Starting Over

979 17 2
                                    

Rules, standards and stereotypes set by society are traps that keep us from being ourselves, and from making the best out of ourselves.  - Penright

"May officemate ako, di ba kilala mo si Raymond?" Sabi ni Len habang inaabot niya sa akin ang mocha frappe na pinabili ko sa kanya. Starbucks muna bago maghiwahiwalay umuwi. Kagaya ng dati. Kagaya last month.

"Oo."

"Patay na patay yon sayo, Nix. Di ba pinakilala ko sayo nung January sa annual party ng company namin? Hindi ko lang ine-entertain ang mga pangungulit niya about you dahil busy tayo sa ashboo." Uminom si Len sandali. "Tapos...ayun naging busy ka na kay Mica." Nakairap na dugtong niya.

"One month affair lang naman yon." Taklesang komento ni Berna. Napatingin siya sa akin. "Sorry na. Eh kasi bakit hindi ako maka-connect? Pati tuloy ako naaasar na. Kanina pa ko tawag ng tawag kay Mica. Invalid number daw."

"Baka nagpalit na ng number." Sabi ni Len.

"Bayaan na lang natin. Kung ayaw, e di ayaw." Ang sagot ko. Habang hindi ako makatingin sa mala i told you so na tingin ni Len sa akin. 

"Parang iba ang tono mo kanina before the concert. Kanina ang sabi mo, tawagan ko. Kumustahin ko. Ngayon, ayaw niya wag niya na?"

"Eh narealize ko baka nahihiya lang magsabi na nagbago na ang isip. Baka tama si Len. Ayoko namang ipagtulakan ang sarili ko sa ayaw na sa akin."

"Kaya nga. Ano? Magseset na ko ng date niyo ni Raymond. Kalimutan mo na yang Mica na yan. One month? Yung ex mo nga nakalimutan mo, years pa ang pinagsamahan niyo non. Isa pa, status it's complicated naman yang Mica na yan. Hindi ko alam kung walang bayag or nasobrahan sa bayag."

"Dahan dahan naman sa pagsasalita. Andito pinsan niya. At ako yun, baka nakakalimutan mo."

"Bakit? Sa tingin mo may pag-asa pa? Dedma na yung pinsan mo, Berns."

"Hindi ko alam. Hindi naman ako ang nakakausap eh. Si Nix. Ok na yung sinabi mo kanina dinagdagan mo pa ng bayag."

"Sorry." Isa sa pinaka-sarcastic na apologies na nagawa ni Len.

"Pati balls ng may balls pinapakialaman mo!" Sundot ni Berna.

"O sige. Out na ang balls. Pero Berns, one month? Tapos sobrang big deal na kaagad?"

"Eh bakit ba? Eh sa 1 month eh. Bakit yung ashboo, ang bilis. Mag-asawa na. Siguro nga, nangyayari talaga yun. Yung may sparks kaagad. May connection na di mapaliwanag."

One month. Para sa iba, imposibleng mahulog ka sa tao, na mahalin mo siya, sa loob ng napakaiksing panahon. Kalokohan siguro yun para sa kanila. Hindi puwedeng mangyari dahil hindi ganoon ang kadalasang nangyayari sa mas nakakarami. Wala kasi sa statistics at history ng society dahil hindi ganon kadami ang samples, at di rin kataasan siguro ang success rate.

"Len, pati ba naman love may stereotypes? Ok, siguro nga kung 1 to 2 months ago natin ito pinagtalunan, I swear, malamang same side tayo. Ang isasagot ko din IMPOSIBLE! Pero anong magagawa ko kung yun ang nangyari sa akin, kung yun ang naramdaman ko? Ano to, crush? Infatuation? Admiration? Kasi kung simpleng paghanga lang lahat to, eh di sana, wala lang. Hindi ako nahihirapan."

Uminom lang sila ng kape. Obviously, hindi pa din naga-agree si Len, at si Berna, ayaw niyang ipakita na sa akin siya kumakampi.

"Huwag na tayong magtalo. Nagegets ko naman eh. Tsaka tama si Len. I will get over this. Pero ayokong makipag-date. At least, di muna ngayon. Bahala na."

"Eh anong gagawin mo? Hihintayin mong mawala yan bago mo makita yung taong para sayo? Eh paano kung nasa harap mo na pala, hindi mo pa alam, kasi inaalagaan mo yang sakit na yan?"

A Fangirl in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon