Prologue
Pagpasok sa apartment na tinutuluyan ay agad kong binuksan ang ilaw saka nagtuloy sa kwarto ko. Sunod kong inalis ang sling bag mula sa katawan ko saka 'to basta itinapon na lamang sa kama. Dumiretso na ako sa working table ko at agad binuksan ang desktop.
Sunod kong kinuha mula sa bulsa ng pantalon ko ang kapiraso ng papel na itinago ko kanina, saka ako tuluyan nang naupo sa harap ng computer ko. Muli kong binasa ang URL na nakasulat sa papel saka ito tinype sa address bar nitong browser. Bumungad sa akin ang welcome page ng isang website kung saan ay puno ng mga kilalang tao. They are group of boys and girls, ngunit sa totoo lang kahit isa sa kanila ay wala akong kilala. Marahil yung iba ay pamilyar, dahil kahit paano ay nakita ko naman na sila sa isang campaign or sa mga promotional videos na nagkalat sa internet and even sa ilang bahagi ng lugar kung saan mayroon sila minsang mga banners.
Hindi na ako nag-isip pa at pinindot na ang salitang continue. May ilang mga rules and reminders na mabilisan ko namang binasa hanggang sa mapunta na ako sa page kung saan ay gagawa na ako ng sariling profile. I filled-up the necessary areas regarding my personal information. Ngunit nahinto ako sa sumunod na tanong, who's your favorite group?
Nagbuntong-hininga ako at pilit inalala ang iba't-ibang pangalan ng grupo na madalas nilang pag-usapan sa office. Napalakas pa ang boses ko nang may maalalang pangalan, saka may pagmamadaling itinipa na 'yon sa answer box. Kasabay nang pagkakaalala ko sa pangalan ng grupo, ay mabuti na lang rin at naalala ko yung nakita kong ads kanina kung saan nakalagay ang pangalan ng mga miyembro nito, kaya naman hindi na rin naging mahirap sa akin sagutin ang sumunod na tanong na, who's your favorite member?
Natawa ako ng makitang tinanggap ang naging sagot ko.
Walang hiya. Ano ba 'tong pinaggagagawa ko?
May mga sumunod pang tanong ngunit hindi naman na naging mahirap sa akin na sagutin 'yon. May mga pagkakataon na nagtatanong na rin ako kay pareng google, mabuti na lang at nandun naman lahat ng sagot. Yung iba naman ay halos nilaro ko na lang din ang sagot ko, hindi ko tuloy maiwasan matawa habang sinasagutan ang mga katanungan sa website na 'to. Daig ko pa nag-aapply para sa isang trabaho dahil sa dami ng interview question para lang makapasok sa community nila.
Nakakatawa at nakakaamaze lang din, inaalam talaga nila ang mga bagay na 'to?
Congratulations! You are now officially part of our community!
Nang sa wakas ay mabasa ko ang mga katagang 'yon ay hindi ko napigilan mapangisi hanggang sa tuluyan na naman akong humagalpak sa tawa.
Tangina. Sa totoo lang hindi ko na rin alam kung anong pumasok sa utak ko at ginawa ko 'to. Tama siguro yung sinabi ng kaibigan ko sa akin, pinasok na ng hangin ang utak ko.
Naiiling na sumandal ako sa upuan ko. Marahas kong ginulo ang buhok habang nakatitig pa rin sa website.
"Waah.." I snorted. Namamangha pa rin ako, pero heto na, kasali na ako. "Have I gone really mad?" nakangising komento ko pa.
Maybe I really am gone mad. For me to be doing this stunts. Bahala na!
Muli kong tinignan ang kapiraso ng papel na sinulatan ko. This time, binasa ko ang isinulat kong username na nasa ibaba.
Nag-umpisa na akong magtipa sa search bar ng website.
Nang makita ko ang pamilyar na icon ay napangiti ako bago ito pinindot. Saglit akong nagscroll pababa sa account niya at nang makita ang litrato kung saan ay naroon siya ay natawa na lamang ako. Nahanap ko nga ang account niya!
******
This is a work of fiction. Names, characters, locals, businesses, places, events and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental.
©2020
AN:
Again this is a story out of my imagination. This will surely have clichés and errors, cause I know I'm still learning. With that note, your comments and votes will be highly appreciated. However, I hope those are really how you feel. As I've said, I'm still learning and it would be helpful if I can received an honest feedback. Thank you and enjoy reading! ❤
YOU ARE READING
UNFAIR
ChickLit[COMPLETED | UNEDITED] EXO playlist#1: Unfair "The sun will rise again, after you endure through hardships. Don't let anything bring you down. Just make sure you do your best, so you don't regret anything." - EXO's CHEN | CHICKLIT | ROMANCE |
