Chapter 27

3.1K 103 6
                                    

Kanina pa nakaalis ang maglola ngunit nanatili siyang walang kibo. Paulit-ulit kasing rumerehistro sa isip niya ang sinabi ng kanyang ina.

"Ayusin mo yang buhay mo Serenity! Mag-usap kayo ng maayos. Hindi ka na bata."

"Mommy, hindi naman sana kami aabot sa ganito kung sinabi niyo lang agad sa akin", sagot niya.

"Paulit-ulit na naman tayo? Sino ba ang todo iwas noon tuwing nagbubukas ako ng topic? 'Diba ikaw? Binigyan mo ba ako ng chance,' diba hindi?" Galit na wika nito sa kabilang linya.

"Dapat pinilit niyo pa rin po ako",inis niyang sagot.

Malakas itong bumuntung-hininga sa kabilang linya. "Kahit na sisihin mo ako ng paulit-ulit o sisihin kita ng paulit-ulit. Wala ng mangyayari pa. Ang gawin mo ay ayusin ang buhay mo na hindi matutulad ang buhay ng anak mo sa naging buhay mo."

"But my, he's getting married. Alam naman po ninyo iyon."

"If he's getting married he's not an ass to bring you in a private place kasama ang anak mo. And if he's getting married he will never talk to me and ask me a permission to let you stay in his place. Matanda ka na Serene, alam mo na dapat ang tama."

"Hey, you okay?" Napapitlag siya nang may magsalita mula sa kanyang harapan.

"Huh?"

"Look, if you feel upset because mom take our son. Please don't. Not my mom, please", tiim bagang na sambit nito.

"Anong ibig mong sabihin? That I'm thinking negative things towards your mother?"

"Bakit hindi ba? 'Diba nga, kinausap mo muna ang nanay mo because you didn't trust her?" Galit na nga ito. Sa paraan ng pagtagis ng bagang nito ay kulang na lang tirisin siya.

"I never meant that way", mahinang sambit niya.

"Of course you do", matabang nitong wika. Pabagsak itong umupo sa tapat niya at napahilamos na lang. "It should be me Serene. It should be me who will not able to trust your mother because of what she did. Did you heard negative reactions from me?"

Hindi siya makapaniwalang napatitig dito. Sinusumbatan ba siya nito? Mariin siyang napalunok at matapang na sinalubong ang tingin nito.

"Are we fighting because of them?" Hindi niya mapigilang ilabas ang irita sa kanyang boses. "Bakit mopa kami dinala dito kung panunumbat lang pala ang marinig ko mula sayo?"

"Hindi kita sinusumbatan. I'm just stating the fact", hindi patatalong sagot nito. Malakas na lang siyang napabuntung-hininga at mariing ipinikit ang mata.

"I think it's been a long day",saka mabilis na tumayo at iniwan ito doon. Dahil hindi siya makalabas pinili na lang niyang mag ikot-ikot sa malaking bahay na iyon. Hanggang kailan ba sila doon? Napatapik siya sa noo, sana pala sumama na lang siya kanina sa ina nito. Ngunit may bahagi din kasi nang pagkatao niya ang gustong makasarilinan ang lalaki para maayos nila ang issue nilang dalawa. Kung ano ba ang plano nito. Kung wala sana sila doon ay nasa airport na sila ganitong oras at naghihintay na lang ng kanilang flight.

Napatigil siya sa isang hugis kwadrado na sa tingin niya ay pinto niyon. Sinubukan niyang itapat ang palad sa scanner ngunit nagblink lang iyon ng pula. Ibig sabihin invalid access. Naalala niya ang ginawa ni Drake. Itinapat niya ang mata at laking gulat niya ng bumukas iyon. Ibig sabihin may access siya sa silid. Marahil meron pa sa iba maliban sa main door. Makakalabas lang siya roon kung mismong lalaki ang magbubukas non para sa kanya.

Napasinghap siya nang mapagtanto ang napasukang silid. Isa iyong malaking music room. Nasisiyahang inikot niya ng tingin ang paligid. Kumpleto iyon sa gamit. Isa-isa niyang pinaraanan ng kamay iyon. Napatigil siya ng mapatapat siya sa isang DVD player. May mga CD's doon at tingin niya ay sinadyang bilhin iyon ng lalaki para kay Millie.

Off Balance Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz