MHS: Ten

202 8 0
                                    

Heaven's POV

Nasa mansyon na kami at nagulat pa ang mga gwardya sa pagdating namin. Ng maiparada ang motor at ang kotse bumababa kami agad at tinungo ang loob ng mansyon. Nadatnan namin ang mga maids na naglilinis nang sala. Meron bang bisitang dumating?

"Manang Yela!" tawag ni Skie sa isang maid. Agad na pumunta sa direksyon namin ang Manang Yela na tinawag ni Skie.

"Ano pong maipaglilingkod ko Young Master Skie?" halata ang takot sa aura nang maid at bahagya pa itong nakayuko

"Ang Dad at ang kanyang panauhin?"

"Ang panauhin po ay kakaalis lamang, ang inyong amang si Sir John ay nasa kanyang kwarto" saad ni Manang Yela, ngunit, tila mali ang aking kutob sa panauhing kaaalis lamang

"Sino ang panauhin?" tanong ko "Maaari bang si Sir Peter ito?"

"Hindi po Young Lady, isa po syang lalaking may malaking hubog ang katawan at nakaitim. Hindi ko alam ang ngalan ngunit lubhang seryoso ang pinausapan nila ni Sir John." tumango ako

"May isang oras na ba bago sya umalis?"

"Wala pa po, pagkadating nyo sa loob ay syang pagalis nya" tumango uli ako.

"Rizelle, halika't sumama ka sa akin, Charles at Skie, kayo ng bahala sa tatlong iyan, at ipresenta nyo kay Sir John. Pinagsabihan ko na rin ang tatlong yan. Skie, pahiram muna nang motor mo, si Rizelle na ang gagamit sa motor ko."

Ngumisi si Skie "Paanong pag uusap ang ginawa nyo?"

Ako naman ang sumunod na ngumisi "Mabuti't huwag ng alamin. Sabihin nyo lang sa akin kung ayaw nag salita. Ako ang kakausap sa kanila."

Tinignan ko naman yung tatlong kinausap ko. "Magsasalita kayo at sasagutin ang mga tanong nila kung hindi..." binunot ko ang dagger ko at hinimas himas ang patalim, tsaka ko sila binalingan "... Ito ang kakausap sa inyo." bahagya akong lumapit sa kanila "... Maliwanag?" isa isa ko silang tinignan sa mata kasama ng blanko ngunit nakakatakot ko ekspresyon. Isa isa naman silang tumango ngunit mababakasan ang kaba sa sistema nila.

Tumayo ako "Mabuti kung ganon." bumaling naman ako kay Skie, "Ang iyong motor" saad ko

"Ito ang susi, siguraduhin mo na walang gasgas yon ah? Ako ang kakausap sayo kung may baon yung gasgas."

Ngumisi ako "Kung makakausap mo ako." at nagtagisan kami ng tingin, una syang bumawi kaya naman napangisi ako, bumaling nalang ako kay Rizelle at tinanguan bago sinindak ng tingin ang mga nahuli namin bago umalis.

Mabuti't pumayag si Skie at alam nyang urgent ang paghabol namin sa lalaking iyon.

Pero di ko mapapangakong uuwi to ng walang gasgas. Sayang at maganda pa naman ang modelo. Pwede kayang ibarter ko nalang to sa motor ko?

Pero mahal ko ang motor ko, kaya kahit inaakit ako ng motor nya, hindi ko ipagpalalit ang akin.

Isa pa, pinagipunan ko ang motor ko.

Ihinagis ko kay Rizelle ang susi ko at sinalo ang kay Skie. Lumingon ako kay Rizelle at tumango. Sabay kaming sumampa sa motor at sinuot ang mask bago ang helmet. Pinaharurot agad namin ang motor at sumalakay sa dilim. Inilagay ko ang earpiece ko at kumonekta kay Skie. Mabuti at nasagot nya agad.

Montreal High SchoolWhere stories live. Discover now