"Ayaw mo bang mag-taxi na lang?" Sabi ko dito, umaasang baka pwede pang magbago ang isip niya.

" Bakit pa ako magta-taxi kung mukhang anghel ang driver na katabi ko ngayon?" Anghel? So ano 'to? Kahapon lang nag-away sila nung ex niya at gusto siyang balikan, tapos ngayon kung ano-ano naman ang sinasabi niya saken ngayon? Anong trip niya?

"Staka sinabi ko na sayo kahapon na mas gusto ko sa kotse mo kaya tigilan mo na ang pang-aalok ng pera mo saken kase hindi mo talaga ako mapipilit." halata naman eh.

Pagdating namin sa school,bumaba na agad ako ng kotse. Akala ko ay mauuna nang umakyat sa room si Van pero nakatayo lang siya sa harap ng kotse ko,  magka-krus ang mga braso at nakatingin saken.

"Bakit?" Takang tanong ko dito matapos kong i-check kung naka-lock na ba lahat ng pinto sa kotse, naging habit ko na iyon kahit na alam kong naka-lock naman na talaga sila. Ewan ko ba.

"Sabay na tayo pumunta sa room." nakangiti nitong alok.

" Good mood ka ata? Anong nakain mo?" Walang emosyon kong tanong dito sabay sukbit nung bag.

"Bacon, egg at kanin? Ikaw ba nag-breakfast ka na?" tsk, mapang-asar din siya.

Hindi ko na lang pinansin ang sagot niya at mas binilisan pang maglakad.

"HOY! VAN!" sabay kaming napalingon ni Van sa pinanggalingan nung boses na tumawag sa kaniya.

" Anong ginawa mo kay Avery ha?!" galit na galit na tanong nung lalaki kay Van sabay sapak dito nang makalapit ito samen. Wala sa oras kong nasapo ang bibig sa gulat.

Kasunod niyang dumating yung iba niya pang kasamang lalaki.
Agad akong lumapit kay Van saka ito tinulungang tumayo.

"Ayos ka lang?" Bakit tinatanong ko pa eh halata namang hindi siya okay?

"Damn it," asik nito nang makitang may dugo sa daliri niyang ihinawak nito sa labi.

" Anong ginawa mo kay Avery ha?! Alam mo bang kahapon pa siya umiiyak ng dahil sayo ha?!"
Avery? Kung hindi ako nagkakamali pangalan yun ng ex ni Van. At sino naman 'tong lalaking 'to? Mataba at maputi ito at talagang nanlilisik ang mga mata.

"Mauna ka na lang umakyat, baka ma-late ka kapag inantay mo pa ako." Pabulong na sabi saken ni Van.

Wala kami sa movie para sabihin kong hindi ako aalis.

"Sige, ikaw bahala." Paalam ko dito. Ayokong madamay sa kung ano mang gulo ang dala nung matabang lalake, may klase pa akong pupuntahan.
Aalis na sana ako pero bigla naman akong hinawakan sa may kamay ni Van.

"San ka pa pupunta? Umakyat ka na sa room natin. " madiing pagkakasabi nito. Ito na naman yung Van na badboy ang aura. Wala na yung sparks sa mata niyang nakita ko kanina. Matalim at seryoso na ang mga yun ngayon.

" Oo nga aakyat na ako, pero magsi-cr muna ako. Wala akong balak sumali sa gulo mo no."
Akala ba niya sasamahan ko siya habang pinapalibutan kami ng mga lalakeng mukhang tito na? Tsk. Asa siya.
Tumalikod ako at akma nang aalis nang muli na namang sumigaw yung lalakeng mataba.

" Hoy! At saan ka pupunta?! Pigilan niyo!" Kaagad na humarang sa harap ko yung iba pang nga lalake. Asar!
Pinapalibutan na kami ngayon ng puro lalake, dahilan para wala na talaga akong madaanan pa. Wala pa din masyadong estudyanteng pumapasok, dahil siguro masyado kaming maagang dumating ni Van.
Inis kong tinignan isa-isa yung mga lalakeng nakapalibot samen. Mga nasa sampu sila, kasama yung mataba.

Bigla tuloy akong napaisip kung nag-aaral ba ng mabuti ang mga 'to. Mukha silang nga gangster, uso pa pala yun sa mga school?

"Pinaiyak mo si Avi. Diba dapat paiyakin ko din yang chicks mo? " heto na naman sila sa 'chicks'. Mukha ba akong sisiw? alam kong maliit ako pero hindi sapat yun para ihambing nila ako sa maliit na manok?

" Ano ka ba ni Avi ? Boyfriend ka ba niya?" ani Van sa lalaki. Kalmado lang ito kahit na nasuntok siya.

"Matagal na akong may gusto sa kaniya. At kahapon, pumunta siya saken at umiyak!...Alam mo ba ang pakiramdam na makitang umiyak ang babaeng gusto mo ha?!" tsk. Tumakbo sa kaniya yung Avery? Di nga?
Malabong magustuhan siya nung Avery. Kase kung ako ang tatanungin, masyado siyang maganda para sa lalaking...

"Mukhang mochi." natatawang bulong ko sa sarili.
Teka...masabi ko ba ng malakas yun? Kunot-noo naman akong nilingon ni Van.

Narinig niya. Sabi ko sa sarili ko.

"May sinabi ka?" Kaagad akong umiling bilang sagot.

" Hoy! Anong ibinubulong-bulong niyo diyan?!" Bakit ba sigaw siya ng sigaw? Nakakarindi na sa tenga. Hindi pa napuputol ang mga ugat niya sa leeg kakasigaw niya?

"Tsk, wala nga sa kalingkingan ni Avi ang babaeng yan eh...Ang liit na nga at wala pang kadibdib-dibdib." natatawa pa kunyaring komento nung lalake.  Nagtawana naman yung iba pang mga lalakeng nakapaligid samen.

Wow...ako? Walang dibdib? Ha!

"Hoy!" Inis kong tawag dun sa mataba.

"At least hindi ako gaya mo. Ni hindi ko nga malaman kung anong mas malaki sayo, ulo mo ba o yang tiyan mo." Ganti ko dito. Akala niya ata hahayaan ko lang siyang laitin ako. Nananahimik ako dito eh.

"Quine," awat si Van saken, hinawakan ako nito sa braso ko habang hinihila palapit sa kaniya.

" Bitiwan mo  ako!" nagulat siya sa sigaw kong yun sabay bitaw saken.

Tsk. Hindi ko din alam kung bakit hindi man lang siya gumanti ng suntok eh! Puro sila usap.

Muli kong hinarap yung matabang lalake, "Kanina ka pa dada ng dada diyan. Sinasayang mo ang oras ko. Kung mag-aaway kayo mag-away na kayo!" Hindi niya inaasahang magsasalita ako, kitang-kita ko yun sa namimilog niyang mga mata. Tsk, akala mo kung sinong matapang.

"A-ano...h-hindi naman yun yung g-gusto kong sabihin eh...k-kase—"

"Anong kase? Masyado kang mapanlait... Kaya siguro napuno ng kabag yang tiyan mo at lumaki ng ganiyan ano?" Grabe ang bata palang niya pero tinalo niya pa yung guard sa laki ng tiyan?

" Knight, mga guard andiyan na!" sabay-sabay kaming napalingon sa likuran nung matabang lalake. May dalawang guard na papalapit sa direkyon namin.

Hinila ulit ako ni Van papalapit sa kaniya, this time nagpadala na ako.

"Anong ginagawa niyo? Bawal ang tumambay dito sa parking lot. Umakyat na kayo sa mga classroom niyo!" Sigaw samen nung isang guard na matanda na din at mukhang masungit.

" Hoy Van. Magkikita ulit tayo. At ikaw!", turo nito saken.
"Pag-nagkita ulit tayo, lagot ka saken.

"Tsk, natakot naman ako. ", asar ko pa dun sa Knight. Tinapunan lang ako nito ng masamang tingin. As if naman natatakot ako sa mga ganong banta? Matatakot lang ako kapag kasama na nila si kamatayan sa gilid nila.

" Ano ba yung ginawa mo? Pano kung sinapak ka nung lalaking yun? Nakita mo ba ang laki ng katawan niya? Para ka lang kawayan kapag pinagtabi kayo." paakyat na kami ngayon papunta sa room namin.

"Ikaw nga hindi gumanti eh. Bakit hinayaan mo lang na suntukin ka niya?" ganti ko naman dito.

Sa mga movies nga kapag nasuntok ang bida pagkatayo niya gumaganti agad siya. Tapos si Van? Bakit naman hindi man lang siya gumanti? Takot ba siya sa laki ng lalaking yun?

" At isa pa, kaya ko ang sarili ko. Okay? Hindi ka naman knight in shining armor para ipagtanggol ako." sabi ko pa dito saka nauna nang umakyat sa kaniya.

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now