Oo nga. Marami na rin pala kong nagastos nitong nakaraang linggo. Sabi ko pa naman sa sarili ko, hinay hinay lang sa paggastos pag ginagawa ang misyon. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Jenna ang mga pinaggagagawa ko sa pera dahil bukod sa baka magagalit sya, eh hindi naman nya alam yung tungkol sa mga red strings. Ano bang pwedeng idahilan?

"Ahh, hindi kasi ano.. May tinutulungan akong isang tao.. M-mag isa na lang kasi sya sa buhay eh.. Kawawa naman", palusot ko.

Hindi ko mapigilang matawa sa pinagsasasabi ko. Naisip kong idahilan ang mokong na yun bilang isang kaawa awang nilalang. Pano ba naman? Naka sampung libo agad sya sakin sa isang araw. Nakakairita!

"Napakabait naman talaga ng best friend ko oh! Napaka swerte talaga ng magiging boyfriend mo".

"Abnoy! Alam mo namang wala sa isip ko yang mga ganyan. At ikaw ha, binabalaan kita. Nako, pag nalaman laman ko lang na kayo na ulit ni Euan--".

"Ano ba yan, parang baliw toh. Ang tagal tagal na non. Ako nga naka move on na, ikaw hindi parin".

"Hahahah! Sira".

"Oh sige na. Matutulog na ko at maaga pa ko bukas. Matulog ka na rin".

"Oo, sige. Goodnight na!".

"Goodnight!".

🍃🍃🍃

Kinubukasan, nag-eenjoy akong diligan ang mga bulaklak na tanim namin sa shop nang tawagin ako ni Sammie, ang aking assistant.

"Maam, may tawag po kayo", aniya kaya agad akong pumunta sa telepeno at sinagot ang tawag.

"Yes, hello?".

Hindi nagsasalita ang tao sa kabilang linya pero naririnig ko ang paghikbi nya. Parang isang batang umiiyak.

"Freya?", sabi ko.

"Ate, Freya... Si mama.. Tsaka si papa... Maghihiwalay na po", iyak nya.

"Ha?".

"Narinig ko po sila kanina na nag uusap. May sinama po si mama na abogado sa bahay.. Nag uusap po sila tungkol daw sa annulment.. Diba yun po yung sa naghihiwalay? Ate Freya.. Tulungan mo ko", sabi nya at patuloy na umiyak.

Napakamot ako sa aking batok.

"Kumalma ka lang, Freya ha? Tutulungan ka ni Ate. Hindi maghihiwalay ang parents mo, ok?".

🍃🍃🍃

"San ba talaga tayo pupunta?", tanong ng mokong habang nagd drive.

"Sa pangalawa nating misyon", sabi ko naman.

"Ha? Anong misyon?".

"Basta mag drive ka na lang", pagtataray ko.

Maya maya ay narating na din namin ang playground kung saan malapit ang bahay nina Freya. Nakaupo sya mag isa sa swing at parang kakagaling lamang sa pag-iyak.

"Freya", bati ko.

Iniangat nya ang nakayukong ulo bago tumakbo papalapit sa akin.

"Ate Freya..", sabi nya sabay yakap at parang itinuloy ang pag iyak na para bang kanina pa pinipigil.

Green StringDonde viven las historias. Descúbrelo ahora