Luminaw ang sigawan na iyon. Parang boses lalaki ang sumisigaw. Malamang yun ang papa nya na papalapit na sa kwarto nya kaya mas naririnig ko ang away nila.

"Anak ko din si Freya. Ako ang nagluwal sa kanya. Isa pa, kung maiiwan sya sayo, hindi mo rin sya maaasikaso dahil busy ka lagi sa trabaho mo!".

Umiiyak lang si Freya habang nakikinig sa away ng mga magulang nya. Narinig kong parang inilapag nya ang phone at binuksan ang pinto.

"Mama, papa. Wag na po kayong mag away... Gusto ko po kayo kasama pareho. Wag na po kayong maghiwalay..", iyak nya.

Mukhang parehong natauhan ang mag asawa sa sinabi ng anak nila. Kahit ako ay napahawak sa dibdib. Ramdam ko ang bigat ng pakiramdam ni Freya. Yun din ang nararamdaman ko tuwing nag aaway sina mommy't daddy noon.

Wag kang mag alala, Freya. Magkakaayos din ang parents mo.

🍃🍃🍃

Tinawagan ko ang mokong at sinabing makikipagkita ako sa kanya sa isang parke. May naisip akong panibagong plano. Nauna na ako doon at ilang minuto ko lang din naman syang hinintay bago makarating.

"Ano? May bago ka na namang nakita?", tanong nya.

Umiling ako. "Hindi parin nagkakaayos ang parents ni Freya".

Ngumisi ito. "Sabi ko naman kasi sayo, malabo na yang gusto mong mangyari. Kitang kita mo naman kung pano nila kasuklaman yung isa't isa".

"Oo, pero itong bago kong plano, sure na 'ko!".

"Ano na namang plano yan?".

"Naisip ko, baka kailangan lang nila ng vacation".

"Hindi mo ba naalala nung nag picnic sila?".

"Hindi! Mas maganda toh kesa sa picnic! Naisip ko, what if mag out of town sila? Parang honeymoon, ganon?".

"Ano?".

"Magandang place ang Boracay diba? Or pwede din sa Puerto--".

"Tingin mo gagastos sila para don?".

"Hindi sila gagastos. Akong bahala sa lahat ng bayarin--".

"Hibang ka na talaga!", ngisi nya. "Balak mo bang ubusin lahat ng oras at pera mo sa mag asawa na yan?".

"Hindi naman sa ganon--".

"Sarili nilang buhay yon. Hindi mo sila dapat pakielaman kung gusto man nilang maghiwalay o hindi. Napilitan nga lang ako sa mga pinaggagagawa mo nung una pero ngayon, hindi ko na kaya".

"Hindi naman kita hihingan ng pera eh".

"Ano ba? Wala ka ba talagang utak? Ano bang mangyayari pag hindi naghiwalay yung dalawa? Magkakapera ka ba? Nagmumukha ka lang tanga sa ginagawa mo eh".

Natigilan ako sa sinabi nya. Parang may biglang sumuntok sa puso ko. Para ding may naghihiwa ng sibuyas malapit sakin dahil unti unting naluluha ang mga mata ko.

Green StringWhere stories live. Discover now