Chapter 3

2.8K 113 6
                                    

Ingay ng cellphone ang nagpagising sa kanya. Pikit ang kabilang mata pilit na inaabot ang nag-iingay na aparato na nakapatong sa side table niya.

Unregistered number ang tumatawag.
"Hello?" Aniya nang mapindot ang answer button.

"Miss Serenity Vijandre?" Anang nasa kabilang linya.

"Yes,sino po sila?" Magalang niyang tanong. May kaedaran na ang boses ng babae.

"I am Mrs. Gatchalian, can I have a word with you?"

"I am sorry Ma'am but I don't mean to be rude. Do I know you po? I don't remember I met you before."

"I am Millie's grandmother."
Sukat sa sinabi nito ay agad siyang napabangon at tuluyang nahimasmasan. "She asked me to call you. So do you mind if I'll talk to you right now?"

"Ngayon na po?" Paninigurado niya.

"Yeah ngayon na. I'm outside by the way. "

"Ho?!"

Bahagyang tawa lang sa kabilang linya ang kanyang narinig. Saka siya dali-daling nagpaalam dito para makapag ayos ng sarili. Para siyang ipo-ipo sa pagmamadali at lakad takbo dahil tinanggal pa niya ang mga kalat  sa kanyang maliit na sala.
Bakit naman kasi biglaan ang pagpunta nito? Hindi man lang siya inabisuhan muna. Naalala niyang inilagay niya pala ang kanyang address sa ibaba nang numerong ibinigay niya kay Millie. Kaya hindi na siya nagtaka kung paanong nalaman nito ang kanyang tinitirhan.

----

"Pasensya na po kayo sa ayos ng unit ko", aniya sa matanda nang patuluyin niya ito sa loob. "You want some coffee Ma'am or juice?"

Amuse na nakatingin sa kanya ang may edad ng ginang. Sa tingin niya ay nasa fifties pa lang ito. Magkasing-edad lang yata sa mommy niya.

"Tanghali na Hija para alukin mo ako ng kape", nakangiting wika nito. Genuine ang ngiti nito kaya medyo nabawasan ang kanyang pagka-ilang. "Tita Mitchell na lang ang itawag mo sa kin. Tutal kaibigan ka naman ng apo ko."

"Sige po", nakangiting sang-ayon niya. "Saglit lang po at ikukuha ko kayo ng maiinom."

Saglit niya itong iniwan at tinungo niya ang kusina.

---
"Si Millie po pala?" Aniya nang mailapag ang tinimpla niyang juice at sandwich na ginawa para rito. Sinalinan niya ang baso at inabot dito.

"Salamat Hija, nag-abala ka pa", anito.
"Kaya nga ako nandito dahil hindi niya ako tinigilan sa kakukulit. Iniyakan pa ako ng iniyakan."

"Kaya po pala biglaan ang pagpunta ninyo", aniya.

"Actually, I've been calling you since morning. Dahil hindi ka sumasagot sumulong na ako dito."

"Pasensya na po,late na po kasi akong natulog kagabi kaya tinanghali ng gising",nahihiyang hingi niya ng paumanhin.

"No Hija", gagad nito. "Ako nga dapat ang humingi ng pasensya sa'yo. Kasi naistorbo ko ang pagtulog mo."

"Naku, okay lang po yun", nakangiting sabi niya. "Ahm... Oo nga pala ano nga po...ahm, 'yung sadya ni'yo."
Napakamot pa siya ng batok dahil biglang sumeryoso ang mukha nito.

"I've watched all your performances before", umpisa nito. "I was a ballet dancer too. Na namana yata ng apo ko na hindi namana ng anak kong namayapa na."

"Sorry for the lost tita", simpatya niya.
Malungkot lang itong tumango. Naweweirdohan din siya sa paraan nang paninitig nito sa kanya.

'Pangungulila ba?'

"At sa tuwing nakikita ko ang apo kong nagsasayaw lang ng patago dahil takot na mahuli siya ng daddy niya, ay lubos kong ikinalulungkot. Until one day, she met you. Every weekends nasa akin si Millie kaya lagi ka niyang naikukwento sa akin. Ikaw palagi ang bukambibig niya. Mahal kana agad ng apo ko, Serene."

Off Balance Where stories live. Discover now