Chapter 4

2.7K 117 6
                                    

Patakbong tinungo niya ang pinto ngunit naabutan pa rin siya nito.
Nanginginig na napaatras na lang siya. Habang umaatras siya, humahakbang naman ito palapit sa kanya. Sa kakaatras niya, di niya namalayan na nakarating na siya sa sofa at huling hakbang niya ay tuluyan na siyang natumba. Wala na siyang matakbuhan dahil nacorner na siya ng lalaki at galit na nakatunghay ito sa kanya.
"W-what d-do you want Mister?" Pilit niyang tinatago ang takot ngunit nanginig pa rin ang kanyang boses.

"Now you're startling. Awhile ago you sang so good like you're a great mother", nanunuyang sabi nito sa nagbabagang tingin.

"Where is my daughter? What you did to her, huh?"

"You're daughter? I don't know what you're talking about Mister",

"Stop fooling me! Anong pinakain mo sa anak ko at napaamo mo siya nang ganyan?!"

"W-what?" Tila hangin na lang na lumabas ang salitang mga iyon sa kanyang bibig dahil nahirapan siyang iproseso ang nangyayari sa kanyang isip. Si Millie? Ama nito ang lalaki?
Pumasok ang maraming hindi magagandang bagay sa kanyang isip. Si Mrs. Gatchalian. Magkakutsaba ba ito at ang lalaki para macorner siya.
Pero imposible, ang bait ng ginang. At hindi nito idadamay ang damdamin ng sariling apo kung may balak itong hindi maganda sa kanya.
Paanong hindi man lang siya nagkaron ng idea na ito ang ama ng bata? O marahil sinadya ng ginang na hindi siya magkaron ng ideya? 'Diba nga todo iwas nga ito tuwing nagtatanong siya tungkol sa ama ng bata.

Lalo siyang naparalisa sa kinauupuan nang mahigpit siya nitong hawakan sa magkabilang braso. Kasing-higpit din noong una. "What do you want from us Miss Vijandre? Hindi pa sapat ang ginawa mong pagtalikod sa konsekwensiya ng iyong ginawa noon?"

Sunod-sunod siyang umiling kahit nanlalabo na ang kanyang paningin nagawa niya pa rin itong tingalain. "Hindi ko alam na anak mo si Millie."

"Liar!"

"Daddy!" Sabay silang napalingon sa batang sumigaw habang mabilis ang mga hakbang pababa. "What are you doing to her?!"
Padaskol naman siyang binitawan ng lalaki ngunit hindi pa rin nito inaalis ang nagbabagang tingin sa kanya.

Agad namang lumapit sa kanya ang bata at sinapo ang kanyang pisngi saka pinunasan ang kanyang mga luha. Mas lalo siyang nahirapang huminga. Ang batang ito ay pinagkaitan din niya ng ina. "Stop crying mommy. It's breaking my heart. Oh, you're shaking. Do you feel any pain?"
Sunod-sunod ang patak ng kanyang luha. Sana pala siya na lang ang namatay noon. She don't deserve this kind of angel dahil siya mismo ang dahilan kung bakit ito nawalan ng ina. Bahagya siyang napapitlag nang haplusin nito ang kanyang braso.

"It's reddish. Is it hurt? Let me kiss away the pain."

Parang piniga ang kanyang puso nang dantayan nito nang pinong halik ang kanyang magkabilang braso.  Hindi niya matingnan ang tatay nitong hindi rin nakagalaw sa kinatatayuan.
Iniyakap niya ang mga braso rito nang isubsob nito ang mukha sa kanyang dibdib at mahigpit siyang niyakap.

"Millie",tawag ng lalaki sa anak. "Millie baby, can you talk to daddy, please?"
Siya naman pilit nilunok ang baradong laway at saka niyuko ang bata. Natigilan siya nang maramdaman niyang basa sa parteng dibdib niya. Umiiyak ba ito?

"Millie?" Aniya kahit garalgal ang boses dahil hindi pa rin maampat ang kanyang luha. Sa nanginginig na kamay ay pilit niya ito inangat mula sa pagkakayakap sa kanya ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang yakap sa kanya. "Sweetheart, don't cry please?"
Hanggang sa ang hikbi lang sana nito ay naging hagulhol na. Iyon ang eksenang inabutan ni Mrs. Gatchalian.

"Byron."

----

Marahan ang galaw na nililigpit niya ang gamit. Dahil iniiwasan niyang magising si Millie. Nakatulugan na lang nito ang pag-iyak. Gustuhin man niyang manatili sa tabi nito alam niyang hindi pwede. Kaya napag-desisyonan niyang umalis na lang sa gabi ring iyon.

Off Balance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon