☢️CHAPTER 4☢️

Start from the beginning
                                    

"Twilight!" excited na bati sa akin ni Mama pagkakita niya sa akin at sinalubong ako ng mainit na yakap.

Napanganga ako. "M-ma?" Lumingon ako at nakita ko rin si Daddy na nakaupo sa sofa at ngumiti sa akin. "Dad? Bakit kayo andito? Paanong. . . ? Wala ba kayong duty ngayon?"

May duplicate keys sila sa apartment ko pero ang ikinagugulat ko ay kung bakit andito silang dalawa. They're both doctors kaya alam kong busy sila pareho. Once in a blue moon  lang kami magkita dahil sa conflicting schedules namin at medyo malayo ang hospital na pinagtratrabahuan nila.

"Twilight, anak, nagkataon na off namin ng Dad mo today. Bukas pa duty namin."

"Magbihis kana anak," sabi naman ni Daddy. "nag-aantay ang boyfriend mo sa labas."

"Po?" Napakunot ako ng noo.

"Twlight, anak, hindi mo naman sinabi na meron ka ng bagong boyfriend." natatawang sabi ni Mama sabay pisil sa kanang pisngi ko.

Bagong boyfriend?

"Ma, ano bang pinags-"

"Hi, love!"

Bigla akong napatingin sa taong pumasok at literal na napanga-nga ako at humigpit ang hawak ko sa bathrobe.

"I-ikaw? Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko kay Krypton. Naka-casual wear lang siya pero aminado akong umuusbong pa rin ang kagwapuhan niya. He could almost surpass my standards of an oppa. Malawak ang ngiti niyang lumapit sa akin at inakbayan ako.

"Magbihis ka na, love. Diba may dinner pa tayo?" nakangising sabi niya sa akin.

"Aww, ang sweet naman ng tawagan niyo ng boyfriend mo Twilight." narinig kong sabi ni Mama.

"Ma, hindi ko siya boyfriend!" Ano bang nangyayari? Since when did Krypton become my boyfriend?

"Bitiwan mo nga ako!" pumiglas ako sa pagkaakbay niya pero mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa braso ko.

"Pasensya na ho kayo," paumanhin ni Krypton kina Mama at Daddy. "We had a fight yesterday kaya nagtatampo siya ngayon."

Ngumiti si Mama at tumingin sa akin. "Twilight, anak. Magbihis ka na. Sige na, gutom na kami ng Dad mo dahil sa biyahe."

"Get changed, love. We'll be going out for dinner." Inalis na ni Krypton ang hawak niya sa braso ko at ngumiti sa akin.

"Ma, hindi ko boyfriend si Krypton!"

Umiling si Daddy. "Parehas kayo ng Mama mo Twilight. Grabe kung magtampo, itatanggi ako bilang asawa niya."

Walang magawa si Mama at sumimangot na lang kasi alam naming totoo yun. But that's not the case with me right now. Talagang hindi ko boyfriend si Krypton.

"Dad, hindi ko talaga-"

"Magbihis ka na at nang makaalis na tayo, anak."

Tiningnan ko ng masama si Krypton pero kinindatan lang niya ako.

Aissh. Gusto ko siyang sapakin ngayon. How the hell did he convince my parents na boyfriend ko siya? At naniwala naman agad sina Mama. Aissh. Jinjja?

With a sigh, tumalikod ako at nagtungo sa room ko para magpalit.

Paglabas ko ng room, gulat silang lahat sa suot ko. Napatakip ng bibig si Mama pagkakita niya sa akin.

"Anak, bakit ka nakapantulog?"

Ngumisi ako. Sinuot ko lang naman ang pajamas ko. "Hindi ako sasama sa dinner. Kayong tatlo na lang po kumain. Pa-take-out na lang ako ha?"

Tumingin ako kay Krypton pero walang reaksyon ang mukha niya. I expected him to be distressed kasi yun ang plano ko pero parang wala lang sa kanya. Nakatayo lang siya at pinagmamasdan ako.

Bumaling ako kay Daddy pero umiiling lang siya. Lumapit si Mama sa akin at tinulak ako pabalik ng kwarto.

"Magpalit ka, bilisan mo. Gutom na kami."

"Ayoko Ma, kayo na lang po. Busog pa ako."

"Magpapalit ka o si Krypton magbibihis sayo?"

Eh? Alam kong medyo liberal sina Mama at Daddy sa mga ganoong bagay pero shems, iba din mag-isip si Mama.

Naramdaman kong pumula ang pisngi ko kaya dali-dali akong tumalikod at pumasok ulit sa room ko.

Aissh. Mukhang kailangan kong harapin itong dinner na ito.

Humanda kang Ferrante ka! I'll deal with you later.

Nagbihis ulit ako at lumabas.

"Bakit hindi ka nagdress?" tanong agad ni Mama pagkalabas ko.

"Ayoko nga." Pinili kong mag-jeans at white oversized sweatshirt.

"Okay na yan. Tara na." atat na sabi ni Daddy at tumayo na. Nauna na silang lumabas ni Mama at naiwan kami ni Krypton.

I glared at Krypton pero nakangiti lang siya sa akin. "Let's go, love. Your parents are waiting."

"Krypton, ano 'to? Ano bang sinabi mo sa parents ko? At kailan pa kita naging boyfriend? "

"Love, mamaya na tayo mag-usap, okay? For now, let's eat dinner with your parents."

"Stop calling me 'love'." inis kong sabi at lumabas na. Sumunod si Krypton at nang nakalabas na kami, ni-lock ko na ang pinto.

Napansin kong iisang sasakyan lang ang naka-park kung saan andun na sa loob sina Mama at Daddy sa backseat.

"Hindi niyo ginamit sasakyan niyo?" tanong ko sa kanila.

"Sinundo kami ni Krypton." sagot ni Mama. "Sige na, umupo ka na diyan sa harap."

"Gamitin na lang natin yung sasakyan ko."

"Huwag na, okay na tayo dito. Kasya naman tayo."

"Get in, love." biglang sabi ni Krypton na nasa tabi ko na pala. Binuksan niya ang pintuan at ngumiti sa akin. Sabi ko tigilan niya pagtawag niya ng love sa akin eh.

Wala na akong magawa kundi pumasok sa sasakyan. Pumasok na rin si Krypton sa driver's seat at pinaandar ang ignition.

"Saan pala tayo kakain?" tanong ni Mama.

"Sa Andrea's po." sagot ni Krypton at napaawang ang bibig ko.

Seriously, sa Andrea's? That place is famous for its savory but expensive dishes. Nakakaluwa ang mga presyo nila. Once lang ako nakapunta doon kasama si Alee at never na kami bumalik. Masarap naman pero masakit sa bulsa.

"Oh, okay. Malayo ba yun?" tanong ni Mama.

"Hindi po, malapit lang po." sagot naman ni Krypton. Napatitig ako sa kanya at pinagmasdan siya.

What the hell is he planning? Why is he doing this? Hindi ko akalain na iimbitahan niya mga magulang ko. Kung wala lang sina Mama at Daddy ngayon, hinding-hindi ako sisipot sa dinner na 'to.

Aissh. Brace yourself, Twilight. This is gonna be one long night.

---

Sorry natagalan ako sa pag-update😅😂. Mejo nangangapa pa kasi ako sa ibang Tagalog words and phrases 😅😁✌️

Anyway, vote and comment down always and thank you for the support❤️
Lovelots💕

Stay safe and God bless!💞

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now