"You look gorgeous Young Lady" casual na sabi ni Dana

"Thank You but drop the formality"

"Pero-"

"Wala tayo sa mansion at misyon ito na parang isang kaibigan kita hindi reaper." saad ko kay Dana

"Masusunod po You--err---Heaven" natawa naman ako "This is weird" dinig kong reklamo nya.

Pinagwalang bahala ko iyon at tinanong si Skie kung okay naman sya. "Are you done?"

"Yeah, bagay ko ba?" he asked, tinitigan ko naman sya. I was stunned because he looked so cool and hot pero pinigilan ko ang sarili ko ipahalata. He was smirking like hell and he was liking my expression.

"Pretty good. We need to keep moving. H'wag nyong papatayin ang earpiece nyo, maliwanag ba?" bilin ko

"Clear" sagot nila, tinanong ko naman sila Rain "Crystal Clear, Heaven" they said.

Umakyat ulit kami ni Skie papasok sa building at nag-act normal. This night I am Yui Chiba, a 19 year old girl who was assigned inside but just check the outside vacinity. Skie, on the other hand was Dwayne Ferrer, Yui Chiba's boyfriend who guarded her. Lagi silang magkasama at never naghiwalay. They were actually pda, kaya kailangan namin ni Skie magpanggap. Err.

Nang makapasok kami sa building I clung to Skie, nagulat pa sya but he smirked when he knew why did I do that shameful act. Nang may mga nakakita sa amin, they looked at us with disgust. The only lucky thing here was that, no one remember each others faces. Kaya kahit na hindi na namin palitan ang mukha namin. But the unlucky part was, baka pagnahuli kami, they will hunt us and it'll be easy because of we are using our bare faces.

Pag may napapansin akong mga babaeng tumititig kunwari kay Skie, mas nilalapit ko ang sarili ko sa kanya and glared at them. Iniirapan lang din ako nang mga babaeng iyon.

When we reached the inside vicinity, agad kong inilibot ang mata ko. When someone approach us, agad ko syang tinanong sa para bang bitchesa.

"Hey" I called bitchily, tinaasan naman ako nang babaeng nang kilay.

"Bakit?" she askes giving the same tone. Kunwari naman akong nainis.

"Nasan ang kwarto namin?" tanong ko. Mas tumaas ang kilay nya

"Bakit? Nalimutan mo na ba dahil sa kalalandi nyo ng boypren mo?" sabay tingin nang malagkit kay Skie, hindi ko naman iyon nagustuhan.

"Alisin mo nga yang malagkit at malanding paningin mo sa Dwayne ko!" naiirita kong sabi

"Bakit? Mag-boyfriend lang naman kayo ah! Hindi mo sya lubusang pagmamayari!" sabi nya, tinaasan ko sya nang kilay

"Excuse me. Lihim na kami nagpakasal sa West. Gusto mo nang pruweba? Eto oh, wedding ring namin" mabuti at naisipan kong suotin itong singsing ko na aksidenteng nakapareha kay Skie.

Nanlaki ang mata nya "Oo nga, bakit ko ba yon ginawa?" rinig kong tanong nya sa sarili nya. Agad syang tumingin sa akin.

"Saan ang kwarto namin at maghohoney moon na kami" saad ko. Medyo napangiwi ako sa sinabi ko, pero kailangan kong panindigan ang bawat salitang binibigkas ko. Napangiwi naman ang babae.

"Sa left wing, seventh room" halos napairap na ako dahil sa room number. Klasrom ko 7th room, Dorm Room ko 7th room, floor number ko 7th floor, seat number ko 7th seat, locker number ko 7th row at 7th locker. Ano bang nangyayari at halos 7 na ang number na meron sa akin?

"Sige, makakaalis ka na" sabi ko

Hinatak ko na si Skie papunta sa kwarto ng magjowa. Pagkatapos kong isara ang door at ilock para maiwasan ang intruder, nabigla ako sa ginawa ni Skie. He locked me on his arms at nakasandal ako sa pinto. Halos gusto ko ng maputulan ng hininga dahil sa tension. His eyes were piercing through my soul and his lips were smirking devilish.

"What a great act huh? From boyfriend-girlfriend relationship to wedding ring now honey moon? How about we try the last idea huh?" he said, I grimanced by his words.

"Stop will you? Now let's talk" saad ko, naghanap kami nang pwedeng magamit na gadget, ng may makita akong laptop. Agad akong kumonekta kay Rain.

"Rain" I called softly

"Nice act Heaven" Rain said. Nakaani naman ako nang sari-saring reaksyon sa kabilang linya, mas lumawak naman ang ngisi ni Skie

"Stop, now listen to my order" natahimik naman ang lahat.

"Hack the laptop I'm using. Nakaopen na ang system nito"

"Roger"

Pero habang ginagawa nila ang inuutos ko, yung ibang walang magawa sa buhay kinukulit ako. May humirit pa nga eh.

"Heaven, baka mamaya eh bago kayo lumabas dyan ni Skie, may nangyari na." bwisit na Dwayne.

Humagikgik naman si Skie.

"Don't worry bro, pwedeng-pwede." panggagatong ni Skie,

Naghiyawan naman ang mga nasa kabilang linya. Talaga ginugusto nila akong inisin.

Mga punyeta kayo.... Kung di ko lang kayo kaibigan, isa isa ko na kayong pinatay.

"Aba! Ako ang Ninang, at pusta ko lalaki ang panganay!"

Tangina, stoopppp....

"Aba! Sinuswerte ka ata Rizelle? Ako ang Ninang." pangungulit naman ni Penelope

"Tigilan nyo nga si Heaven" suway ni Dana.

Buti pa si Dana, umaawat. Itong Skie na ito, nagugustuhan nya ang asaran.

"Bakit?" tanong naman ni Skie, masama kasi ang tingin ko sa kanya.

Magsasalita na sana ako kaso sumabat si Dana sa may earpiece.

"Tigilan nyo si Heaven, baka kasi hindi matuloy. Wala kayong mapapala sa pagaaway kung sino ang Ninang."

Ay punyeta, Dana.... Nawa'y protektahan ka ng Panginoon sa aking kamay.

"Tigilan nyo na." saad ko ng may seryosong tinig.

Namumula na kasi ako eh. Baka mamaya may mapatay ako.

"Oo, tigilan nyo na. Sasabog na sa kapulaan ang mukha ni Heaven. Mamaya ay di nya na matansya ang kilig nya."

Ay punyeta talaga....

---

Revised: April 01 2021

Montreal High SchoolDonde viven las historias. Descúbrelo ahora