yung band-aid at bulak na ginamit ko sa'yo, 75 pesos plus service fee dahil ako ang naglagay" Tinaasan ko siya ng kilay. Ang hirap niya kayang gamutin dahil napaka-arte niya tapos 'di man lang mag-thank you?!

"Tsk, oh yan" Kumuha siya ng pera sa wallet niya at inilagay sa kamay ko. Ba't parang siya pa galit?! Hmp!

Tinignan ko naman yung pera at siniguradong hindi peke ng ma-realize ko na 50 pesos lang 'to.

"Ba't fifty lang?" Taas-kilay na tanong ko sa kanya. Aba't 'di niya ba narinig kanina na 100 pesos yung hinihingi ko!?

"Utang muna, wala akong pera" At nauna na siyang umalis pababa ng 1st Floor.

"Argh! Grr! Siguraduhin mong babayaran mo 'ko ah! Lagot ka sa'kin" Sigaw ko kahit alam kong 'di niya na 'ko maririnig.

Ang sungit, akala mo naman kung sinong gwapo. I mean, gwapo siya- Hindi! Kabuteng pangit siya!

TO BE CONTINUED...

First Day, First Love (On-going)Where stories live. Discover now