Halos isumpa na nya ko kanina dahil sa mga pinagpapapasuot ko sa kanya. Buti na lang talaga effective parin ang pagbibeautiful eyes ko. Ang hirap magpigil ng tawa sa itsura nya, pero I can do this.
"Lika na", sabi ko sa kanya.
"Tao po?", sabi ko habang kumakatok.
Si Freya ang nagbukas ng pinto. Lumawak ang ngiti nya nang makita ako. At nung lingunin nya ang mokong, pinilit nyang pigilin ang tawa dahil sa masamang tingin nito.
"Anak, sinong andyan?", sabi ng mama nya habang papalapit sa amin.
"Hi, Amiga! Nag iikot ikot kasi kami. Gusto naming magbigay ng isang bonggang makeover sa isang super mama na kagaya mo. Kaya halika, itry mo", sabi ko with a convincing smile.
"H-ha? Eh.. Nako, wala naman akong oras sa ganyan. Tsaka wala naman akong pambayad--".
"Ano ka ba? Hindi porket mama ka na, wala ka ng time sa ganito. Dapat, may beauty ka paden. And isa pa, libre toh!".
"Eh, sang parlor ba kayo? Tsaka, anong pangalan nyo?".
Nagkatinginan kaming dalawa.
"Ah.. Ako si.. Ch-- Cherry!", bungisngis ko.
"Sya naman si Blossoms", turo ko sa kanya. Argh! Ang hirap magpigil ng tawa lalo na nung napangiwi sya pero pinilit ngumiti.
"Halika na, mama! Subukan mo na yung makeover!", sabi ni Freya sa ina kaya naman pumayag na lang rin ito.
Higit isang oras ko ring syang inayusan. Si Blossoms, este yung mokong naman, ayon, tamang suklay suklay lang habang ngumingibit sakin.
"Nako, salamat talaga ha? Hindi ko akalaing magmumukha pa pala kong tao", sabi ni Fraida habang hinahatid kami palabas ng bahay nya.
"Wala yon! Siguradong matutuwa ang mister mo nyan pag uwi", sabi ko naman. Ngumiti lang sya.
Nagpaalam na kami sa kanila at sumakay na sa kotse. Hinubad na rin ng mokong ang wig na kanina nya pa kinaiiritahan.
"Sana talaga gumana na toh", sabi ko.
"Dapat lang", walang emosyon nyang sabi bago pinaandar ang sasakyan.
🍃🍃🍃
Kinaumagahan, matapos akong makaligo ay napaupo ako sa kama at nagpunas ng basang buhok gamit ang tuwalya.
Kamusta na kaya yung mag-asawa?
Napatigil ako sa pagpupunas ng buhok nang magrinig ang phone ko. Nakita kong si Freya ang tumatawag. Agad akong napangiti at sinagot ito.
"Hello? Ano, kamusta? Effective ba?", masaya kong tanong.
"Ate Freya...". Parang paiyak ang tono ng pananalita nya. Bukod pa don, parang may maingay na nagsisigawan akong naririnig.
"Bakit? Anong nangyare?".
"Kung gusto mong makipaghiwalay, edi makipaghiwalay ka. Pero hindi mo makukuha sakin ang anak ko".
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
4th String
Start from the beginning
