Chapter Four

97 3 4
                                    

A/N: Pasensya na at natagalan ako bago mag-post ng update, may pinapanood kasi akong anime tapos nakalimutan kong magsulat hahaha.

-Art


Maeve's P.O.V.

HABANG kumakain ng almusal, napatingin ako sa phone ko. Nanlaki ang mata ko nang makita kong 8:00 AM na.

Male-late na naman ako! Mahirap pa namang maghanap ng masasakyan!

Kinuha ko yung bag ko at nagmadaling lumabas ng bahay at hindi inabalang pansin yung tiyahin ko na halos magwala na kakatawag sa 'kin mula sa loob.

As usual, sinubukan kong maghanap ng tricycle dito sa pinakamalapit na kanto pero wala namang dumadaan. At wala akong balak bumalik sa kabilang kanto! Baka makasalubong ko na naman yung kabuteng 'yon, madidisgrasya pa 'ko dahil sa kanya. Sinubukan kong mag-antay pa ng ilang minute pero wala talagang dumadaan.

Dahan-dahan akong naglakad dahil baka mabangga na naman ako at matuluyan na talagang makakakita ng liwanag. Kahit ayaw kong bumalik sa kabilang kanto ay no choice ako, walang masakyan dito.

Tumayo ako sa gilid para mag-antay ng mga dadaan na tricycle at sinigurado ko na sa gilid ako nakapwesto para wala nang makabangga sa'kin.

"Psst! Ate!" May naririnig akong parang tumatawag sa'kin pero hindi ko pinansin dahil baka guni-guni ko lang 'yon.

"Ay snob naman nito, huy!" Sino ba 'yon?! Argh! Napalingod ako sa likod ko at napatili nang nakita kong may matangkad na lalaking kanina pa bumubulong sa likod ko.

"Hala sorry po! Uhm... A-Ako nga pala si Sylvester Ajero! Syl nalang..." A-ang gwapo niya! Omg! Crush ko na yata siya.

Bumalik ako sa sarili ko nang magsalita siya ulit.

"Ano po kasi eh... Nakita ko kasing naga-antay ka dito sa gilid kaya naisipan kong isabay nalang kita since parehas din naman tayo ng uniform hehe." Napatingin ako sa uniform namin at nakumpirma kong parehas kami ng school.

"A-ah T-thank you talaga! Okay lang ba talaga?..." Nauutal na tanong ko sa kanya.

'Wag kang tumitig please, baka ma-inlove ako hihihi.

Ngumiti siya at tumango at sinabihan niya 'ko na sumakay sa motor.

"W-wait!... Y-yung helmet... Ikaw nalang yung magsuot." Namumula akong tumango at isunuot ang helmet.

Nang makasakay ako ay lumingon ulit siya sa 'kin at hinawakan ang dalawang kamay ko para iyakan sa baywang niya.

Feeling ko sasabog na 'ko sa kilig! Randam ko rin yung abs- este yung ID lace. Oo! Yung ID lace, hindi yung abs! Nagkakasala na yata ako huhuhu.

Nakarating kami sa school 15 minutes bago mag-start yung klase kaya naman nabawasan yung kaba ko. Pero pagdating ko sa classroom halos lahat yata ng babae ang sama nang tingin sa 'kin. Isama niyo na yung isang binabae.

"Siya ba yung kasama ni Syl kanina? Tsk, 'di naman maganda eh."

"Iyan din yung pabida kahapon diba? As if naman magugustuhan siya ni Bryce at Syl."

"Masasabunutan ko na talaga 'yan 'pag lumapit rin siya kila Joshua, Kenji, at Sean! Grr!"

Narinig ko kong bulong nila, na mukha namang pinaparinig talaga nila sa 'kin.

Hindi ko nalang pinansin at dumungaw nalang sa bintana.

Ano bang meron at parang big deal na kasama ko si Syl? At ako pa daw yung pabida kahapon?! Kung hindi nga ata ako dumating eh baka magpatayan na talaga yung kabuteng 'yon pati yung may black-eye eh!

Nanahimik na sila nang makita namin na pumasok na yung teacher namin, na may kasamang dalawang lalaki.

Si kuyang kabute at kuyang black-eye! Ba't sila nandito?!

"Good Morning Class C, as you can see may kasama akong two students from Class A. They'll be joining you from now on, introduce yourselves please." Sabi ni Ma'am. At muhkang alam ko na kung bakit sila nalipat dito.

Habang tumitingin-tingin ako sa paligid ay aksidente kong nakasalubong ang matalim na tingin sa'kin ni Kuyang Kabute, or base sa narinig ko, Bryce.

"Zane Vaquez." Pagpapakilala ni Kuyang black-eye at binigyan ako ng nakakakilabot na tingin.

"Bryce Justin De Dios." Sabi naman ni Kuyang Kabute at dumiretso sa bakanteng upuan sa likod ko.

Bago niya 'ko malagpasan ay binigyan niya 'ko ng isang masamang tingin.

Ano bang ginawa ko sainyo ha?!

TO BE CONTINUED...

First Day, First Love (On-going)Where stories live. Discover now