Chapter 9

2.6K 150 19
                                    

Hindi mapakali si Millie, maya't maya ang tawag nito sa ama kung nasaan na ba ito. Masyado itong excited.
Samantalang siya,hindi mapalagay dahil sa kaba. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa bakasyon nila.

Sinunod niya ang payo ni Drake na pumayag na sumama sa bakasyon ng mag-ama. Ayon dito, kapag nasanay na siya sa presensya ng lalaki ay mababawasan ang pagiging tensyonada niya kapag malapit siya rito.

'Diyos ko,kayo na po ang bahala sa akin. Sana po buo pa akong makakabalik.'
Lalong tumindi ang tibok ng kanyang puso nang tumunog ang doorbell.

"That must be daddy!" Tili ni Millie. Napapailing na lang si Tita Michelle habang nakatingin sa kanya. Lumapit ito at mahigpit siyang niyakap.

"I hope you three will enjoy", anito. "And just give me a call when things get wrong."

Tumango lang siya at nagpasalamat sa Ginang. Tinulungan na niya si Mang Ramon na ipasok ang kanilang mga bagahe sa sasakyan habang nag-uusap pa si Byron at ang biyenan. Si Millie naman ay hindi magkamayaw. Hindi maitatago ang saya sa mukha nito.

"Ikaw ha,talagang hindi ka titigil hangga't di mo nakukuha ang gusto mo 'no?"Aniyang nakangiti ngunit salubong ang kilay dito. Nakaupo na silang dalawa sa likuran habang hinihintay ang ama nito at si Mang Romeo na siyang maghahatid sa kanila sa airport.

Nang ngumisi ito nang nakaloloko ay agad niyang inatake ito ng kiliti. Hindi nila pansin na bumukas na pala ang pinto sa unahan.

"Mommy! Stop it...!" Malakas na tili nito. Ngunit hindi niya pa rin ito tinigilan.
Hindi niya napaghandaan ang atake nito pabalik at biglang isinubsob ang mukha nito sa sa kanyang kili-kili. Napatili siya nang malakas ng kilitiin siya nito gamit ang ngipin.

"Ayyyy! Baby tama na! Tama na!" Malakas niyang tili. Ang lakas nang kiliti niya doon. Nagkanda-untog na siya sa kisame ng sasakyan hindi pa rin ito tumitigil.

"Daddy! Ay! Ay!" Biglang tili nito palayo sa kanya.
Habol ang kanyang hininga tiningnan niya ito. Inatake pala ito ng ama ng kiliti. "Enough! Enough! I'm going to pee!''

Nang tigilan ito ng ama ay dali- dali itong lumabas at bumalik sa loob. Sapo nito ang pantog at sigurado siyang naiihi na.
Hindi niya mapigilang mapahagikhik dahil sa ginawi nito. Nasalubong pa nito si Mang Romeo na nagtatakang sinusundan ito ng tingin.

Nabura lang ang kanyang ngiti ng may tumikhim. Nawala sa isip niya na nandun pala ang lalaki. Naalala niya ang sinabi nitong huwag itolerate ang anak nito sa pagtawag sa kanya ng mommy, pero hindi niya iyon magawang sabihin kay Millie.

"Thank you for coming with us", anito sa britonong boses.

"You're welcome",maikling sagot niya at tumahimik ulit. Ayon na naman ang kabog ng kanyang dibdib. Dinig na dinig niya iyon dahil namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa.

Nang sumulyap siya reviewer mirror ay napaiwas din siya agad dahil nakatingin din pala ang lalaki sa kanya. Nakahinga lang siya ng maluwag ng pumasok na si Mang Romeo.

"I hate you Mommy, Daddy!",anang nakasimangot na si Mille nang makabalik na ito sa sasakyan.

"You do?", nakangiting sabi niya.

"I didn't mean that", agad bawi nito. "But I hate you Daddy. I almost peed my underwear!"

Hindi niya mapigilang mapatawa sa nakasimangot na mukha nito.

"Alis na po tayo Sir?", Tanong ni Mang Romeo.

"Sige."

_________

Mahihinang alog sa balikat ang nagpagising sa kanya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata para lang mabungaran ang mukha ni Byron na seryosong nakatunghay sa kanya.
Bahagya niyang iniatras ang ulo dahil ang lapit lang ng mukha nito.

Off Balance Where stories live. Discover now