Inalis ko ng marahan ang pagkakayakap nya sakin tsaka lumuhod sa harap nya para punasan ang kanyang mga luha.

"Shhh.. Tahan na..", pagpapakalma ko sa kanya.

"Ate Freya.. Tulungan mo ko.. Hindi pwedeng maghiwalay sina mama at papa", aniya.

"Wag kang mag-alala, tutulungan ka namin", sabi ko sabay tingin sa mokong.

Nagsalubong ang kilay nya kaya pinandilatan ko naman sya.

"Ah-- o-oo.. Kaming bahala sayo", sabi nya habang napapakamot sa ulo.

🍃🍃🍃

"So anong balak mo? Kukuntsabahin mo yung abogado? Ibabalik mo yung pagmamahalan nila?", sabi nya habang nakahalukipkip at nakataas ang kilay.

"Kung pwede nga lang eh", sabi ko naman habang nakahawak ang kanang kamay sa aking sentido.

Nakaupo ako ngayon sa swing kung saan nakaupo si Freya kanina. Nakatayo naman ang mokong sa gilid ko na para bang tatay na sinesermonan ang anak.

Tinawag na si Freya ng mama nya kaya naiwan kami dito. Nag iisip kami ng plano kung pano hindi mapaghihiwalay ang parents nya.

"Hibang ka ba?", sabi nya habang iiling-iling. "Ikaw na nagsabi, toxic yung relasyon nila. Sino ba namang hindi aayaw sa pulos away na relasyon?".

"Pero mag-asawa sila. Tsaka isa pa, sila yung nakatadhana para sa isa't isa. Nakita ko yung red string na kumokonekta sa kanila".

"Ayan ka na naman sa kaka red string mo. Bat ba hindi mo na lang hayaan yung tadhana na yan yung mag ayos sa kanila? Kung sila talaga, edi sila".

"Pshh! Diba um-oo ka kay Freya? Sabi mo tutulungan natin sya. Oh anong inaano mo dyan ngayon?".

Napakamot na lang sya ng ulo. "Oh eh ano bang balak mo?".

"Hmm..", tumayo ako at nag isip. "Baka kailangan lang nilang mamiss ang isa't isa?".

"Ano?".

🍃🍃🍃

Sinubukan naming paglayuin ang mag-asawa. Sinabi ni Freya ang tungkol sa lola nyang may sakit. Sinabi namin sa kanyang kumbinsihin nya ang mama nyang puntahan muna ang lola nya sa pag aakalang mamimiss nila ng kanyang asawa ang isa't isa.

Nang makabalik ang mama ni Freya sa kanila after three days, parang walang pinagbago. Hiniling pa nga nila na sana daw ay hindi na lang sya umuwi.

"Kung hindi gumana ang pagkakalayo, baka sakaling gumana pag pinaglapit", sabi ko.

"Ano?", tanong naman ng mokong.

Tumingin ako sa kanya at dalawang beses tinaas ang kilay.

Nag isip kami ng panibagong plano. Baka kung magb bonding sila, manumbalik yung tamis ng pag iibigan nila?

Sinabihan namin si Freya na ayain mag picnic ang mga magulang nya sa day off ng papa nya. Mabuti na lang ay napilit nya ang mga ito.

Tinulungan nya ang mama nya sa paghahanda ng mga dadalhin nila habang kami naman ni mokong ang nag-aayos ng lugar.

Nandito kami ngayon sa isang malawak na damuhan. Alas singko na ng hapon kaya malapit na rin lumubog ang araw. Magandang tanawin ang paglubog ng araw.

Green StringWhere stories live. Discover now