Fangirls and Friendships

4.3K 30 0
                                    

This is a mix of fiction, truth and hopes. Some of the scenes in this story actually happened, some I just got from twitter, some I made up and some we all hope to happen. 

This story is for all my fellow AshBoo fans out there. 

Friday, March 14, 2014  

“We can’t do this” Sarah says habang tinutulak niya si Bamboo palayo.

“But why?” tanong ni Bamboo.

“Why? It’s obvious. Ayan.” Sabay turo sa singsing ni Bamboo sa kaliwang kamay nito.

“I will find a way to fix this, just promise me you won’t give up on us.” Bamboo insists.

“Us? Meron bang ‘us’? Oo nga pala, may ‘us’, kaya lang nga kasama ang pamilya mo – your wife and your kids. Yes! That. Is. ‘us’. Perfect ‘us’.”

Yan ang eksenang napa naginipan ko kagabi. Siguro dahil na rin sa sobrang excitement ko sa repeat concert ng AshBoo tonight, eh tatlong gabi ko na silang napapanaginipan.

Yun nga ba ang dahilan?

Hindi ko tuloy maiwasan na maalala ang nangyari noong isang buwan. Exactly one month nung nagsimulang magulo ang buhay ko. Tatlong araw na rin na magkasunud na naiisip ko yun.....naiisip ko siya. Halos ganyan na ganyan din ang mga lines na nabitawan.

Sina Bamboo at Sarah pa ba talaga ang nasa panaginip ko, or in denial lang ako dahil alam ko naman kung ano ang totoo? 

Tapos na yon. Hindi na dapat binabalikan, kahit sa isipan lang. Pero hindi yun ang nangyayari sa tunay na buhay. 

Madali akong nakalabas sa Ayala. Wala pang 5 minuto, palabas na ko ng Edsa galing Buendia flyover.

 “Nice”, walang traffic sa baba.

Medyo may pagsisisikip lang ng konti sa Guadalupe pero wala ng hintuan mula Boni hanggang Megamall. Na-excite akong bigla. Ang tagal din na hindi nagperform together ang dalawa. Finally, one whole night na makikita ko sila on one stage.

Nagring ang phone ko. Si Berna. 3:57pm. Siguro 4pm na sa relo nya. Pero hindi ko nasagot. Medyo masikip sa bandang Ortigas, paakyat ng flyover. Ang lalaki ng bus na nakabalandra sa Edsa. Nung nakalusot na ko, sa bandang Santolan naman ako natagalan. Mga 15 minutes mula Ortigas hanggang makalampas ng Santolan, pero sumikip na naman sa pakaliwa ng P. Tuazon.  

Nagtext na ko kay Berna.  “Malapit na ko”.

Deja vu! Parang nangyari na to. 4 weeks ako.

Malapit na ko. Malapit na kong bumalik sa araw na nagkakilala kami.....sa araw na sana hindi na lang dumating.

 Friday, February 14, 2014 

“Malapit na ko”

Yan naman ang text ko sa kaibigan kong si Berna na naghihintay sa akin sa harap ng Araneta Coliseum.

 4:23 pm na according to my watch.

4:00 pm ang usapan namin kaya hindi na nakakagulat kung ilang beses na nya akong tinawagan at tinext sa loob ng 20 minutes.

A Fangirl in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon