Sariwa din ang hangin dito at masarap upuan ang malalambot na damo. Humiga pa nga ako at parang gusto ko pang magpagulong gulong rito.

"Tumayo ka nga dyan! Mamaya parating na yung mag asawa tas hihiga-higa ka pa dyan", suway nya.

"Oo na, eto na. Pakainit lagi ng ulo", sabi ko tsaka tumayo.

"Malinis ba?", tanong ko at tumalikod sa kanya.

"Hindi", sagot naman nya.

"Pakipagpagan nga", pakisuyo ko.

"H-ha?".

"Pakipagpagan kako".

Hindi sya umimik kaya humarap ako sa kanya. "Ano?".

"B-bahala ka nga dyan", sabi nya tsaka umalis.

Lokong toh? Hindi man lang pinagpagan?!

Pinagpagan ko na lang ang sarili ko tsaka sumunod sa kanya papunta sa kotse nya. Nang makarating doon at nakita ko ang repleksyon ng sarili ko. Napatingin ako at laking gulat ko nang makitang ang dumi ng puwetan ko.

Napapikit ako at marahang kinaltukan ang sarili. Agad ko iyong pinagpagan at sumakay sa kotse nya. Maya maya pa ay dumating na din ang pamilya ni Freya. Mukha namang nasa mood ang mag asawa. Kahit naman siguro ako, magiging maganda ang mood dahil sa ganda ng paligid.

"Alis na ba tayo?", tanong nya.

"Teka, gusto kong maka sigurado", sabi ko naman.

Binuksan ko ang pinto at akmang bababa na pero hinawakan nya ang braso ko.

"Oh teka, san ka pupunta?", tanong nya.

"San pa? Edi titignan sila", sagot ko naman.

"Kailangan pa ba?".

Tumango at tsaka bumaba. Naglakad na ko pero napalingon ako nung maramdamang may humahabol sakin.

"Oh bat ka bumaba?", tanong ko.

"Malamang, edi para samahan ka", sabi nya naman.

Nagkibit balikat na lang ako tsaka naglakad. Hindi pa man namin ganoong natatanaw ang pamilya ni Freya ay parang nakakarinig na kami ng mga bulyawan.

"Grabe ka talaga, Izaac. Ang sabi ko lang naman, mamaya ka na mag cellphone. Minsan lang mag-aya ng ganito yung anak mo pero trabaho pa rin yang inaatupag mo. Tapos ngayon, kung san san na napunta yung usapan", sabi nung mama ni Freya.

"Pano kasi talak ka nang talak? Hindi pa ba sapat na nandito ko?", sagot naman nung asawa nito.

Nakita kong nanginginig ang mga kamay ni Freya at para bang iniiwasan nyang pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Kasama ka nga namin dito pero nasa ibang ibayo naman ng mundo yang utak mo", sabi ng mama ni Freya.

"Sana nga pati ako nasa ibang ibayo na lang din. Mas gugustuhin ko pang mapunta sa kalawakan kesa makasama ka", sagot naman ng asawa nito.

Green StringWhere stories live. Discover now