Ika-16 na Kabanata : Athena Vs. Veronica

Start from the beginning
                                    

Kahit kalian talaga itong si Vanessa. Anyways, mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon.

Salamat na lamang sa kaibigan kong ito.

^_^

Mag-alas otso na ng mag-awat kami sa pagkwekwentuhan ni Vanessa.

Bumalik na kami sa kanya kanya naming opisina.

_______________________

Sunday na.

Kagabi tinawagan ako ni Vanessa para siguraduhing pupunta ako sa blind date ko.

Hindi ko talaga gusto ang mga blind date. Hindi kasi ako nakikipag-usap sa mga taong hindi ko kilala eh.

Pero para mapatahimik lang si Vanessa, pumayag na din ako. And besides, this may help me to forget all the hurts inside.

Malay din ba natin, hindi talaga si Vince ang para sakin kundi ang isa sa magiging kablind date ko di ba?

Time check: 8:00 am.

Tinext ulit ako ng makulit kong kaibigan.

**Hey girl! Be on time ha? Don’t be late. He is a professional. You must be there at exactly 10:00am.**

Ay naku! Ewan ko ba dito sa babaeng ito, kung minsan nagiging bossy na.

Fine. I’ll do what you want.

Nakaayos na ako at paalis na.

Sa Eastwood kami magkikita ni Mr. Paulo, yung ka blind date ko.

Palabas na ako ng kwarto.

Pagbukas ko ng pinto…. Saktong pagbukas din ni Vince ng pinto.

“Athena, where are you going?” aniya.

“Ahhmm.. Dyan lang.” nag-aalinlangan kong sagot sakanya.

“Dyan lang??? San jan? Bihis na bihis ka at ang bangu-bango mo pa. Magsisimba ka ba?” tuluy-tuloy na tanong nya.

“Nope. Nakapagsimba na ako kahapon, remember?”

“Then where are you going?”

Ay naku! Kailangan bang paulit-ulit?

Hindi ka ba nakakahalata Vince? Ayoko ngang sabihin sayo kung san ako pupunta.

Anu ba naman kasing problema nitong lalaking ito at sobrang kulit.

Pasaway.

“Ang sabi ko… dyan lang… at kung san dyan.. it’s none of your business. Kung kayo nga ni Veronica, hindi ko tinatanong kung san kayo pupunta sana ganun ka din sakin Vince… Pwede ba yon???” sagot ko sa kanya sabay labas sa kwarto.

Hinawakan nya ako sa braso at iniharap sa kanya.

“Athena… Kung san ka pupunta dapat alam ko yun. Asawa mo ako at asawa kita, baka nakakalimutan mo?”

Huh!! Asawa daw???

May sira na ata ulo nito eh.

“Oo alam ko yun. At sana..”sabay tabig ko sa kamay nya para maalis sa pagkakahawak nito sa braso ko. “hindi mo din nakakalimutan na asawa mo ako at asawa kita sa kasunduan lang. Kaya wala kang karapatan panghimasukan ang personal kong buhay… Okay?” sabay talikod sa kanya.

Hindi na siya nakapagsalita.

Papalayo na ako sakanya ng bigla siyang tumawag.

“Athena… Sorry na. Ok sige, hindi ko na papakialaman ang personal mong buhay. Hindi ko na din tatanungin kung san ka pupunta, basta dumito ka nalang.” nagmamakaawa nyang sabi sakin.

WANTED : PERFECT HUSBAND (on-hold)Where stories live. Discover now