Chapter 21

2.8K 117 14
                                    


"Three huh?" Parang may pag-uuyam sa boses ng lalaki habang nakatingin sa kanya.
Nahiling niyang lamunin na siya ng lupa dahil sa nararamdamang tensyon. Naisipan niyang itext ang mommy niya. Kailangan na nilang makaalis doon dahil sa nag-aakusang tingin ni Byron sa kanya. Ang ina naman nito ay maraming tanong at hindi na niya alam kung ano pa ang isasagot dahil tila sinasadya nitong i-hotseat siya.

Nakahinga lang siya ng maluwag nang mamataan si Aegus. Ito marahil ang nautusan ng kanyang ina na sunduin sila.

"Ahm, I think we need to go. I hope you don't mind", nakangiting paalam niya ng palapit si Aegus sa mesa nila. Pinakilala niya ang kapatid sa mga ito at saka nagpaalam na aalis na. Nang kargahin na niya si Brixton ay biglang nagsalita si Millie.

"Wowa, can I go with Mommy?" Malungkot ang boses na paalam nito sa matanda na nangungusap ang tingin.

"Did you just call her mommy?" Puno nang pagtatakang tanong ni Leticia. Kunot lang ang noo ng nanay ni Byron.
Nasa anyo ni Leticia nag matinding disgusto sa narinig.

"Ahm, she's Mileena's sister", agad na sabat nito.

"How come?" Tanong ng ina ni Byron.
"Why you haven't tell me about this Byron", may pagtatampong sabi ni Leticia.

"It's not necessary", matabang na sagot ng lalaki. "And it's not that important."

Parang kinurot ang puso niya sa sinabi nito.

"Please Wowa, I want to go with them",ulit ng bata. Nanatili siyang walang imik at naghihintay ng maging desisyon ng lola at ama nito kung papayagan ba ito.

"Look Millie", ani Byron. Ngunit hindi ito pinansin ng anak. Nanatiling nasa kay Tita Michelle ito nakikiusap.

"Please Wowa", pakiusap ng bata. Hanggang sa maiyak na lang ito.

"Hija, okay lang ba?" Baling sa kanya ng ginang.

"Naku opo. Okay na okay po",hindi niya napigilan ang galak sa kanyang boses. Mas pabor iyon sa kanya dahil miss na miss na rin niya ang apo nito.

"Okay you can go", nakangiting baling nito sa apo. Hindi na nito pinansin ang disguto sa anyo na mga kasama sa mesa. "Papahatiran ko na lang siya ng damit Serene."

Nakangiting tumango siya sa ginang
"So paano mauuna na kami. Leticia, Byron congratulations to your engagement",baling niya sa dalawa. Sana lang walang nakakapansin sa pekeng ngiti niya.

"You're invited to our wedding day",magiliw na sabi ng babae sabay sanday sa balikat ng fiancé nito. "No fixed date but it'll be soon, right sweetheart?"

Tumango lang ang lalaki at nanatiling nakatuon ang pansin sa batang karga-karga niya.

Tumikhim muna siya at ngumiting nagpasalamat dito. "Aegus, pakikarga si Brix. Ako na bahala kay Millie."

"Ihatid ko na kayo hanggang sa sasakyan",presenta ni Tita Michelle. Hindi na niya tinanggihan pa ang ginang dahil nasa anyo rin nito ang may gustong sabihin sa kanya.

Nang makalayo na sila mula sa kinauupuan ng tatlo agad na humingi ng pasensya ang ginang.
"Okay lang po yun tita. Hindi naman po natin alam  na darating sila",nakakaunawang sagot niya.

Nang makarating sila sa kotse ni Aegus ay pinagtulungan na nilang buhatin si Millie pasakay. Pinaupo niya ito sa likod katabi ni Brixton na nakaupo sa babyseat nito.

"Sige tita, salamat po ulit. Ihahatid ko na lang si Millie kung gusto niyo na po siyang umuwi",paalam niya sa ginang.

"Sige,mag ingat kayo."

______
BYRON

He think he'll be going crazy. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga tanong ng kanyang ina ng magkasarilinan sila kagabi ng ihatid niya ito sa kanilang bahay. Nakabukod na kasi siya sa mga magulang ng tinitirhan. Ang bahay nilang mag asawa noon ay hindi na niya iniwan at piniling pumirme roon kasama si Millie.

Off Balance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon