Nakita ko namang magkakonekta ang kanilang mga daliri sa red string pero bakit parang hindi ko masyadong makita ang pagmamahal sa mga mata at bibig nila?

"Alam mo, napaka toxic mo talaga! Grabe, wala kong masabi sayo", iiling iling na sabi ng lalaki.

"Woah? Ako pa? Eh sino kaya satin ang mas toxic ha?", buwelta naman ng babae.

"Nakakarindi ka na, Fraida. Itigil mo na yang kakaputak mo. Paulit ulit na lang ganito. Nakakasawa ka".

"Aba, mas nakakasawa ka. Tuwing uuwi ka, kala mo kung sino kang hari na kailangan pagsisilbihan".

"Hindi mo ba maintindihan? Pagod ako sa trabaho ko".

"At ako? Hindi ba ako napapagod sa gawain bahay?".

"Heto na naman po tayo.. Paulit ulit. Paulit ulit--".

"Ate Freya, nag aaway na naman sila", paiyak na sabi ni Freya.

Hinimas himas ko ang likod nya. "Wag kang mag alala, maayos din nila yan".

"Ayokong maghiwalay sila, Ate".

Kinuha ko ang calling card ko mula sa wallet ko at binigay iyon sa kanya.

"Sige ganito. Kapag hindi nagkaayos ang parents mo, tawagan mo ko. Tutulungan kitang pagbatiin sila".

"Promise ate?".

Tinapik ko ang kanyang ulo at malambing na pinisil ang kanyang pisngi. "Promise".

"Thank you, Ate Freya".

"Sige.. Babalik na ko sa kotse ha? Papalapit na rin sila rito. Basta, tawagan mo ko ha?".

Tumango ulit sya. Nagpaalam na ko sa kanya bago tuluyang bumalik sa kotse.

🍃🍃🍃

Nakahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Kisame na lang talaga ang tinititigan ko ngayon dahil wala si pareng butiki.

Nag aalala kasi ako kay Freya at sa mga magulang nya. Magkared string at mag asawa naman na sila pero mukhang kailangan parin nila ang tulong ko.

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang notes ko.

For Chuchay's Eyes Only

Sinimulan kong magtype sa aking diary.

May na encounter ako ngayong isang couple na magkared string. In fact, may anak na sila at kapangalan ko pa. Si Freya ang naging bunga ng pagmamahalan nila pero bat ngayon parang wala akong ibang makita sa kanila kundi ang pagkasawa at pagkainis sa isa't isa? Kahit matagal na silang nagkatagpo, may tungkulin parin siguro ako sa kanila at sa tingin ko, yun ay ang ipanumbalik ang tamis ng kanilang pag iibigan.

Maya maya pa ay nagring ang phone ko. Napangiti ako nang makita kung sino ang tumatawag.

"Hello sa best friend kong maganda!".

"At hello rin sa best friend kong maligalig! Kamusta ang araw?".

"Eto, nakakapagod, sobra! Ang liligalig ng mga estudyante! Eh ikaw? Kamusta ang shop?".

"Ayos na ayos naman".

"Oy! May binalita sila sakin. Bakit parang napapadalas daw ang paggastos mo?".

Green StringWhere stories live. Discover now