What Nix Didn't Know Part 16

1.6K 30 40
                                    

HAPPY NEW YEAR, GUYS!

SHE

They flew back home on Sunday but not on the same flight.

Panay ang hawak niya sa singsing na suot niya. Sa kabila ng galit na alam niyang sasalubong sa kanya pagbalik niya sa Manila, hindi niya mapigilang mapangiti. Hindi sila parehong nakatulog noong nakaraang gabi. Marami silang pinagusapan. Marami silang plano. Sabay sila ni Bamboo na nagpunta sa Incheon kahit ilang oras pa bago ang flight nito. Pakiramdam niya kulang pa ang isang buong magdamag na magkausap sila. Ang dami niya pang gustong marinig na kuwento mula dito. Gustong gusto niya ang pakiramdam kapag kasama siya. Nandoon ang kaba, pero alam niyang hindi dahil sa takot.

"Ilang anak ang gusto mo?" Naalala niyang tanong sa kanya ni Bamboo.

"Dati gusto ko dalawa lang. Pero ngayon, parang masaya kung apat or lima sila."

"Once you know what I can do, baka hindi lang 5 ang kids natin."

"Bakit?"

"Hmm curious." Panunukso nito sa kanya.

"Ikaw!" Hinampas niya si Bamboo sa braso.

"Aw"

"Ayan. Kasi ikaw eh." Malambing niyang sabi habang mina-massage niya ang braso na hinampas niya.

"Here......here...." Sabi ni Bamboo na nakangiti habang dinadala kung saan ang kamay niya.

Nahampas niya tuloy ulit ito.

"Aw...joking!"

Tawa siya ng tawa. 

"You're so violent." He said.

"Lambing lang yun."

"Lambing? I'll show you what lambing should be."

Nakahiga silang dalawa sa kama. Humarap si Bamboo sa kanya at niyakap siya ng mahigpit, at inipit gamit ang dalawang legs niya. Pagkatapos ay kiniliti siya nito habang sinasabing "This is lambing! Do you like this? Or here? Oh no this one...."

Ang ingay nilang dalawa. Sobrang lakas ng tawa ni Sarah. Kung sakaling may naglalakad sa hallway kung saan naroon ang room nila, iisipin na may dalawang batang naglalaro ng di dapat nila paglaruan.

"Ganyan gusto mo ha....." Natatawang sigaw ni Sarah. Kinikilit na din niya si Bamboo. Pinupuwersa na niya itong iangat ang braso niya para kilitiin sa kilikili. "Eto! Eto!"

"No....No...No....." Hindi matanggal ni Bamboo ang kamay ni Sarah dahil baka masaktan ito. Kaya tiniis niya na lang lahat.

Pareho silang namimilipit sa kalokohan nilang dalawa. Hanggang mapagod sila.

"Dammit! You're so strong." Sabi ni Bamboo habang hingal na hingal pa din.

"Akala mo hindi ako lalaban ha." Sagot ni Sarah habang hinahabol pa ang hininga.

At kahit hindi pa masyadong nakakabawi sa hiningang inubos nila sa pagkilit ng isa't isa ay nagtawanan na naman sila ng malakas.

"How I wish we did something else." Natatawang sabi ni Bamboo. "You know?" Kinindatan niya pa si Sarah.

Tawa lang ng tawa si Sarah.

"I'll make sure, you run out of breath too." Dugtong ni Bamboo.

A Fangirl in LoveWhere stories live. Discover now