Tumayo ang babae at ngingisi-ngisi habang umiiling.
"Hindi mo ba naririnig yang sinasabi mo? Mahiya ka naman sa anak mo", sigaw nito.
"Halika na, Freya", sabi niya at hinatak paalis ang anak.
Nang makaalis ang mag ina ay tumayo nadin ang lalaki at inis na sinipa ang mga damo. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Wala ng pag-asa yan", iiling-iling na sabi nya. Mokong talaga toh!
"Tara na nga!", sabi ko at naglakad na paalis.
Sumakay na kami sa kotse nya. Tinatahak na namin ngayon ang daan pabalik sa shop. Alas sais pa lang naman kaya bukas pa iyon ngayon.
"Kailangan mag isip tayo ng bagong plano", sabi ko habang nakasubsob ang pisngi sa bintana ng kotse nya.
"Talagang hindi ka parin sumusuko ah?", ngisi nya habang nagmamaneho.
Hindi ko na sya pinansin. Huminga na lamang ako ng malalim at pumikit.
"Alisin mo nga yang mukha mo dyan sa bintana ko. Mamaya bumakat pa yung mukha mo dyan eh", suway nya.
Napadilat ako at napaupo ng maayos sa sinabi nya.
"Ang galing mo!", nakangiti kong sabi habang nakaturo pa sa kanya.
"A-ano?", mukhang nabigla sya sa ikinilos ko.
"Di ko alam, may utak ka rin pala talaga eh noh", ngiti ko ng malaki.
"Ano bang pinagsasasabi mo?".
"Masyado na kasing sanay yung mga mata nila sa itsura ng isa't isa. Kailangan lang ng konting makeover para maalala nila yung mga araw na patay na patay pa sila sa isa't isa", sabi ko habang nagpapantasya pa.
"Pano naman ako naging magaling don?", panira nyang tanong dahilan para ismeran ko sya. Sya na ang pinuri, aba'y ayaw pa ata?
🍃🍃🍃
"Oh!", sabi ko sabay abot ng isang wig sa kanya.
"Ayoko", pagtanggi nya.
"Ano ba? Pano magiging realistic na toh kung di ka makikipag cooperate?", sabi ko naman.
"Kung ano ano na lang yang naiisip mo. Bakit kasi kailangan pa ko?", sabi nya naman.
"Syempre, partner nga tayo eh".
"Bahala ka kung anong gusto mong gawin sa sarili mo pero ako, ayoko".
Nagmamatigas pa sya nung una pero di kalaunan ay napapayag ko na rin sya. Pupunta kami ngayon sa bahay nina Freya para bigyan ng isang makeover ang mama nya. Syempre ako ang mag aayos sa kanya. Gusto ko lang din talagang pagtripan ang mokong na toh. Alangan ako lang ang magmukhang tanga diba?
Nakasuot kami pareho ng wig. Nag make up ako ng maganda. Lalagyan ko din sana sya pero ayaw nya. Naka shorts at crop top ako habang naka palda at t-shirt naman sya.
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
4th String
Start from the beginning
